Chapter Nineteen: Phantom

945 37 0
                                    

XYRUS POV'S

Gabing-gabi na pero nag lalakad parin ako rito, gusto ko mag pahangin saglit.

Nabalitaan ko merong kinalaban si Azura at natalo ito, inanunsyo ang code name sadyang walang nakakakilala sa kanya, mukhang bagohan pa ang tumalo kay Azura.

*BLAG!*

Napahinto ako dahil naka dinig ako ng kalabog mula sa kinatatayoan ko.

*BLAG!*

Napatitig nalang ako nang masinagan ng buwan kung sino ang nasa kadiliman.

Isang babae at maraming lalake nakapalibot sa kanya.

Kaagad ako tumungo upang tumulong sa kanya.

*BOGSH!*

Sinapak ko at pinag sisipa ang lalapit sa'kin, hindi pa ako nakuntento ay pumatong ako sa bakal at dinakmal ang lalaking nakasunod sa'kin.

*BLAG!*

*BOGSH!*

*BANG!*

Doon ako mismo napatigil dahil merong baril ang isa pa, ang bobo ko dahil wala man lang akong dalang panangga kung sakaling nasa kalagitnaan ako ng laban.

Ampupu ba'kit sa gantong sitwasyon ay makakalimutan ko pa'yun!

"Drop the gun. Drop it!" Sigaw ng babae.

Napalunok ako dahil hindi ko maramdaman ang aura kahit anong pang dama ang gawin ko ay sadyang wala akong maramdaman.

*BOINK!*

Gusto kung matawa pero pinigilan ko lang ito.

Kaagad siyang sumugod at ang mga galawan niya ay hindi ko masyadong masundan dahil sobrang bilis niyang kumilos.

Kahit anong titig ko ay hindi ko kayang sundan ito.

"Hindi mo maisasaulo ang mga galaw ko dahil mahina ka."

"Nang aasar ka ba?!"

"No, it's obvious."

Bago pa ako maka angal ay kaagad na siyang nag lakad palayo sa'kin pero meron siyang binato kaya sinalo ko naman yun.

Nag taasan ang balahibo ko sa nakuha ko mula sa kanya.

Paanong napunta sa kanya ito?!

Puta isang type ito at kilalang-kilala ko ang type na'to.

Ito yung type na nakita ko sa iskwelahan namin at nasisiguro kung meron pa itong nilalaman.

Binaliktad ko ang type na'to at merong nakalagay.

"Phantom..." mahinang sambit ko.

JHAILE POV'S

Gabing-gabi na ngunit ito parin ako nakaupo sa bangko at nakatingin sa maliwanag na buwan.

Napatayo ako ng madinig ko ang kalabog mula sa kwarto ng lolo ko.

Lahat ng ilaw ay nakasindi na at mukhang na alarma na ang lahat dahil sa kalabog na naroroon sa kwarto ng lolo ko.

"Jhaile, kunin mo ang baril. Kayong lahat mag sipag handa sa pag salakay sa kwarto ni papa." Sambit ni papa.

Hindi pang karaniwang yaya lang ang nandidito ngunit isa silang assasin na pinasok ni papa upang maging taga bantay sa bahay namin.

Lahat merong dalang baril, dahan-dahan kaming nag lakad papunta sa kwarto ni lolo.

Napalunok ako ng laway ko dahil hindi ko maramdaman ang aura na nasa loob ngayon masyado itong tahimik at nakakaba ito.

𝐻𝑒𝑟 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon