C3 Yujin's

233 15 10
                                    

Chapter 3 - The Game

_

"Bottoms up! Bottoms up! Bottoms up!" Paulit-ulit nilang sigaw habang tinutunga ko kung ano man tong alak na'to.

"Wooh!! Nice one yujin." - Sakura.

"Tama na let's play a game naman." Sabi ni yena unnie.

"Tigilan mo nga kami dyan sa pagiging conyo mo. Oh ano ba 'yun?" - Chaewon.

"Ganto yun. umupo muna tayo sa lapag. Sabay buo kayo ng circle." Utos ni yena, at sinunod naman namin.

"Siguraduhin mo lang na matino to choi yena ah!" Panakot ni yuri habang nakataas yung is niyang kilay

"Matino po 'to boss." Yena, sabay salute.

"Oh? Para san naman yang bote na hawak mo bibe? Sigurado ka matino to ah?" Paninigurado ni hyewon.

"Para ibasag sa ulo mo gusto mo?" Iritang tanong ni yena, nagtawanan kami. Pikon amp.

"Alam ko na'to siguro naman eto yung cliche na truth or dare 'no?" Sabi ko na nagpangisi kay yena.

"Nope, this game is called 5 minutes in heaven. Ii-spin natin yung bote tas kung kanino tumapat yung both end nang bote papasok sila sa isang kwarto, tapos gagawin nila kong ano mang gusto nilang gawin in 5 minutes." Binatukan siya ni eunbi.

"Hayup kang bibe ka. Sabi mo matino to?!" Singhal ni unnie.

"You got no jam eunbi unnie!" Wonyoung whined like a child. Cute cute talaga ni wongieee

"Oo nga eonnie, nandito tayo para mag-saya diba?" -Yuri.

"Tama. Dali na unnieee!" -Nako.

"Unnieeee!"- Hitomi.

Mga maknae na yung nag-whiwhine 'di ka na makakatanggi unnie HAHAHA.

Napabuntong hininga naman si eunbi alam nyang talo siya eh. "Sige na nga. Basta may condisyon."

Sabay sabay naman kaming nagtanong nang "Ano?"

"Tangina nyong mga bata kayo bawal mag a-ano ah! May mga maknae tayo dito." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni unnie.

"Gagi- Syempre naman napaka green minded mo naman unnie. Syempre papasok sila tas gagawin nila kung ano gusto nilang gawin. Syempre pag tumuro kay hitomi at nako yan mag ba-barbie-barbihan yan. Tsaka as if naman makakapag ano kami dito in 5 minutes." Sagot ni Yena, na binatukan nila nako.

"Game, spin niyo na." -Chaeyeon.

"Sino mag-iispin?" -Minjoo.

"Syempre ako." -Yena.

"Ulol si Chaewon nalang para walang daya mamaya tapat mo sainyo ni yuri yan." Sabi ni Hyewon.

Pagkatapos I-spin ni Chae yung bote tumapat ito kay.....

Eunbi unnie. Pero walang katapat yung takip nang bote, so Ini-spin ulit ni Chae, pero pinigilan siya ni sakura.

"Wait lang!" Pigil niya. Tinignan namin sya, yung tingin ng nalilito.

"Walang thrill mga laro mo yena eh. Ganto nalang, siyempre may aayaw dyan. Lalo na pag tumapat saming dalawa ni yena. Aayawan ko talaga yan." Sabi ni Sakura, tinignan sya ng masama ni yena.

"So?" Sabay naming tanong ni wonyoung. Nagkatinginan kami. Siya unang nagtanggal nang tingin.

"Pag may umayaw. Iinom ng isang baso nang alak. Ano game?" Sounds interesting.

Sabay sabay naming sinagaw yung salitang "Game!"

Ini-spin na ni Chae. Tumapat sakanila ni minjoo.

pota,

magkatabi na nga sila natapatan pa ng bote?

gago magic yun.

"Iinom ng isang bote ng alak o papasok?" Tanong ni Yena, nakangisi pa. Tsk

"Pa-pasok na yan! Pasok! Pasok! Pasok!" They chanted. They,

sila lang

Wala talaga akong laban sayo Chaewon.

"Chaewon, pano si renjun?" Tanong ko. Tinignan naman nila akong lahat.

"Break na kami, matagal na." Sagot nya, habang nakangiti. na nagpainis sakin.

"Kj neto ni yuj." - Yena.

"Ano na iinom oh papasok?" Tanong nila kayla minju.

Napatingin ako sakanila minjoo. Nagtititigan sila ni chaewon.

At ang gaga nagblublush pa

"P-pasok." Sabay nilang sabi.

Nag sigawan silang lahat sabay pinasok si Chaewon at Minjoo sa kwarto dito sa VIP room.

Oh diba may kwarto.

"Unnies, Cr muna ako." Paalam ko sabay alis. Di ko na kasi matiis

Narinig ko pangtinawag nila ako pero di ko nilingon. Narinig ko din yung sinabi ni yuri na "Anyare dun?"

BesWhere stories live. Discover now