Chapter 15

1.2K 35 2
                                    

HYACENTH'S POV


NANDITO na kami ngayon sa room at mabuti naman na wala si ma'am kasi dinadamayan ako ng mga kaibigan ko. Sina Nolly at Jackie naman ay sinundan sina Lester. Kami nalang ang nasa loob ng room kasi lumabas yung mga kaklase ko.

"Guys... They will be really mad at me." hagulgol ko.

"It's okay, couz. Just explain your side."

"Stop crying na."

"Tahan na, Hya." si Ruel.

"YNAH!" natigil kami ng may sumigaw. That voice hindi ako pwedeng magka mali. Ang kambal ko yun! At mas lalo pa akong naiyak kasi kapag tinawag niya na akong Ynah ay galit na siya sa akin.

"Ynah! Let's talk."

"Kambal!" sabi ko at tinignan ko siya. Wala akong makita sa mukha niya kundi ang galit.

"HOW DARE YOU!" 

*Slap*

Natigilan ako ng sinampal niya ako.

"Hyacinth! Ano ka ba ha?! Bakit mo sinampal ang kambal mo?!" napatayo si Jempaul.

"Tumigil ka diyan Paul! Away namin to kaya please lang! Huwag kayong makigulo!"

"Paanong hindi maka gulo eh sinampal mo ang kambal mo!"

"Shut up!"

"Abat—."

"Couz, please. Hayaan mo nalang si kambal. Kaya ko na to please."

At hinawakan na ni Jamaica si Jempaul sa kamay at lumabas. Pati na rin ang mga kaibigan ko.

"Nandito lang kami sa labas, okay?" sabi ni James. Tumango lang ako.

At tinignan ko na si kambal.

"Kambal please let me explain—."

"Huwag mo akong matawag tawag na kambal Ynah! Kasi wala akong kambal na sinungaling at ahas!"

"Please—"

*Slap!*

Sinampal niya ulit ako. Pero mas maskit pa rin yung naramdaman kung sakit sa puso.

"Lester already know everything! At ikaw nag panggap ka pa talagang ako ha! But sorry to tell you ako ang mahal niya! Ako lang! Akala mo siguro masusulot mo siya sa akin!" galit na galit na saad ni kambal.

"Kambal, sasabihin ko naman eh. Kaya lang natakot ako..."

"Natakot?! Tsk.! Ang sabihin mo noon palang ay gusto muna siya kaya nung naghiwalay kami ay sumaya ka at nung nakahanap ka na ng tyempo sinulot mo! Nakakahiya ka! You're a slut! Slut!" gigil na sabi niya. Mas lalo lang akong naiyak. Kasi hindi ko alam na kaya tong sabihin ni kambal saakin.

"Kaya naman pala kung mag kwekwento ako noon kay Lester ay interesado ka! Yun pala gusto muna nun siya! Well, Ynah! Sorry to tell you that he loves me so much! Only me!"

"Alam ko naman yun kambal. Pero sana mapapatawad niyo pa ako."

"Forgiveness? Tsk. You don't deserve that!" at tinalukuran niya na ako.

"Kambal, please let's talk."

"We're done talking, Ynah. Don't worry hindi to malalaman ni Daddy at Mommy na nag away tayo at lalo na na may anak pala silang malandi! Ayokong ma stress si daddy sa isang anak niya!"

After that she slam the door. And me? Left there crying out loud.

Omaygad! I'm sure galit sa akin si Lester at ngayon wala na. Galit na rin ang kambal ko.

The Ex-Boyfriend Of My Twin Sister (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon