Chapter 1
Nakadungaw ako dito ngayon sa terrace ng bahay namin. Tumingin ako sa kalawakan at pilit na hinahanap yung dalawang bitwuin na lagi kong tinitignan tuwing gabi. Inilibot ko na yung mata ko sa kung saan pero ganon padin.
Wala, hindi ko siya makita.
Napabuntong hininga na lamang ako. Kasabay non ang pag ihip ng hangin. Ilang segundo nalang at nararamdaman ko na namang
Malulungkot ako ng wala sa oras.
Masayahin naman kong tao pero bakit ganon? Sa tuwing mag isa ko sa bahay nakakaramdam ako ng lungkot. Minsan nga kung umiiyak pako ng walang dahilan.
Baliw lang diba?
Ughhh! Delete! Delete!
Dali dali kong pinindot yung delete button nitong laptop at ibinaba yung screen nito. Kanina pako nagtatype dito lahat nalang anggara. Nakailang inom nadin ako ng kape. Tumingin ako sa salamin mukha nadin akong zombie. Tumingin ako sa orasan sa ibabaw ng table ko at nakita kong 4 AM na pala.
At mas lalo pang nag pasakit ng ulo ko ay yung maalalang ngayon na pala yung pasahan nito. Self! Anong nangyayari sayo? Bat ngayon pa?
Isinubsob ko nalamang yung mukha ko sa table at saka napabuntong hininga. Walang nang ipapasa wala pang tulog. Paano na ko mabubuhay nito!? Anong sasabihin ko kapag tinanong ako mamaya?
Ang mukha pa naman ni Sir Jessie parang bakulaw.
Kapag umiglip ako hindi naman ako malelate diba? Kinuha ko yung cellphone ko at tsaka nag alarm. Basta iiglip lang ako saglit tapos gigising din agad.
Humiga na ako at tsaka umiglip.
Naalipungatan ako at napabangon sa pagkakahiga. Nakatutok sa mukha ko yung sinag ng araw na nanggagaling sa labas. At ito ako ngayon napahikab.
Hihiga pa muli ako sana ng maalala ko yung itsura ni Sir Jessie.
Ay bakulaw.
Napatayo ako bigla at dali daling kinuha yung cellphone ko. Huhuhu! Letse ka phone bakit hindi ka nakisama!? Bakit ngayon kapa hindi nag alarm!?
Hala! 8 na!
Wala nang ligo ligo, hilamos lang sapat na.
Syempre biro lang, mas gugustuhin kong maligo kaysa magmadali. Pagkatapos kong maligo ay dali dali akong nag bihis at tsaka lumabas ng apartment na tinutuluyan ko.
Agad akong pumara ng taxi at sumakay sa loob non.
Nakarating din naman ako kaagad sa publishing company buti nalang mabilis mag drive si kuya. Iniabot ko sa kanya yung bayad at saka lumabas. Tumakbo na ako papunta sa loob at pumasok sa elevator.
Nakarating na ako sa 4th Floor ng bumungad pag kabukas ng pinto ng Elevator ang mukha ni Ami.
"Ano Lorraine? Late ka na naman? Story mo? Natapos mo? "
Hindi ako nagkapag salita at napailing nalang
"Hala ka yari ka kay bakulaw."
Gusto ko pa pong mabuhay kaya sana pwede pa bukas.
"Pati yang itsura mo hindi mo naayos. Tignan mo yang buhok mo. Ano ba yan? Damo?" pang aasar ni Ami.
"Hindi naman halatang nagmamadali ako no? " tanong ko sa kanya.
Umiling iling ito at saka itinaas yung isa niyang kilay.
"Biro lang Ami, tulungan mo ule ako this time sige na. Ililibre kita ng Lunch! Sige na! Tulungan mo kong mag paliwanag kay bakulaw este Sir Jessie! Sige na ah? " pamimilit ko kay Ami habang nakakapit sa braso nito.
BINABASA MO ANG
Line Between the Stars
Teen FictionThe Writer will write what is in the present and the Doctor will heal what is in the past. Line Between the Stars Written by: babymigoo