037

521 23 12
                                    

5:01pm


"Baek!"


"Baekhyun!"


"Baekhyun! Where are you?!" Malakas na sigaw ni Taewoo sa kanyang pinsan.


Kanina pa nya hinahanap ito dahil bigla nalang tumakbo dahil sa nangyari kanina. Wala syang pake-alam kung nakatingin sa kanya ang mga tao basta makita nya lang si Baekhyun.


Lasing na lasing sya kanina pero nilabanan nya dahil kailangan sya ni Baekhyun. Galit. Galit ang nararamdaman ni Taewoo kay Chanyeol. Hindi lang man ni-respeto ng kaibigan ang nararamdaman ni Baekhyun dahil mas inuna nga pa ang pagmamahal sa lalaking may ibang mahal.


Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nakita nya si Baekhyun na naka-upo sa damuhan malapit sa isang puno. Nakayuko at pakiramdam nya ay umiiyak ito.


Kung hindi lang kasi sinimulan ni Chanyeol, hindi sana mangyayari ito.


Nilapitan ni Taewoo si Baekhyun at niyakap kahit nakayuko ito.


"Baek, nandito lang ako. Okay? Wag mo iyakan yung Park na iyon. He's not worth it." Hindi pa rin lumilingon si Baekhyun pero alam nyang kilala nya ito at magaan ang loob nya dito.


"Tae, hindi ba ako kamahal-mahal? Wala ba akong kwenta? Hindi ko naman kasalanan na magka-gusto sa kanya eh. Bakit kailangan nya pa akong saktan?" Malungkot na sabi nya at inalala ang mga nangyari.



"Luhan hyung, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Chanyeol kay Luhan. Nasa kusina sila dahil niligpit nila ang mga pinagkainan at naging awkward na rin ang atmosphere simula ng sabihin ni Kris ang tungkol kay Junmyeon.


"A-ah. Ano ba yun, Chanyeol? Hehe." Hindi  sya mapakali sa kinikilos ng lalaki sa harap nya. Feeling ni Luhan ay may masamang mangyayari ngayong araw.


Ngumiti si Chanyeol ng matamis bago sabihin kay Luhan ang nga katagang, "Luhan hyung, nagsimula ito ng makita ko yung picture mo sa phone ni Sehun 3 months ago bago ako umuwi dito. I'm sorry kase kahit nalaman kong may relationship kayo ng kaibigan ko, gusto ko pa rin sabihin sayo 'to." Tinignan nya si Luhan sa mata at sinabing, "Gusto kita. Matagal na." Niyakap ni Chanyeol si Luhan pagkasabi nya pero hindi nila alam ay may nakakarinig ng usapan nila.


Kaya sa pagka-inis ay tinawag nya si Sehun at pinapunta sa kusina.


"Bro?! Anong ginagawa mo sa boyfriend ko?! Bakit mo sya niyayakap?!" Galit na sabi ni Sehun dahil nadatnan nya na nakayakap pa ang kaibigan kay Luhan.


Makalipas ang ilang minutong pagsasagutan ay nagkasakitan si Sehun at Chanyeol dahil sa nangyari. Pumunta na rin ang mga kaibigan at sinabi kung ano ang nangyayari.


"Bro? Chanyeol hyung? What happened?" Mahinahong tanong ni Jongin sa kanila.


Ngumisi muna si Sehun bago sumagot, "Eto kasing gago na 'to. Nakita kong niyakap nya si Luhan."


"Sehun! Umayos ka! Mas matanda pa rin si Chanyeol sayo." Nakatingin na sabi ni Kris sa nakakabata.


"Sehun. It's just a fcking hug! Walang malisya! Akala mo naman kasi laging aagawin eh." Naka-ngising sabi ni Chanyeol at napa-tingin kay Luhan na nakayuko.


"Ano ba talagang nangyari ha?" Sagot ni Kyungsoo at tumingin kay Baekhyun ng diretso. Napatingin si si Jongdae at Junmyeon kay Kyungsoo dahil sobrang seryoso nito ngayon.


E-syndrome || chanbaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon