THIRD PERSON’S POV“ Next week is our University Days. The headmaster assigned us , the seniors, to make a booth that can generate enough money to donate. Final plan will be submitted at the end of the class. Any suggestions?”
Nasa harapan ngayon ng klase ang kanilang adviser para pangunahan ang pagpaplano.
Sa susunod na linggo ay gaganapin ang University Days ng Anderson’s University. At required ang mga seniors na gumawa ng booth para sa mga freshmen at sophomores. Ito ang magsisilbing farewell gift nila since they are graduating students.
Nagtaas ng kamay ang kanilang muse. Si Chescka.
“ Kissing Booth! We can earn a lot since nandito ang mga heartthrob ng school. Right guys?!” hindi maipagkakaila na medyo may pagkamaharot si Chescka.
Siya lang naman kasi ang captain ng cheerleading squad kaya maraming nahuhumaling sakaniya.
“ KYAAAAAAAAAAH!!! NGAYON PALANG MAGBABAYAD NA AKO!”
“ MAHAHALIKAN KO NA RIN SI PRINCE MICO!”
“I AGREE WITH CHESKA MA’AM!”
“ I SECOND THE MOTION!”
Mabilis pa sa kidlat na sumang-ayon ang mga kababaihan samanatalang ang mga lalake at nanahimik nalang dahil alam nilang wala naman silang panama sa mga babae sapagkat mas marami sila sa klase.
Ang Black Gang naman ay napangiwi na lamang sa narinig. Nandidiri sila . Oo expected na nilang may magsusuggest ng kissing booth pero hindi nila naisip na ito ang unang maisusuggest at sang-ayon pa ang karamihan.
Malaman pa lang ni Mico na manghahalik siya ng iba’t ibang babae ay kinikilabutan na siya. Sino bang may gustong magkaroon ng sakit?
“QUIET! The headmaster prohibited such acts. Hindi pwedeng gumawa ng booth na may malicious acts like kissing. Who else have an idea?” pagtutol ng kanilang adviser. Napawi ang ngiti sa mga mukha ng kababaihan.
Ang mga lalaki naman ,kasama na ang Black Gang, ay nakahinga ng maluwag at nagpapasalamat sa headmaster .
“ How about Horror booth?” tumayo ang kanilang class president. Napangisi ito ng sumang-ayon ang ilan niyang kaklase.
“ Oo nga ma’am! Sakto may panakot na!”
“Baka panakot sa daga brad! Hahaha”
Tinignan ng buong klase ang dalawang nerds na tahimik na nakaupo sa likod. Nakatingin lamang sa binata si Kyle samantalang si Jane naman ay nagcecellphone lang. Tila wala silang narinig.
“ Hoy Nerds! Bingi ba kayo ha?! Kayo daw ang gagawing panakot sa horror booth!” naiinis na sigaw ni Chescka. Inawat naman ito ng class president.
“ Tama na ‘yan Chescka. Mukhang payag naman sila total ‘silence means yes di’ba?”
Napa-angat ng tingin si Jane. Masama ang tingin niya sa dalawang haliparot na pinagtitripan sila.Sa isip isip niya ay mas bagay ang mga ito bilang panakot dahil sa itsura palang nila ngayon na puno ng kolorete ay pasok na silabilang baklang multo.
“ We disagree.”
Bago papatulan ni Chescka si Jane ay agad ng nagtaas kamay si Neil. Nakita naman ito ng kanilang adviser.
BINABASA MO ANG
The Devil's Comeback.
ActionShe just want a simple and happy life With simple friends With simple problems With simple dreams But How can she live a simple and happy life kung sa simula palang ipinanganak siya para pamunuan ang buong mundo? This is my story... and I shall com...