Mahal kita pero....Third year higschool nung una kong nakita si Chad. Magkalapit lang yung classroom namin kaya sa tuwing oras na ng recess time palagi akong nag aabang sa bintana para makita lang siya. Grabe yung kilig ko sa tuwing nakikita siya.
Sunday ng gabi ng biglang may chat sakin sa messager. Kumunot yung noo ko. Sino naman kaya ito. Nasa message request kasi. Akala ko kaibigan kolang pero hindi pala. Halos lumundag yung puso ko ng mabasa ko kung sino. Si Chad!
Siya: Hi
Ako: ??
Halos mapunit nayung labi ko sa kakangiti. Paano niya nalaman yung name sa fb ko? Agad kong kinuha yung cellphone ko ng bigla itong tumunog.Nag reply agad siya! Yieehh.
Siya: Chad nga pala. Salamat sa pag accept.
Ackkkk hihimatayin yata ako sa kilig.
Ako: weleng eneng men
Siya: haha
Nung gabing iyon ay hindi ako nakatulog kaya ang kinabukasan ay na late ako ng gising. Bunos payung pinapagalitan pa ako ng teacher dahil late nga ako.
Recess time ng biglang may nag abot sakin ng letter.
"Kanino galing?"
Nagkibit balikat lang siya. Binuksan kolang yung letter at hindi ako makapaniwala nagaling kay chad yung letter.
Nung araw nayun ay nakipagkita siya sakin at sinabi yung nararamdaman niya sakin. Sobrang saya ko dahil parehas kami ng nararamdaman. Nanligaw siya sakin at umabot ng isang buwan bago ko siya sinagot.
Mabait siya, maalaga, malambing at minsan naman ay nagbibiro. Hindi rin maiwasan ang away bati namin. Sigurado na akong siya na ang gusto kong makasama sa huli. Umabot kami ng isang taon pero ang akala ko ay aabot pa kami ng dalawang taon.
Hindi ko inaasahan naisang Dare lang pala yun. Akala ko hindi totoo ang mga ganyan ganyan pero ito ako ngayon miserabli. Iyak ng iyak. Walang ibang ginawa kundi ang mag mukmok.
Minsan ay nakakasalubong ko siya. Pero dedma lang ako. Minsan ay tinatawag niya ako para humingi ng tawad pero hindi kolang siya pinapansin.
Hangang sa umabot yung panahon na nakipagkita siya sakin sa bahay pa mismo namin. Dun niya binuhos ang lahat lahat na nararamdaman niya. Hindi niya naman daw intensyon na gawin yun sakin pero nadala lang daw siya.
Nung panahon nayun ay nagka ayos kami.
Kaya ito ako ngayon. Nakatayo sa gilid habang nakangiting nakatitig kay Chad.
Ito siya, nakangiting papalapit sa kinatatayuan ko.
.
..
..
..
.Ito na yung taong mahal ko papalapit nasa akin , kasama yung TAONG MAHAL NIYA.
(14)
A/N
Yung puso kopo nabasag, PAKIAYOS NAMAN OH? Hehe jowk!