(A/N: Shastrid Aragon, princess of fire 💛)
KEVA POV'S
Ang init, sobrang init, marahan ko minulat ang aking mata at tumingin sa paligid ko.
Dahan-dahan akong tumayo, wala ako sa lugar ni Zendie, kung ganoon nasaan ako ngayon?
"Nandidito ka sa nakaraan, Keva."
Napalingon ako, halos hindi ko mamukhaan kung sino siya, ngayon ko lang napansin na nandidito rin pala ang mga kaibigan ko.
"Anong nangyayare?" Pagtatanong ko sa kanila.
"S-si Fayre 'yan, Keva."
Napanganga ako at sabay lumingon kung nasaan si Fayre.
"Pinaaalalahanan ko kayo, ang makikita niyo ay hindi kaaya-aya nawa'y tatagan niyo ang damdamin niyo." Paliwanag niya.
Napalunok ako, hindi ko alam, hindi ko alam kung si Fayre nga ba ang nakaharap namin dahil iba siya, iba siya sa nakikita namin.
"Fayre. . ."
"Hindi ko inaasahang merong bibisita sa'kin, matapos ang nakaraang pag kasalakay rito sa aking lugar. Ikinagagalak kung makita kayong lahat rito. Nawa'y magustohan niyo ang aking mundo."
Mundo?
Ibig bang sabihin ito ang mundo niyo? Mundo ni Fayre na walang prinsesa?
Lumingon ako sa limang prinsesa na ngayo'y nakatitig lang kay Fayre, nabaling ako sa iba pa, ganoon din sila.
Nalilito ako, wala akong maintindihan.
"Naiintindihan kita, kailangan niyo nang pumasok rito bago pa mag dilim at baka kuyogin pa kayo sa labas." Sambit ni Fayre.
Wala kaming nagawa kundi ang pumasok nalamang.
IOWA POV'S
Kahanga-hanga si Fayre, mukhang ito ang totoo niyang itsura kesa sa hinaharap.
Ang ganda, ang ganda ng bahay, maaliwalas at ang hangin rito ay tila nakakawala ng pagod.
Napapikit ako habang dinadama ang hangin na duma-dumapi sa aking balat, hindi ko aakalaing mamakaranas ako ng magandang hangin ngayon.
"Mukhang nagugustohan mo ang hangin rito, mabuti naman."
"Fayre. . ."
"Nawa'y magustohan niyo ang pag punta rito sa aking mundo."
Tumango nalang ako, hindi pa makuha ng utak ko ngayon.
Masyado pa akong nagulat na makita si Fayre sa nakaraan.
DAMIAN POV'S
"Astrill, run! Please, save your life!" Sigaw nang babae.
Hindi ko mamukhaan pero kitang-kita ko ang maganda niyang buhok na umaalon-alon sa hangin habang merong luhang tumutulo.
"Tara na, Astrill!"
"Damian! Wake up!"
"Wake up!"
Napasinghap ako at nagising, takang-taka ako na nandidito si mama at papa.
"Kanina ka pa namin ginigising subalit hindi ka nagising. Anong panaginip ang meron ka anak?" Pag tatanong sa'kin ni mama.
Hindi ko alam dahil hindi ko makita ang mukha niya pero alam kung babae siya.
"Mom, hindi ko din alam." Napabuntong hininga ako habang mariing pinikit ang aking mata.
Kahit anong pag-iisip ko ay hindi ko parin mamukhaan ang babaeng nasa panaginip ko.
Sino ka?
Anong meron sa'yo?
"Pupunta lang ako sa sala, kukuha ako nang tubig, nauuhaw ako." Sambit ko.
Umalis ako sa kwarto, hindi ko hinayaang mag salita sila papa, miski ako ay walang maisasagot sa tanong nila sa'kin.
Napatigil ako nang biglang meron akong naalala.
'She had happiness. And that's all she needed.'
'She is your happiness, Astrill.'
Someone called me, Astrill and that for sure. But who?
YASHA POV'S
Biglang yumanig ang lupa, napabalikwas kami ng bangon at pumunta sa labas.
"muli nanamang sumalakay ang kampon ng kasamaan.." mahinang sambit ni Fayre.
Saglit akong napatahimik habang nakatitig sa kanya, hindi ako nag kakamali sa nakikita ko sa kanya ngayon.
Our queen is crying, she's crying.
"Batid ko hindi ko gusto ang pangyayari pero kailangan matigil sa lalong panahon, alam kung mas magiging malala pa ito."
"Fayre. . ."
"Dito lang kayo, huwag kayong lalabas hangga't hindi ako nakakabalik. Maliwanag ba?"
Utos niya 'yon, pero wala kaming nagawa kundi ang pumasok sa loob pero ang bigat ng pakiramdam ko habang papasok sa bahay ni Fayre.
FAYRE POV'S
Hindi ko alam kung sino sila pero ramdam ko sa kalooban ko ay importante sila sa'kin, hindi ko man sila mabigyan ng oras pero masaya ako dahil sa taong nakalipas ay merong bumisita sa'kin ulit.
"Watashiwa..."
Agad akong lumuhod at tumingila sa kalangitan kung saan tanaw na tanaw ko ang liwanag ng buwan.
"Bigyan niyo ako ng lakas upang patayin ang kasamaang natitira sa mundong ito. Hinihiling ko lumabas kayo sa'king katawan."
"FAYRE!"
Lumingon ako at nginitian sila tsaka tumalon kung saan nangagaling ang pag yanig.
Sa puntong ito, magiging payapa na ang mundo na walang kasamaan at walang ako.
-- to be continued. . .
BINABASA MO ANG
𝐻𝑒𝑟 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒
Mystery / ThrillerHindi mo masasabing maaamo sila dahil ibang-iba sila sa mga nakikita mo. They're living barbie doll to think that girls dream to be with that. Someone wants to ruin them but they're strong, too strong to ruin it. They're not powerful but their aura...