XXXI

6.9K 335 152
                                    

Sheerina

Nang tuluyan akong makalapit kila Ashton, nagulat ako sa nakita!

Akala ko ang kalaban lang nila ay ang Headmaster at si Mia!

Pero hindi!

Nandito lahat ng Pinuno ng iba't-ibang paaralan!

"Why are you here?!" Inis na tanong sakin ni Ashton habang nakikipaglaban!

"Bumalik ka na." Sabi naman ni Sick, ngunit bago ko pa sya lingunin, wala na ito!

Kinuha ko ang asero ko na nakalagay sa likod ko.

"Let's end this." Mahinang sabi ko at ngumisi.

Tumakbo ako ng mabilis sa isa sa mga Pinuno!

Ngunit bago pa man ako makapunta sakanya, naglabas ito ng dalawang maliit na dragon!

May nakita akong sasampahan kaya tumuntong ako mula doon at saktong paglanding, dalawang dragon ang natamaan ko!

'Pinuno ba ang tawag nila dito?'

Natatawa kong tanong sa sarili.

"You! You killed my dragons!" Galit na sigaw sakin ng lalaking pinuno!

"And now, it's time to kill you." Sabi ko at tumakbo na papunta sakanya!

"Yaaaah!!!" Sigaw ko habang papalapit sa Pinunong may dragon!

Naririnig ko rin ang iba't-ibang putukan galing sa iba't-ibang parte ng silid na ito!

Bago pa man ako makalapit sa Pinunong may dragon, nagpalabas ito ng mahigit sampong dragon!

Hi-hindi ko inaakala yon!

"Kasing hina mo ang Nanay mo." Tumatawang sabi nito sakin.

Ang kapal naman ng mukha nya.

Sa pagkakaalam ko, si Mama ang isa sa pinakamalakas sa paaralang 'to noon.

"Ulol." Mahinang sabi ko at nag-vertical, saktong paglanding ay nalanding ako sa isang may kalakihang dragon!

Mabuti nalamang at may tali ito!

Am i really riding a dragon?!

A-anong gagawin ko?!

It's my first time!

Hinitak-hitak ko lang ang lubid na nasa dragon at sobra akong nahilo dahil sa kalikutan ng nilalang na 'to!

Lumipas ang ilang minuto at im finally controlling it!

'Ang galing ko!'

Ngumiti ako dahil sa tuwa, pero ng masilayan ko sila Raven at Levicarl na nahihirapan, naramdaman ko bigla ang inis na umaakyat sa ulo ko.

'Here i go!'

Iniragasa ko ang dragon papunta kila Raven at nagbuga rin ito ng apoy sa mga Pinuno!

Nang makitang ayos na sila, sa iba naman kami nagtungo ng dragong ito!

Naalala ko naman ang Pinuno na may dragon! Hindi ko pa nga pala ito napapatumba.

'Humanda ka sakin.'

Mabilis ang dragon na lumilipad patungo sakanyang Amo.

Nakangiti naman nyang sinalubong ang dragon, pero mabilis rin itong nawala ng makita nya kong nakasakay dito!

Huminto ang dragon sa amo nito, mukhang walang balak na magbuga ng apoy ah?

"Hahahaha!" Iniihit ng tawa na sabi ng Pinuno na may dragon. Ikamatay mo sana ang pag-tawa mo.

Bloody Hell University (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon