Chapter 5

55 5 2
                                    

Chapter 5

Lorraine Amber Winslett

Habang papauwi ay nadaanan ko yung magandang dalampasigan. Kasama non yung dagat na payapa at yung araw na papalubog na.

Umupo muna ako panandalian sa buhangin at doon i enjoy yung view. Matagal tagal nadin since nung ginawa ko to. Ang huling upo ko sa mga buhangin nato ay yung bata pa ako.

Naramdaman ko ang malakas na pag  ihip ng hangin dahilan para humarang sa mukha ko yung buhok ko at hawiin iyon.

"Ang akala ko ba uuwi kana? "

Nung una hindi ko pinansin yung nagsalita dahil hindi lang naman ako yung iisang tao don.

"Ang akala ko ba uuwi kana?  Lorraine? " muli nitong binanggit dahilan para mapalingon ako sa likod ko.

Pagkalingon ko ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Nakita ko na naman siya. Yung baliw kanina sa bahay.

Si Andrei

Nakapamulsa ito at malayo ang tingin. Natigilan ako panandalian dahil may kung ano akong nakita sa kanya. Mula sa buhok niya na kulay itim, asul na mga mata, makapal na kilay,  at magandang labi.

Teka,  na aakit ba ako?

No.

Muli kong binalik yung tingin sa papalubog nang araw. Nanatili akong tahimik ng namalayan kong umupo na siya sa gilid ko.

"Masungit ka parin kagaya ng dati." banggit nito. Nagtaka naman ako dahil kanina lang naman kami nagkita. Kung maka asta parang matagal na kaming mag kakilala ah.

"Huh?" tanong ko sabay ang pagtingin dito. Muli akong natigilan ng mag tama ang mga mata namin.

Lorraine anong nangyayari sayo?

Don't tell me, naakit ka nga?

No. Hindi ako naakit pero bakit parang may paru paro ngayon dito sa tyan ko. Yung puso ko ang bilis ng tibok. Napalunok din ako. Grr

"May problema ba yang puso mo? Gusto mo icheck ko? Remember?  Doctor ako." sabi nito at tsaka ngumisi.

Nagiwas ako ng tingin at saka dali dali tumayo. Ano bang sinasabi niya dyan? Wala akong sakit sa puso kaya bakit niya ichecheck?

Pero nakakainis bakit ba ang bilis ng tibok nito ngayon?

"Doctor mo mukha mo!" sabi ko at tsaka umalis. Naglakad lakad ako konti at doon nag abang ng sasakyan.Ang akala ko sinundan niya ako pero ako na lang pala yung mag isa.

Bat ako nag expect na susundan niya ako? Kaines.

Amillene Roselle

Pumasok akong cr at doon umihi. Habang nasa loob ako ay narinig ko ang mga yapak at halakhak nung ibang babae dito sa publishing company.

Tatayo na sana ako at lalabas pero nagulat na lamang ako sa narinig ko.

"Alam niyo ba?  Si Ami pala victim ng rape. Ang malala pa diyan tito niya yung may gawa."

"Hala talaga ba?  Yung to tomboy tomboy nayon?  Biktima ng rape. Woah iba na talaga yung panahon ngayon. Basta talaga may maparausan lang walang pinipili."

"Pero maiba ako ah, hindi kaya may anak natong si Ami? "

"Oo nga girl,  what if may anak na siya?" rinig kong pinaguusapan nila. Muli akong napaupo doon sa bowl. Naramdaman ko yung panghihina nung katawan ko. Kasabay non ang mga luha galing sa mata ko na dahan dahan tumutulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Line Between the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon