Flashback

12 2 0
                                    

"Completo naba yung chairs at tables na gagamitin para sa foundation day natin bukas?"

"Yes Pres completo na,may extra din para kung magkaproblema."

"Ok that's good to hear, by the way kumusta naman yung decorations tapos na ba?"

"Still on going pa po."

"Miss President, bad news po"

"What is it?"

"Nagkaproblema po sa banda na magpeperform bukas, nagka-injury yung vocalist nila at yung drummer naman nagkaroon ng family problem. Kaya nagback-out sila."

"Omyghad, Sige gagawan nalang natin yan ng paraan. Does anyone of you here may kakilala na banda na pwede bukas?"

"Meron po ako Miss Pres kilala ko yung leader nila at anytime pwede sila. I'll call them nalang po."

"Thank God, ok then it's settled pwede na kayung umuwi. Thanks for your cooperation everyone see you tomorrow."

"Bye Miss Pres."

Nginitian ko nalang sila at nagsimula narin magligpit ng mga gamit.

"Hays nakakapagod naman tong araw nato."malumanay kung sabi habang inuunat ang katawan kung sobrang nangangalay na sa pagod.

Paalis na ako ng paaralan at papunta na sa bus station.Nang makarating na ako ay isang malakas na sigaw ng konduktor ang bumungad sakin.

"Oh isa nalang, Ikaw miss sakay na."

Nagmadali akong sumakay para hindi na ako maabotan ng sobrang dilim dito delikado panaman. Sa may likoran nalang yung natitirang upuan katabi ng lalaking medyo weirdo ang pananamit dahilan kung bakit di ko makita yung pagmumukha niya. Mayamaya nakaramdam na ako ng antok kaya tuluyan na akong nakatulog.

"Miss gising na, masyado ka naman yatang komportable na ginagawa mong unan tong balikat ko tas nilalawayan mo pa."iritadong sabi  nito.  Dahil sa sinabi niya ay gulat na gulat akong napahiwalay sakanyang balikat.

"I'm so sorry as in sorry talaga hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako pasensiya na talaga" hiyang-hiya kong sabi sakanya.

Jusko po! Anong klaseng kagagahan ito Sheena!

"Tss." tamad niyang saad sabay tayo at naglakad patungo sa labas ng bus.

Nakakahiya! bakit naman kasi ako nakatulog sa balikat ng lalaking yun, ang arte-arte pa akala mo naman kung sinong gwapo,If I know ang pangit niya kaya siya balot na balot hmmp.

Makalipas ng ilang segundo ay napatanto kona mahigit tatlong pasahero na pala ang natira dito.  Tayka! Hindi pa ako nagbabayad.

"Manong! Manong!" tawag ko sa konductor. Napalingon naman yung matanda sakin na lumalapit nasa kinauupuan ko. "Bayad ko Man-" di man lang ako pinatapos ay sumabat na siya. 

"Bayad?"

"Ah Manong yung bayad ko po. Ito po" usal ko habang yung kamay ko ay nangangalay na dahil hindi parin tinatanggap ng manong ang bayad ko

"Iha di na kailangan, binayaran kana ng boyfriend mo kanina pa."nakangiting sabi ng manong.

"Po?"nagtataka kong tanong dito

"Yung boyfriend mo yung nasa tabi mo kanina, binayaran kana niya. Oh siya mauna nako iha."

Si Mr. Sungit? Nagbayad nung pamasahe ko? Bakit naman niya ginawa yun? Eh mabait naman pala yung Sungit nayun pero ang hindi ko lang matanggap ay sinabi niyang boyfriend koraw siya? Tsk!.

Teka nasan naba ako? Hala lumagpas na pala ako sa dapat kong hintuan.

                             ***

One shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon