Jeepney...Pawis na pawis kami ni Ate Angie na lumabas sa gate ng school. Eh sino namang tao ang hindi papawisin? Kay init pa naman ng panahon. Kakatapos lang naming magpa enroll kaya laking ginhawa na para sakin na
Enroll na ako!
"Bae, Gusto mong uminom ng tubig?" tanong sakin ni ate habang hindi maalis sakanyang reaksyon ang pagka frustrate ng dahil sa init.
Umiling ako. "Wag nalang ate. Kaya kopa naman"
Habang nag hihintay kami dito sa waiting shed ay may nakita akong mag ina. Hindi ko alam kung bakit parang titig na titig ako sa anak niyang lalaki.
Ano to? Lumalandi? Joke lang. Pamilyar lang yung mukha ng lalaki kaya ko siya tinitigan. Saan ko nga ba siya nakita? Siguro nakasalubong kolang sa mga lakad ko or baka schoolmate?
"Bae, Bili muna tayo ng tubig sa 7eleven. Uhaw na uhaw na talaga ako eh" sabi ni ate habang pinapaypayan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang kamay.
Tumango nalamang ako pero bago pa kami nakaalis sa waiting shed ay tinignan ko muna yung lalaki.
Pero bigla nalang akong umiwas dahil Nakatingin din pala yung lalaki sakin. Hindi sa assuming ako pero parang ako kasi yung tinitigan niya o baka guniguni kolang iyon. Siguro si ate lang yung tinitigan niya .
Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako nung pag alis namin dun sa waiting shed. Hayst! Ang landi ko talaga. Bwesit.
Pagkatapos naming bumili ng tubig ay agad na kaming lumabas ng 7 eleven. Sakto namang paglabas namin ay siya ring pag hinto ng jeep sa harapan namin.
May ibang tao na nagmamadaling sumakay sa jeep kaya sinabihan din ako ni ate na magmadali rin daw kami upang sa ganun ay hindi kami maunahan ng ibang pasahero lalo na't walang gaanong jeep ang bumabyahe patungo sa patutunguhan namin ngayon.
Saktong pagkaupo ko ay siya ring paglaki ng dalawa kong mata nang dahil sa gulat.
Kaharap ko ngayon ang lalaking nakita ko sa waiting shed.
Self? Kalma lang okay? Kalma lang. Pero paano ako kakalma eh kaharap ko yung lalaki? Bakit ba ako nakaramdam ng ganito eh ngayon kolang naman siya nakita pero pamilyar siya sakin.
Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Tumingin nalang ako sa labas at tignan ang mga paligid hangang sa may biglang nag abot sakin ng bayad. Agad ko naman itong kinuha pero hindi ko maiwasang tignan yung lalaki pero laking gulat ko nalang na nakatingin din siya sakin.
One
Two
Thr~~ two seconds kaming nagkatitigan! Grabe ! Mahangin naman ah pero bakit pinagpapawisan ako dito?Ngayon ko lang napansin na ang GWAPO pala niya, hindi ko naman ito napansin kanina.
Dahil sa nanakit natong leeg ko sa kakatingin sa paligid, napagdesisyunan ko nalang na pagmasdan ang mga kapwa pasahero. May nag cecellphone, natutulog, ang iba naman ay nakatanaw sa paligid hangang sa napako ang aking tingin sa nanay ng lalaki.
Hmmm, may pagkachubby yung nanay niya. Hindi ko alam kung bakit gusto kong sabihin sakanya na Ate? Anong pangalan ng anak mo? Ilan taon na siya? Gusto ko sanang maging kaibigan saka maging bf. hindi. Hindi. Erase. Erase. Ganito lang talaga ako kasi gwapo. Charoot! Baka ang panget ng ugali ng lalaking to kaya wag nalang.
Tinignan ko ang lalaki, natutulog yata siya kasi tinatabunan niya ang kanyang buong mukha sa panyo niya hangang sa bigla siyang kinalabit ng nanay niya. Syempre nagkukunware akong hindi nakatingin sakanila para hindi nila ako mahalata.
Nakikita ko sa gilid ng aking mata na hiniram ng nanay niya ang panyo at sinambit ang pangalan niya.
Sayang naman hindi ko gaanong narinig yung pangalan niya, Chris? Tris? Parang ganon yung rinig ko eh.
Nalaman konalang na parehas pala kami ng school na pinapasukan , syempre nakinig ako sa usapan nila. Ganito pala noh pag may crush kasa loob ng jeep. Harot ko talaga!
Medyo traffic pero hindi ko alam bakit hindi ako naiinis sa traffic ngayon parang okay na okay lang sakin. Parang gusto kona yatang wag nalang itong umandar.
Napasimangot ako at napamura saaking isipan ng biglang may sumakay na Ale at sumingit sa gitna ng dalawang mag ina dahilan ng hindi na kami magkatapat ng Lalaki.kainis naman oh.hindi na kami magkatapat! How sad.
"Paabot nga ng bayad" sabi ng pasahero, kinuha ko naman ito pero diko akalain na yung kamay na pala ng lalaki ang nakaabang. 'Pambihira naman,ang swerte ko yata. Syempre poker face lang dapat pero sa kaloob looban ko ay sabog na sabog na yung puso ko. Tatatatangina!
Nagkadahilan tuloy ako na tignan siya pero agad din akong umiwas dahil nakatingin din kasi siya sakin. Ghad!
Minsan kolang ito nadadama kaya sana Wag nalang huminto si manong driver sa kakadrive. Sana walang babaan to kasi kung sino ang bumaba Patay sakin!
Hay! Nakarelate tuloy ako sa kanta ni Yeng Constantino, yung Jeepney Love Story. Pero iba kasi yung kanta niya kasi sa kanta niya ay magkatabi sila nung lalaki, sa sitwasyon ko naman ngayon ay MAGKATAPAT lang kami.
Bigla tuloy akong nalungkot kasi bababa na kami,
Bumaba na ang lahat ng pasahero. Dito na magtatapos ang kalandian ko. Parang dito nalang magtatapos ang kunting love story ko.Dahil sa hindi kona makaya, tinignan ko yung lalaki sa huling pagkakataon tutal siguro ito nayung last naming pagkikita.
Pero ako na ang unang umiwas kasi saktong paglingon ko sa kanya ay nakatingin din siya sakin. Shit! Sigurado talaga akong ako ang tinignan niya.
May tanong talaga na bumabagabag saaking isipan. Pareho lang ba kami ng nararamdaman? Eh kasi sa tuwing titingin ako sakanya ay nakatingin din siya sakin pero siya na ang unang umiiwas . Hayst ano batong nararamdaman ko?
Sana magkita kami ulit.
"Hay sa wakas nakarating na tayo" sabi ni Ate Angge, ngumiti naman ako sakanya.
Dito na siguro ang ending kasi sa kanta ni Yeng na jeepney , Sa jeepney lang naman sila huling nagkita...
(13)
A/N
Aww sayang naman!denemenmeseket.