Four

24.9K 1K 106
                                    

Top

It's already 7:30 pm when I arrive here in The Heist Club. The loud music, crowded people, smell of the alcohol and the lights inside the club welcomed me. Nilibot ko ang paningin ko sa loob para hanapin sila Konn. Nang hindi ko sila mahanap, kinuha ko ang cp ko at tinawagan si Fraud.

"Hey Fraud, where are you?," tanong ko sa kabilang linya ng sinagot na ito.

"Table near the VIP room. He's here," sagot niya. Binaba ko ang tawag at naglakad patungo sa sinasabi niya. And there I saw them. Fraud with Rad and my dear thief---Cole. Lumapit ako sa kanila na agad napansin ni Fraud. I wonder where Konn is.

"Hey Top!," bati ni Fraud sakin and gave me a bro hug. Iminuwestra niya ang bakanteng upuan katabi ni Cole. Nakipagkamay din ako kay Rad at tumango lang kay Cole. I'm observing his actions and he really suck at acting. Pilit niyang tinatago na hindi siya komportable sa presensya ko pero mas lalo lang nahahalata. I grinned as I realized that I affect him.

"Nasan si Konn?," tanong ko matapos akong bigyan ni Rad ng bote ng beer. Lumagok si Cole sa bote ng alak at bahagyang namula. Dahil sa maputing balat niya ay nahahalata ko ang pamumula ng mukha niya pati na din ng kanyang leeg at braso. I need to watch you not to drink too much.

"Nasa loob ng VIP room. Our other friends are also there," sagot ni Fraud.

"Bakit wala kayo sa loob?"

"Pumasok ka dun kung gusto mo," malamig na sabi ng lalaking katabi ko. I smirked as I looked at Cole drinking.

"Papasok ako kapag papasok na kayo."

"Hindi ka ba makakapasok ng ikaw lang, ha?," tila naiinis na nitong sabi.

"Kung papasok ako hindi kita mababantayan," direkta kong sabi sa kanya. Umigting ang panga ni Cole at naningkit ang matang tiningan ako.

"Hindi ako bata na kailangang bantayan Top!," halatang naiinis na siya sakin pero imbis na matakot o mabahala ay natuwa pa ako sa kaloob-looban ko.

My name never sounds this good.

"Cole, calm down. Magkaaway ba kayong dalawa?," awat ni Rad sa amin ni Cole. I shrugged my shoulders at komportableng sinandal ang likuran ko sa upuan.

"Para kayong magkaaway kung umasta," komento naman ni Fraud. Hindi ko sila pinansin at tiningnan lang si Cole na pinapakalma ang sarili. How can I tame you, Cole Taranza? "Tara na sa loob," anyaya ni Fraud. Hinintay kung pumayag si Cole at nang mabilis na tumayo si Rad ay wala na siyang nagawa pa at sumunod na rin. Napangiti ako ng bahagya at sumunod na sa kanila sa loob.

Pagkapasok namin sa loob sinalubong kami ng nagsisiyahang mga kaibigan namin. Agad kong napansin si Konn na may kausap na mga babae. Mga kakilala ko lang halos lahat ang nandito kaya't bumati ako sa kanila at nakipagtuwaan.

Humanap ako ng pwesto na pwedeng maupuan. Gusto ko sana ay 'yong malapit kay Cole pero wala ng bakante sa inuupuan niya kaya't pinili ko nalang ang kaharap ng kanya. Inabutan nila ako ng bote ng alak na agad ko namang ininom.

Minu-minuto kong tinitingnan si Cole na nakikipag-usap sa mga kaibigan namin, probably making some friends. Ayokong mawala siya sa paningin ko ngayong gabi. Lumalalim na ang gabi at alam kong may tama na ang halos ng nandito, isa na doon si Cole.

Uminit ang ulo ko ng makita kong lumapit ang isang babae sa kanya at nakipagkamay. Her body's pressed on Cole's and I can say that she's flirting. Mas lalo akong nainis ng hinayaan lang ito ni Cole as if he's enjoying it. Mabilis kong inubos ang isang bote ng alak at matatalim ang matang tumingin sa gawi nila.

The Dominant (BxB) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon