Chapter 2
"Lorraine Amber Winslett! "
Dahan dahan kong idinilat yung mata ko ng marinig na nag ring yung cellphone ko. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at napahikab.
Pagkatapos non ay kinuha ko yung cellphone ko at tsaka sinagot yung tawag.
"Hello, sino sila? " Inaatok kong sinabi.
"Ako to, si Bakulaw " rinig kong sabi ng isang malalim na boses kaya agad na napadilat yung mga mata ko.
Tinanggal ko yung cellphone ko mula sa pagkakatutok sa tainga ko at tinignan kung sinong tumawag. Makakapatay ata ako ng tomboy ngayong umaga.
"Gaga ka Ami kinabahan ako." sabi ko sa kaniya pero tanging tawa lang ang narinig ko. Matagal tagal din bago siya matapos tumawa at muling nagsalita.
"May good news ako. At for sure matutuwa ka. " sabi nito na nag pa bilis ng tibok ng puso ko. Diko mapigilan ang excitement ng sinabi niyang may good news.
Di ako nag eexpect pero parang ganon nadin.
"Anong good news? " panandaliang tumahimik si Ami kaya mas lalo pa akong na curious sa sinabi niya.
"Congrats!!!! Nagustuhan ni Bakulaw yung sinend mo kagabi! Kakatapos ko lang basahin ngayon at masasabi kong ang ganda bes ng chapter 1!!!" sabi nito na nag pangiti sakin.
"Hindi ko alam na may experience ka pala bilang lalaki. Aminin mo tomboy kaba dati?" tanong ni Ami sakin.
"Duh, wag ako Ami. Alam ko yung mga ganyan mo. Straight ako! " sabi ko na muling nagpatawa sa kanya.
"Oh siya, kaylan yung next chapter? Naeexcite ako send mo agad mamaya ah? Inatyin ka namin dito. Act like na hindi mo pa alam na nagustuhan ni Bakulaw ah? Dapat talaga kasi siya magsasabi sayo advance lang ako. Sige na mag eedit pa ako ng sakin. Bye bye kitakits mamaya!" sabi nito at saka inend yung call.
Ang bilis naman niya mag salita. May sasabihin pa sana ako kaso hindi ko na nasabi dahil sa bilis niyang mag salita. Bigla akong namroblema.
Ang sayang nararamdaman ko ngayon ay dapat na sayang nararamdaman ng ibang tao. Hindi ko naman gawa yung pinasa ko kaya nakokonsensya ako. Hindi ko deserve yung mga papuring maririnig ko mula kay Bakulaw at sa kanila.
Pero kaysa naman mawalan ako ng trabaho diba? Ako nang gagawa ng susunod na chapter. Kaya ko yon. Hiniram ko lang naman yung unang chapter.
Napasabunot ako sa buhok ko at saka gumulong gulong sa higaan.
Ughhh! Mali parin talaga! Bakit kasi Lorraine!! Anong ginawa mo!? Huhuhu.
Muli akong napaupo ng marinig na nag ring yung cellphone ko. May nag text sakin at dali dali ko iyong binasa.
Hala galing kay bakulaw.
"Nasan kana? May balita ako para sayo." nakalagay sa text niya. Ang seryoso naman ata. Wala man lang pa emoji si Sir Jessie.
Napagdesisyunan kong maligo na at sa publishing company nalang mag breakfast. Wala narin akong time. Tsaka parang hindi ko na din nararamdaman yung gutom dahil siguro sa excitement.
Nagbihis kaagad ako after kong maligo. Pag kalabas ko ng apartment ay may nakita akong lola na nag rerecycle. Napansin kong bubuhatin niya yung malaking plastic pero parang nahihirapan siya.
Mabilis akong tumakbo papalapit kay lola at tsaka kinuha yung plastic na hawak niya. Pagkatapos ay mabilisang inilagay doon sa basurahan.
"Salamat hija" rinig kong sabi ng matanda.
BINABASA MO ANG
Line Between the Stars
Teen FictionThe Writer will write what is in the present and the Doctor will heal what is in the past. Line Between the Stars Written by: babymigoo