Random Call..
Nandito ako ngayon sa waiting shed. Halos mapuno na ako sa galit ng mga kagroup ko eh pano naman kasi alas nuebe yung sabi ng leader namin pero anong nangyari? Halos mag aalas dyes na pero wala parin sila. Bwesit!
Dahil wala naman akong magawa kinuha konalang yung cellphone ko at ginawa ang kalokohang naisip ko. Nag type ako ng mga random number at pag may lumabas na number ay pipindutin ko ito at saka tatawagan. Panigiradong mawawala tong pagkainip ko.
Dialing...
Halos lumundag ang puso ko ng sinagot ang tawag ko. Pinigilan kong huwag matawa.
"hello? Sino to?"
Shocks! Boses babae.
"Mama nasaan kana ba? Gutom na gutom napo ako. Nakabili kana ba ng pagkain?"
Tinabunan ko ang aking bibig para hindi marinig ng babae ang tawa ko.
"wrong call ka ata"
Magsasalita na sana ako kaso agad na niyang inend ang call. Ay nagalit ata.
Ilang beses kopang sinubukang tumawag ng random call pero ang iba ay out of coverage ang iba nga ay sinisigawan ako. Haha
Nag try pa ako. Siguro last nato baka maubos patong load ko eh.
Dialing..
Ringing...
Napatabon na ako agad sa aking bibig dahil hindi ko nanamang mapigilang tumawa.
Hindi kona hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya dahil agad na akong nagsalita.
"hello. Tulungan mo ako please. Nandito ako sa may waiting shed ng paaralan, Ahm sa Hale University . Madaming mga lalaki ang nandito. Huhu tulungan mo ako. Natagusan kasi ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Mukha pa namang mga manyak ang mga lalaki dito. " kunwari naiiyak kong sabi.
Pinigilan ko talagang wag matawa sa pinagsasabi ko pero nagtaka ako kasi hindi nagsalita ang nasa kabilang linya kundi agad niya itong inend call.
Tsk. Nagalit ata
Tumigil nalang ako. Eh pano naman kasi naubos na yung load ko. Tinignan konalang kung anong oras na. Bwesit alas dyes na pero wala parin yung mga kagroupmates ko.
Ting!
Tinignan ko naman yung group chat sa messenger at laking galit ko ng mabasa ko ang text ng Leader namin.
Leader: Guys hindi tayo tuloy ngayon. May lakad kami. Sorry. Bukas ,promise tuloy tayo .
Pambihira!
Bigla akong natigilan ng
may biglang naglahad sakin ng isang color white na plastic. Kunot noo ko itong tinignan.Napatingin ako sa plastic pagkatapos ay tinignan ko kung sino ang naglahad.
Halos kumabog ang puso ko ng napatanto ko na si Mark Avilles ang naglahad, ang lalaking matagal ko ng crush sa campus. What the heck. Kita kopa yung paghinga niya ng malalim parang kakagaling niya lang sa pagtakbo
"Alexa, Nung tumawag ka kasi ay nabosesan kona agad kung sino. Kaya tanggapin mona . Hindi ko alam kung anong napkin yung ginagamit mo kaya binili konalang lahat ng brand"
The end.
(14)
A/n
Ayieehh sana all hindi ilusyon!