Chapter Thirty-Nine: We found out everything

632 26 0
                                    

JASPER POV'S

Matapos ang pag sisiwalat nila ay hindi ko mapigilang matakot sapagkat ay naiiba nga sila sa'min.

Hindi halimaw ang maitatawag sa kanila kundi kakaiba, mukhang nabiyayaan sila ng regalo kaya ganito nalang ang mga anyo nila bukod doon malakas sila.

"Remember the night when we lost the battle? I think sila din ang nakalaban natin noon." Sambit ni Xyrus.

Doon bumalik ang nangyari sa'min, hindi ako makapaniwalang sila lang pala ang nakakaharap namin.

"Pero merong kulang sa binigay nilang inpormasyon sa'tin."

"Ano naman 'yon?"

"About kay Klaus.."

Oo nga, hindi nila nabanggit sa'min ang tungkol kay Klaus.

"Kaya pala kakaiba siya kasi meron pala siyang kapatid at si Fayre 'yon."

"Pero hindi sapat ang kapatid niya lang si Fayre, Damian."

"Kaya nga, kailangan natin bumalik para itanong sa kanila 'yon."

Saktong pag-alis namin ay nakita namin si Zendie pati si Keva.

"Mukhang hindi niyo yata kasama ang iba?" Pagtatanong ko.

Buntong-hininga nalamang sila tsaka umiling.

"May kailangan kayo sa'min?" Malumanay na sambit ni Keva.

Napatango naman kami dahil doon.

"Zendie, it should be you to answer their questions, I'll be going home now."

"Uh, are you sure, Keva?"

"Yeap, I'm sure. Bye."

Kumaway lang si Zendie kay Keva tsaka bumaling sa'min na nakataas ang kilay.

"Merong katanongan ang hindi ko masasagot pero kakayanin ko kung anong ibabato niyong tanong sa'kin. Tara sa palasyo ko." Sabi ni Zendie.

Teka, palasyo?!

XYRUS POV'S

Kumunot noo ako bigla dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya sa'min.

"Palasyo? You mean, palasyo of Iowa?"

"Nope, hindi. It's my palace, idiot."

"Wait akala ba namin ay iisa lang ang palasyo niyong mga prinsesa at reyna?"

"Mukhang hindi buong detalye ang sinabi ni Akelah sa inyo. Mamaya na ang katanongan niyo at sumunod na kayo sa'kin."

Wala kaming nagawa kundi sumunod nalang sa kanya kahit litong-lito kami.

Isa nanamang bilog ang nakita namin, mukhang patungong palasyo itong papasokin namin.

"Woah! Shit!"

"Pwede bang kumuha, Zendie?!"

"Zendie?!"

Palinga-linga ako pero napatigil ako ng makita ang totoong anyo niya.

Yellow hair, yellow eyes. Damn! What a beautiful monster she is!

"Welcome to my home, Humans."

"Uh.."

"This way, humans. Kailangan niyong malaman ang lahat 'diba?"

Hindi ko talaga iisiping prinsesa ito kung ganto naman ang ugali niya!

"May sinasabi ka, Xyrus?"

"Wala!"

Ngumisi lang siya at tuloyan ng pumasok sa palasyo niya.

𝐻𝑒𝑟 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon