Crush

13 2 0
                                    


Crush

"Kristine"

napatigil ako sa paglalakad ng biglang may pamilyar na boses na tumawag saaking pangalan. Halos kumabog ng mabilis ang puso ko. Boses palang niya nangingisay na ako pano nalang kaya kapag kaharap kona.

Kinakabahan akong humarap sakanya.

"M-may kailangan ka?"  utal na mahinhin kong sabi. Lumunok pa ako para mabawas-bawasan din yung kaba ko.

"May sasabihin ako sayo, wag kang magugulat ha?" seryoso niyang usal. Ano naman kaya ang sasabihin niya? Kinakabahan tuloy ako

"Ano?"

"Kristine, crush kita" seryoso niyang usal.

Jusko! Kung nananaginip lang ako wag sana akong gisingin ni nanay.

"h-huh?"  tanging usal ko nalang. Narinig ko naman eh pero gusto kolang talaga na ulitin niya yung sinabi niya..  Jusko, mabuti nalang bitbit ko ang mga libro para dito konalang ilabas ang kilig ko.

"Sinabi kong Crush kita pero huh lang yung sagot mo sakin" lungkot niyang usal..  Ang cute niya. Ramdam ko yung pag init ng magkabilang pisngi ko at mas lalo nayung kilig sa buong katawan.

"Parang tanga to" kunwari inis kong usal pero sa kaloob-looban ko ay  para na akong sasabog sa kilig.

"Oo tanga pakinggan pero yun ang nararamdaman ko eh, wala na tayong magagawa" seryoso niyang usal habang nakatingin saaking mga mata. Ako namang mukhang uod na nangingisay na ay pilit na tinitigan din ang kanyang mata.

"Ewan ko sayo jan kana nga" kunwari inis kong usal sabay talikod sakanya para umalis na.

Jusko, ang tanga ko talaga minsan nga niya lang ako kausapin aalis pa ako. Sana pigilan niya ako. Please lang pigilan mo ako kristoff.  Hay minsan na nga lang dumating yung swerte sa buhay ko. Napabuntong hininga nalang ako at akma na sanang hahakbang kaso

"Ito naman oh, may sasabihin pa nga yung tao"    pumikit pa ako dahil sa kilig,  umaayon talaga sakin ang tadhana. Humarap ako sakanya at pinilit kong poker face lang yung ipinapakita ko sakanya na reaksyon.

"Ano ba kristoff, tigilan mo nga ako"

"basta ha? Wag mong kakalimutan na crush kita" seryoso niyang usal. Hindi kona mapigilan ang aking sarili na mapangiti nalang sa kanyang harapan.

"Oi, napaniwala ko siya. Joke lang yun" nakakaloko niyang usal sabay halakhak ng tawa. Yung malawak na ngiti ko kanina ay bigla nalamang naglaho dahil sa badshot.

Bwesit tong loko-loko natu! Kung dati ay 100% ko siyang crush , ngayon  ay 80% nalang.

"Ewan ko sayong unggoy ka, lubayan mo nga ako"  inis na usal ko sabay walk out.

Bwesit na araw! Akala kopanaman totoo yun.

…………………………………………………………

"Kristine"

Napatigil nanaman ako sa paglalakad at inis na kunwaring humarap sakanya. Kahit na ininis niya ako kahapon ay okay lang naman sakin dahil pinakilig niya naman ako.

"Oh ano ? Crush mo nanaman ako?" inis kong usal sakanya.

"Wag kanang magalit, sorry na. Dina yun mauulit. Sige na peace na tayo" seryoso niyang usal sakin. Napangiti naman ako sa kaloob looban ko. Marunong din pala tong manuyo eh. 100% kona siyang crush.

"sige na nga" kunwari inis kong usal pero deep inside kinikilig na talaga ako.

"Pasensiya kana kahapon ah? Pero seryoso, crush talaga kita walang halong biro" seryoso niyang usal

One shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon