Bloody XI

8.5K 370 47
                                    

Sheerina

"Titigan mo pa ko ng ganyan, hindi ko na mapipigilan ang sarili kong halikan ka."
Nakatingin nyang sabi at mukhang seryoso. Dahilan para kumabog ang dibdib ko.

Bigla kong naalalang nakatingin pa rin pala ko sakanya, agad kong iniiwas ang mata ko at sigurado pa sa sigurado. Namumula ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil nahihiya ako?

"Just kidding, bat ko naman gagawin sayo yon? Hindi kita hahalikan pero papatayin kita." Seryoso nya pang sabi. At yun, don naman, naramdaman ko ang pagkatakot.

Umalis na sya at naiwan akong mag-isa sa ilalim ng puno.

Ilang oras lang dumating na si Mia, kakatapos lang daw ng klase.

"Ano? May nalalaman ka na kung nasan si Nasqued?" Bungad sakin ni Mia at may dala dala pa syang libro.

Tumingin naman ako sakanya.

"Oo." Seryoso kong sagot. Umupo naman sya sa tabi ko.

"Kung ganon, nasan sya? San natin sya makikita?" Sunod-sunod na tanong nya dahil na rin sa pag-aalala sa kaibigan.

Inalala ko ang sinabi ni Raven kanina.

"Nasa ibang dimensyon." Nalulungkot kong sabi. Alam kong maniniwala agad sya dahil nga sa mundo ngayon, wala ng imposible.

"Pa-paano sya napunta don?" Nag-aalala pa rin nyang tanong. Tumayo na ko at nagsimula kaming maglakad papunta sa dorm.

"Si Raven." Seryoso kong sagot, hindi ko alam pero pakiramdam ko, may namumuong galit sa loob-loob ko para kay Raven.

"Ano?" Tanong nya pa at nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.

Ipinaliwanag ko sakanya lahat ng nalalaman ko maging ang mga sinabi ng panibagong top eight blooder na si Raven. Hindi ko alam kung anong reaksyon ngayon ni Mia, kung naiinis ba sya o ano.

"Hindi natin pwedeng pabayaan si Nasqued don Sheerina." Nakakunot na ang noo nyang sabi. Unti-unti na syang natataranta, samantalang ako, nag-iisip kung paano masusolutionan ang problemang ito.

"Mia... hindi ko din alam..." Parang basag na ang bosee na pagkakasabi ko sakanya.

"Sheerina, laging may paraan." Sabi sakin ni Mia at hinatak ang kamay ko.

Mabilis syang naglalakad at pinagtitinginan na kami dahil ang dami na naming nabubunggo.

"Aray.." Mahina na daing ko ng mabunggo ako sa isang taong parang bakal ang katawan. Hinilot ko ang braso ko at tinignan kung sino ang taong iyon.

Si Ashton. Nakatingin lang sya sakin at parang handa na kong kainin.

Hindi nya na ko pinansin at nagdire-diretso. Siguro papunta sya sa kwarto naming mga top blooder.

Hindi ko namalayan, nasa harapan na pala kami ng principal's office.

"Mia..." Nagtataka kong tawag sa pangalan nya.

Pero sa halip na lumingon sakin, naglabi sya at kinuha ang kamay ko.

Iyon ang pinangkatok nya sa pinto.

"Come in." Rinig kong boses. Binuksan na nga namin ang pinto.

"Oh students, what brings you here?" Tanong ng Principal. Lumunok muna ko.

Akala ko magsasalita si Mia pero ang ginawa nya, kinurot ako sa kamay.

Senyales na ako na ang magpaliwanag.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon