4:10pm
"Napaka-tagal naman kumain nitong si Jongdae! Ikaw nalang 'tong hinihintay oh!" Napa-irap nalang si Jongdae sa sinabi ni Junmyeon sa kanya.
"Pake mo ba ha! Edi kumain ka rin." Bumalik naman kaagad sya para kumain at iwasan ang masamang tingin na binibigay sa kanya ni gramps.
"Babe, mag-cr lang ako." Biglang sabi ni Jongin kay Kyungsoo na nagkakalikot sa kanyang phone.
Napatingin naman sya sa kasintahan at tumango, "Nako, baka magkakamay ka na naman ha."
Nanlalaking mata sya tinignan ni Jongin at sinabing, "Babe! Wag ka ma-ingay." Umupo naman sya sa tabi ni Kyungsoo para yakapin at halikan sa pisngi.
"Narinig na naman, Kai. Duh." Sabi naman ni Kris.
"Jongin, tigilan mo ako at pumunta ka na sa cr." Sabi ni Kyungsoo habang tinatanggal ang pagkakayakap ng kasintahan sa kanya.
"Ehhh. Hindi nga kasi ako magkakamay dun! Gusto mo samahan mo pa ako eh." Nagtaas-baba naman ang kilay ni Jongin sa sinabi.
"Bastos ka! Pumunta ka na nga dun!" Pagpapa-alis ni Kyungsoo. Napa-ngisi naman si Jongin at hinalikan sa labi ang kasintahan sa harap ng mga kaibigan nito at tsaka umalis.
"Grabe ka, Kyungsoo! Muntik na akong masuka dun ha." Nag-acting pa si Jongdae na parang nasusuka at tumingin sa kaibigan na namumula.
"Oh my god, Kyung! Ganon ba kayo kalandi ni negs?! Hindi ko kayang makita ng matagal." Sabi naman ni Baekhyun habang nakahawak sa kanyang ulo-- ulo sa taas, okay.
Napa-ngisi naman si Luhan at Junmyeon sa narinig. Si Sehun naman ay naka-akbay sa kanyang kasintahan na si Luhan. Si Taewoo naman ay nakahiga sa couch. Si Kris na nakatingin ng diretso kay Junmyeon. At si Chanyeol na kanina pa nakatingin kala Sehun at Luhan.
"O-oy! Bakit ka ganyan maka-tingin?!" Sabi ni gramps habang ngumunguya ng biscuit.
Pero dedma lang si Kris at tumingin lang kay Junmyeon.
"Bro? Anong nangyayari sayo? Bakit ganyan ka makatingin kay gramps?" Sabi ni Taewoo habang nagkakamot ng ulo-- ulo sa taas.
"Hoy! Hindi na ako natutuwa ha! Kanina ka pa nakatingin sakin at hindi maka--" Naputol ang sasabihin ni Junmyeon ng biglang umiwas sa kanya si Kris.
"Naiinis nako!" Biglang sabi nalang ni Kris.
"Anong nangyari?" Biglang sabi ni Jongin na kakalabas pa lang ng cr at tumabi kay Kyungsoo.
"Naiinis ako sayo, Junmyeon!" Nanlaki ang mata ni gramps sa narinig.
Sa pagkaka-alam nya, wala naman syang ginagawa sa binata. Tinignan nya ito na parang nagtataka.
"Ayos ka lang?! Tengene mo. Wala akong ginagawa sayo ha!"
"Ayieeeee. Baka naman type ka nitong si baba, suhoe." Bulong ni Jongdae at itinuloy ang pagkain ng noodles.
Tinignan naman ng masama ni Junmyeon si Jongdae at ibinalik ang tingin kay Kris.
"Bro, what do you mean?" Sabi ni Sehun habang naka-akbay pa rin sa kasintahan.
"Naiinis ako sayo, Junmyeon." Inulit ni Kris ang sinabi at tumingin ng diretso sa mata ni Junmyeon. "Naiinis ako kasi ang gwapo mo pero at the same time ang ganda mo habang ngumunguya ng biscuit na yan!" Napanganga naman si Junmyeon sa narinig at hindi makapag-salita.
Habang si Jongdae? Ayun. Nabuga sa mukha ni Junmyeon yung noodles na kinakain nya.
"Ang baboy, Jongdae ha." Nandidiring sabi ni Luhan.
(♡˙︶˙♡)
I'm sorry kung ngayon lang yung update. Dapat kagabi pa ito kaso may problemang dumating kaya ngayon nalang hehe. Thank youu! ❤
BINABASA MO ANG
E-syndrome || chanbaek
Hayran KurguNagkaroon ng E-syndrome si Baekhyun simula ng makilala nya si Chanyeol. Started: 072218 Finished: ¯\_(ツ)_/¯