Chapter 4

29 7 2
                                    

Chapter 4

Lorraine Amber Winslett

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" 

"Oo, salamat Ami. Nakasakay na ako sa bus ngayon papunta ako sa bahay nila Mama."

"Ah okay sige,  ingat ka Lorraine. Pero yung totoo wala ka talagang maalala sa nangyari kahapon? "

"Ano ba kasi yon? Kanina mo pa tinatanong sakin yan. Kapag tinatanong kita kung ano ang palagi mong sinasabi wala."

"Wala sige, ingat sa byahe!"

"Oh tamo yan gan-"

Hindi pa ako natapos mag salita aya agad nang inend ni Ami yung call. Ano kaya yung nagyari kahapon?  Wala talaga akong maalala.  Pupwede naman kasing sabihin nalang hindi pa ginawa. Pa curious din tong si tomboy eh.

Pero pag kagising ko kaninang umaga ang weird. Kanina pa ako napapahawak sa labi ko. Kung makahawak parang nakuha na yung first kiss eh pero wala pa naman. Grr.

Pero ano ba talagang nangyari kahapon?

Hala,  may ginawa ba akong kahihiyan habang lasing ako? Wala naman siguro no?

Wala naman siguro.

Bumaba na ako mula sa bus ng makita ko si Kuya at si Mama na naghihintay sa akin sa labas. Pagkababa ko ay agad kong niyakap si Mama at si Kuya.

"Grabe, ang higpit mo nang yumakap ngayon Lorraine ah? Masasarap ba ang pagkain doon sa Manila para lumakas ka ng ganyan? " tanong sakin ni Kuya Ben.

"Oh siya bitaw na baka mabali na yung buto ko sa likod." ang sabi naman ni Mama.

Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanila at tumingin ng seryoso kay Mama.

"Biro lang anak,  malakas pa to." pagbibiro ni Mama at tsaka kami nagtawanan tatlo. Binitbit ni Kuya yung dala kong bag at nag umpisa na kaming lumakad.

Habang papalapit kami sa bahay namin ay napansin ko ang pagbabago ng lugar namin. Dumami din ang puno kasabay ang mas lalong gumanda na dalampasigan.

Matagal tagal nadin pala simula ng umuwi ako sa Masbate.Sa may di kalayuan ay natanaw ko ang isang bahay na makaluma ang disenyo pero maganda ang pagkakagawa nito. Nagtataka nga ako kung bakit papunta doon ang direksiyon namin.

"Iyan ang bahay natin Lorraine." halos na panganga ako dahil sa sinabi ni Mama.

"Seryoso ka Ma?  Pano naging? " tanong ko kay Mama at bakas sa mukha ang pagtataka.

"Oo, Iyan yung dati nating bahay.Pinaayos lang namin kaunti ng stepfather mo. " sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Bakit? Hindi ka naba pamilyar? Ganon ba kalaki ang ipinagbago ng bahay natin?" tanong ulit nito na bakas ang pagtataka sa mukha.

"Opo ang laki ng ipinagbago. Buhay pa po ba yung kuwarto ko Ma? " itinanong ko kay Mama habang patuloy na naglalakad.

"Halika na pumasok na tayo sa loob." ang tanging sagot niya sakin. Ano kaya yon?  Iba yung tanong ko sa sagot niya.

Pagkapasok namin sa loob ay naalala ko agad itong bahay. Tama nga si Mama ganon parin kagaya ng dati. Yung mga pictures namin nung bata ako nandoon padin. Pati yung picture ko na kasama si Papa.

Yung tunay kong tatay.

Napangiti nalang ako ng nahagip ng mga mata ko iyon. Nakaramdam din ako ng lungkot ng maalala ko si Papa.

Kasabay non ang inis dahil sa hanggang ngayon pinanghahawakan ko parin yung pangako niya.Isa sa mga dahilan ko kaya umalis ako dito sa bahay ay dahil naalala ko lang si Papa.

Line Between the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon