3:23pm
"Kris! Kumuha ka pa ng canned beer dun sa ref!" Sigaw ni Taewoo kay kris habang kumakain ng snacks. Nasa sala sila ng rest house at duon sila umiinom lahat.
"Ang lakas ng boses mo, Tae." Masungit na sabi ni Chanyeol. Napairap nalang si Taewoo at tumingin ulit kay Kris na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukuha ng beer.
"Oy Kris! Ano na?! Kumuha ka na!" Sigaw na sabi nya. Take note, magkakatabi lang ho sila.
"Ang ingay naman!" Sabi ni Sehun habang nakatutok sa kanyang phone.
"Bro, kumuha ka na. Please lang haha." Natatawang sabi naman ni Jongin. Sinamaan lang sya ng tingin ni Kris.
"Bahala kayo kumuha dyan. Tapos nako uminom. Ciao, assholes." Tumayo nalang si Kris at pumunta sa terrace sa second floor. Habang paakyat ng hagdan naririnig nya pa rin yung sigaw ni Taewoo. Binaliwala nya nalang ito at tuluyang umakyat.
Nang makapunta ng second floor ay sumilip muna sya sa paligid pagkatapos non ay tumingin sya sa kanyang phone para tignan kung anong oras na.
"Hmm. Three twenty-four in the afternoon, maka-uwi na nga mamayang five at para ma-iwan ko na yang mga kolokoy dyan." Naka-ngising sabi nya at tumingin ulit sa paligid.
Nakita nya ang limang lalaki na papunta sa rest house at ng maaninag ang mga mukha ay nanlaki ang kanyang mata ng makita nya yung nakabunggo sakanya sa airport.
Sinundo nya kasi ang isang kaibigan doon at sa hindi inaasahan nabunggo sya ng lalaki at imbis na mag sorry ay inirapan lamang sya nito tsaka umalis.
Kaya nya hate na hate ang lalaki na iyon. Imbis na magsalita ay bumaba ulit si Kris para sabihin sa mga kaibigan na mayroon silang bisita.
"Oh? Bakit ka bumaba haaa?" Sabi ni Taewoo habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam nya ay lasing na ang kaibigan. Napa-irap nalang sya dahil sa sinabi ni Taewoo.
"Wala kang pake." Sabi nya.
"Nga pala may nakita akong mga tao sa labas ng rest house at pakiramdam ko sila luhan iyon." Saba'y upo malapit kay sehun at chanyeol na nanlalaki ang mata dahil sa narinig. Si Jongin naman ay wala sa sala at si Taewoo ay poker-faced.
"Si L-luhan hyung?! Talaga?!" Excited na sabi ni Chanyeol at tumayo papunta sa main door.
"Tss. Ako yung boyfriend tapos sya pa yung mas excited kesa sakin." Sabi ni Sehun habang naka-pout. Nandiri naman si kris sa nakita at napatingin kung nasaan ang kaibigan na si chanyeol na malaki ang ngiti ngayon.
"Bro, wag mo sanang masamain ha. Feeling ko may gusto si Chanyeol sa boyfriend mo. Look, hindi naman ganyan yan pag may pumupuntang ibang tao dito. Nung sinabi ko lang na may bisita at sa palagay ko na sila luhan iyon. Tignan mo naman naging reaksyon."
Naging seryoso ang mukha ng kaibigan at napatingin ng masama kay chanyeol.
"Tss. Tignan lang natin." Naka-ngising sabi ni Sehun.
(♡˙︶˙♡)
HAPPY BAEKHYUN DAAAAAAY 💛💛💛

BINABASA MO ANG
E-syndrome || chanbaek
FanfictionNagkaroon ng E-syndrome si Baekhyun simula ng makilala nya si Chanyeol. Started: 072218 Finished: ¯\_(ツ)_/¯