Chapter Seven: She must be punish

1K 40 0
                                    

ZENDIE POV'S

Binatokan ko si Yasha nang nakipag buno siya kay Bea, ang queen bee nang paaralang 'to.

Oo, alam naming lima sila at sila din ang queen bee rito kung hindi lang sana tumanggi si Fayre malamang sa malamang kami ang bagong reyna rito at hindi sila.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Yashashree?" Pagtatanong ko.

Umiwas nalamang siya tsaka umupo at bumugtong hininga.

"Alam mong wala ang dalawa rito kaya't hindi tayo dapat mag padalos-dalos sa mga bagay na walang pasya galing kay Fayre. Alam ko gustong gumanti ni Bea kay Fayre pero sayo yun tinuon dahil kaibigan tayo ni Fayre pero Yasha hindi muna sana pinatolan pa." Dagdag ko.

Tataasan nanaman kami nang kilay kapag nakarating kay Iowa ang balitang ito, hinding-hindi niya kami titigilan hangga't hindi kami nadadala.

"Sorry, Zendie nabigla lang ako." Paumanhin na sambit ni Yasha.

Nag thumbs up lang ako sa kanya tsaka ako umupo sa tabi niya. Bigla nalang dumating sila Jhaile tsaka hinila si Yasha.

"T-teka! Anong gagawin niyo sa kaibigan namin?!" Tanong ni Keva.

"Parurusahan, baket?"

"Ano?! Tangina naman yan! Hanggang dito ba merong ganyang patakaran?"

"Oo, meron. Kung sana lang tinanggap niyo hinding-hindi mangyayari sa inyo 'to. Kayo sana ang queen bee namin at hindi sila."

Napangiwi ako sa sinabi niya, wala akong oras para makipag dalan-dalan sa kanya ang gusto kung malaman kung bakit nila parurusahan si Yasha.

"Hinding-hindi niyo magagawa yan hangga't wala rito ang dalawa naming kaibigan." Sabi ko.

Ayokong isipin na kinakabahan ako sa mangyayari kay Yasha hangga't walang permiso sa dalawa naming kaibigan ay hindi nila pweding saktan si Yasha.

"Bakit sila ba ang mag paparusa kay Yasha?"

"Tangina, Oo! Sila! Sila lang ang merong karapatan at hindi kayo ni isa sa inyo ay walang karapatang saktan ang kaibigan namin!"

Kaagad ko hinila si Yasha at biglang humarang si Keva.

"Walang pahintulot ang pag paparusa niyo sa kaibigan namin, Jhaile. Tatandaan ko ang mukha mo kapag binahidan niyo nang dugo si Yasha." Mariing sambit ni Keva.

Dumating ang iba pa, lalo lang ako nag init nang makita ko ang queen bee rito.

"Parusahan ang dapat parusahan!" Sigaw ni Rica.

Biglang nag liyab ang kalamnan ko nang madinig ko yun, kaya't walang kahirap-hirap kung hinablot ang kwelyo ni Rica.

"You don't have the right to say that, Rica." Madiin kung salita habang nakatingin sa mata niya.

"Zendie, calm down." Sambit ni Keva.

Titig na titig ako sa mata ni Rica kaya ang ginawa ko ay sinikmuraan ko siya tsaka lumingon kela Jhaile.

"Subukan niyong kunin kaibigan namin, hinding-hindi ako mag dadalawang isip sirain ang pag mumukha niyo!" Bulyaw ko.

Gigil na gigil akong tumingin nang hindi nag patinag si Blue at kinuha si Yasha sa'min.

Wala akong ginawa kundi ang hablotin ang kwelyo ni Blue tsaka sinapak ang pag mumukha niya.

*BOGSH!*

"Tangina!" Mura ni Blue.

Hinila ko ulit siya tsaka sinuntok nang malakas.

*BOGSH!*

𝐻𝑒𝑟 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon