Twenty-nine

12.8K 480 64
                                    

Top

The nurses' been treating me for almost an hour now. Nang matapos na mabendahan ang binti ko, inasikaso naman ng nurse ang mga pasa ko sa mukha. I've been staring blankly at space. Lumilipad ang isip ko sa kung saan. Halos hindi ko na maramdaman ang sakit mula sa mga sugat ko. Namanhid ang buong katawan ko.

"Top," tawag ng isang babae sakin. Nabalik ako sa aking wisyo at tiningnan ang pinagmulan ng boses. Lumapit si Hydra sakin habang ako ay nanatiling walang imik. "How are you feeling?," tanong nito. Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tiningnan niya ang mga nurse na nag-asikaso sakin at pinaalis ang mga ito. "Top---

"Give me a report Hydra," utos ko dito.

"David's dead. We've gathered enough and strong evidences to sue his group. May mga miyembro rin siya na nagwitness sa kagagawan niya, from the death of your family and his illegal activities. It's over Top," paliwanag nito. Tumango lang ako sa sinabi ni Hydra.

I already reached justice for mom and dad. I already have justice for Jai's death.

Fuck!

Why does it has to be this painful?

"How about...Cole?," tanong ko. Tiningnan ko si Hydra na nanatiling tahimik. I waited for her answer that took a while.

"He's fine but still unconscious. Under observation parin siya sabi ng doctor," sagot niya na tinanguan ko lang. "Top, no one's blaming you. Hindi mo kasalanan ang nangyari," aniya.

"I need to see Cole," I said not minding what Hydra said.

Yes, it is not my fault. It is not my fault entirely. Kahit hindi ko ginusto ang nangyari, ako pa din ang dahilan kung bakit nangyayari 'to. It feels like I am jinx to people that surrounds me. Ang mga taong malapit sakin, mga taong pinapahalagahan ko, ang taong mahal ko, lahat sila nawawala, nasasaktan at dahil yun sakin.

Tinanguan ako ni Hydra at nagpaalam sandali na kukuha ito ng wheelchair. Hindi na ako nito hinintay pa na tumanggi at mabilis itong lumabas ng kwarto at sandali lang ay nakabalik agad ito na may tulak-tulak na wheelchair. I didn't hesitated to sit on it at hinayaan siya na itulak ko papunta sa kwarto ni Cole. His rooms just a few doors away from mine kaya't mabilis kaming nakarating.

Pagkapasok namin sa loob bumungad sa akin sila Kyle at Rad. Hinarap nila akong dalawa and there I get a clearer view of Cole lying on the bed. Bakas ang mga pasa sa mukha niya and he's in deep sleep.

Tinulak ni Hydra ang wheelchair palapit kay Cole. Rad and Kyle remained silent. Sumenyas si Hydra na sa labas muna sila. Rad tapped my shoulder dahilan para mapatingin ako dito.

"He'll be fine. Kailangan niya lang ng pahinga. He needs you right now Top so please be strong for him," ani Rad bago ito tuluyang lumabas.

Nasasaktan akong nakikita si Cole na nahihirapan ng ganito. I know that he's on pain right now and if only I could take that pain away from him, I would. Mas pipiliin kong masaktan if it will give Cole comfort.

Hinawakan ko ang kamay ni Cole at hinalikan ito. I clasped his hand with mine and says sorry.

"I'm sorry. Baby sorry," humingi ako ng tawad sa kanya kahit hindi ako sigurado kung naririnig ba niya ako. Natatakot ako. Deep inside of me, I am scared. Natatakot ako na baka sa paggising ni Cole ay kamuhian niya ako. I am scared to see on his eyes the hatred. Hindi ko kakayanin.

"Cole, I'm sorry."

Cole

Napadilat akong habol-habol ang aking hininga dahil sa malakas na pagsabog na aking narinig. Ang bilis ng pintig ng puso ko at hindi ako mapakali.

Where am I?

Nasaan si Top? Si Gray?

"Cole," rinig kong tawag sa aking pangalan. Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang pinagmulan ng boses. And there I saw him. Wearing his smile on his white suit.

"Gray, nasaan tayo?," tanong ko sa kanya. Gray walks towards me. Nang makalapit ito sakin, tumabi siya sa pagkakaupo at tumingin sa harapan.

"Hindi mo ba naaalala ang lugar na 'to?," tanong niya. Kunot noo kong nilibot ang aking paningin. Pinagmasdan ko ang paligid at doon ko napagtanto na pamilyar ang lugar kung saan kami. Ito ang lugar kung saan nagpaalam si Gray sakin noon bago siya umalis.

"Dito ako nagpaalam sayo noon Cole. Ito ang paborito nating lugar hndi ba?," saglit itong tumingin sakin na may ngiti sa mga labi. "Dito tayo naglalaro noong mga bata pa tayo. Dito tayo nangako," aniya.

Nanatili akong tahimik at hinintay ang sasabihin ni Gray. Hindi ko alam ngunit sa bawat bigkas niya ng mga salita ay bumibigat ang dibdib ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Ano ang nangyayari?

"Cole tingnan mo 'to," itinaas ni Gray ang sleeve ng damit niya at nilahad sakin ang pulsuhan niya. Kumunot ang no ko ng makita ang isang linya doon. T-Teka...ano ang nangyari sa tattoo niya? Naguguluhang tiningnan ko si Gray at nakita ang isang tipid na ngiti mula sa kanyang mga labi.

"Ang sabi ko noon, ang tattoo na 'to ang magsisimbolo na babalik ako sayo Cole. Kahit mahirapan na itong tumibok, the two heartbeats resembles how I love you. This is too late because I didn't get the chance to tell you earlier. Akala ko sa pagbalik ko ay pwede ko ng sabihin sayo pero huli na pala. Top loves you so much Cole. Nakikita ko 'yun sa mga mata nniya because I used to look at you like that," Gray smiled at me. Iniwas niya ang kanyang tingin. Diretso ang tingin niya sa harapan namin. Pareho kaming nakatingin sa daan, nakaupo sa damuhan katulad ng dati.

"Cole, this flatline tattoo's saying that I am letting you go. Hindi na ako babalik. Gustuhin ko man ngunit natapos na ang oras ko. I can't come back anymore, but remember," tumingin si Gray sakin. Tiningnan ko rin siya at naghintay ng sasabihin niya. He patted my head, a gesture that he usually do to me. "I will always watch over you. Continue your life Cole and be happy with him."

My heart pounded at Gray's words. And then a scene flash on my mind. Ang pagputok ng mga baril. Ang pagtumba ni Gray. Ang pagbaril ko sa kalaban.

N-no...

My eyes widened at Gray.

"No. Gray...h-hindi," naramdaman kong tumulo ang luha ko. Ang paghina ng boses ko ay sumabay sa dahan-dahang paglaho ng imahe ni Gray. The background's slowly fading at para akong hinihila palayo.

For the last time, I saw Gray waving at me.

For the last time, I saw him smiling at me.

And then when I opened my eyes, a white ceiling met my sight. Isang nakakasilaw na liwanag at boses ang sumalubong sakin.

"Cole? Cole you're awake!"

(A/n: Thank you for reaching this chapter! The latest chapters' been so hard for me. They are not really planned beforehand kaya medyo magulo. Sinusulat ko lang kasi agad yung gusto kong mangyari sa chpater na 'to and everything will follow. Jai's death really got me on tears hahaha may plano pa sana ako sa kanya but nah he's better dead hahaha lol.

Tell me if your predictions are right! I'm open for questions and I think I'll update more kasi bawal lumabas ng bahay. Balak kong magpa-Q&A and I'll answer everything on the next chapter. Questions about the story, the character and the authors. You can also suggest hehe

THANKS FOR THE 30K READS EVERYONE! ACCOMPLISHMENT!

KEEP SAFE ALWAYS BABIES! IWAS TAYO SA KADUGYUTAN. ILY ALL!)

@HenryLauv

The Dominant (BxB) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon