Chapter 3

34 8 0
                                    

AN: Hello? Bago kayo tumuloy sa pagbabasa ng Chapter nato ay gusto ko lang sabihin na pure fiction lang ito. Lahat ng mababasa niyo dito ay walang katotohanan gawa gawa lang ng malikot na pag iisip ni author. Although may mababasa kayong familiar na lugar at pangyayari. Hindi ko intend na makasakit ng damdamin. Hindi ko din intend na ipaalala yung masamang karanasan na naranasan ng mga taong naka saksi ng pangyayaring yon. Pinagbatayan ko lang ang lahat ng iyon para gawing inspiration para gawin tong story. Hindi din ako isang magaling na author kaya kung may mali man dito ay sorry agad hahaha.Pero I will do my best para mapaganda yung bawat chapters. Yun lang! Basa na!


Chapter 3

Andrei Duke Williams

"Successful ang operation" sabi ko habang nakatingin sa mga kasama ko dito sa loob ng operating room.

Nakakagaan ng loob bilang isang doktor ang makapagligtas ng isang tao. Ang makapag bigay ng panibagong buhay para sa kanilang nakaramdam ng takot at muntik nang mawalan ng pag asa.

Nung una hindi ko gusto itong propesyon na tinahak ko. Hindi ko naman talaga ginusto pero ito ang gusto ng Papa ko. Wala akong magagawa kasi ang sabi nga nila sila ang nakakaalam kung ano ang nararapat para sakin.

Mabuti nalang nakakilala ako ng mga mabubuting tao habang ginagawa ko yung mga bagay nato. Ang mga pasyente ding may mga ngiti sa kanilang mukha ang isa pa sa naging inspirasyon ko para ituloy tong propesyon na tinahak ko.

Nandito nalang rin ako kaya kaylangan ko nang ipagpatuloy. Naging masaya din naman ako sa kung ano ako ngayon.

"Congratulations Doc Williams!" sabay sabay na sinabi ng ibang doctor at nurse na nandito sa loob.

"Ikaw nang mag tapos nito, Alex. Kaya mo naman na diba? May tiwala ako sayo." sabi ko kay Alex at saka iniabot yung surgical suture.

Nagumpisa na siyang tahiin yung outside layer ng skin kung saan inoperahan yung pasyente. Nag bow naman ako sa iba kong kasamahan at nagpaalam na lalabas na ng operating room.

Tinanggal ko yung dalawang gloves sa kamay ko at nagpatuloy sa paglabas sa operating room. Nasa hallway na ako ng marinig ko ang pag uusap nung dalawang babae.

"Maam, Sorry po hindi po talaga pwede eh. Nag peperform pa po ng operation si Mr.  Williams." sabi nung isang Nurse.

"Hindi,  kailangan ko siyang kausapin. Nasan ba siya? May sasabihin lang ako saglit." rinig ko na sabi sa isang pamilyar na boses.

Bumukas ang pinto sa dulo ng hallway at doon nakita si Jessica na nakikipag usap doon sa Nurse. Sabi na eh, siya yung babae nayon.

Siya lang yung kilala kong gagawa nito. Ilang beses ko na sinasabi sa kanyang huwag siyang mangugulo kapag nag peperform ako ng surgery pero heto siya ngayon nakikipag patintero sa nurse.

Sakit sa ulo.

"Oh Andrei!  Nandyan ka na pala! " sigaw nito ng makita ako. Lumapit naman ako doon sa kanila ng nurse.

"Ako nang bahala sa kanya" sabi ko sa Nurse at tsaka ngumiti. Napansin ko na napaiwas ng tingin yung nurse. At tsaka parang namula siya bigla. Nahihiya ba siya sakin?

Bigla na lamang itong tumakbo papaalis at kaming dalawa nalang ni Jessica ang naiwan.

"Bakit ka nandito? " walang gana kong tanong sa kanya.

"Hindi ka ba masaya na nandito ako? " sabi nito habang nag papacute na ewan.

"Hindi" hindi naman siya cute.

"Kahit kailan ka talaga. Wala nang tatalo sayo sa pagiging cold mo. May dalaw kaba ngayon!?" napalakas ata yung banggit niya doon sa huling salita dahilan para magtinginan sa direksiyon namin yung mga nurse na nadoon.

Line Between the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon