Fourteen

17.4K 608 8
                                    

Cole

I'd been into two years relationship. Nakaranas na akong magkagusto sa babae, magmahal ng babae and even kiss a girl. My first crush, first love and first kiss are all from a girl. Ni minsan ay hindi ako naattract sa lalaki.

Kinuha ko ang tuwalya na nasa isang chaise lounge dito sa pool namin sa bahay. Umupo ako at pinunasan ang basa kong buhok.

I am straight as a ruler.

But I think the ruler I'm comparing to is the bendable one.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. My mind is in total chaos right now.

"Who are you?," I asked again. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Top. He's face went blank. Wala akong ideya kung ano ang iniisip niya at kung ano ang nararamdaman niya.

He might throw a punch on me for asking him. Or he might get off the car and leave. Mas gusto ko pa siguro ang huli.

"I am Top Gavin Ponce."

"I mean the---

"Leader of Thanatos. We kill and stop. We're between bad and good guys. Kinakalaban namin ang mga illegal na gawain dito sa bansa. We fight murderers, gangs, frats, drug dealers, drug lords or even users. Lahat ng klase ng krimen ay target namin. We help the police to stop them---anonymously."

Tumingin si Top sa akin ng sandali ngunit umiwas din kaagad at tumingin ulit sa harapan. Nanatili akong nakatingin sa kanya at naghintay pa ng sasabihin niya.

"We take money from them. We take it for our benefits and donate some to our charities." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon.

"Y-You said you also kill."

Top looked at me straight in the eye. He's like trying to tell me to believe in him.

"We kill criminals, bad guys, not innocent people Cole. Hindi kami pumapatay ng inosente. We never killed innocent people," bakas sa tono ng pananalita ni Top ang katotohanan. Hindi ako makakita ng bahid ng kasinungalingan.

I observed myself.

Hindi ako nakaramdam ng takot.

Hindi ako nakaramdam ng inis o galit.

In my eyes, he's the same Top I knew.

"Bakit may nagbabanta sakin?," tanong ko. Napahinga ng malalim si Top bago tumingin ulit sa harapan. He remained silent and so I looked in front of me and waited for his answer.

"Fiddle is a group like us. Pareho kaming pumipigil ng illegal na mga gawain but we differ in many ways. We stop illegal things and kill criminals. Habang sila ay ginagawang front act ang pagpigil ng mga illegal na gawain and they kill innocents. They are running different illegal trasactions. We fight anonymously pero sila hindi. The police knew them. We stopped various activities of Fiddle kaya naging magkalaban ang mga grupo namin.They're like special plants, na kapag pinutol mo ay may tutubong bago. They want me dead para wala ng sagabal sa kanila. They did it before and they're doing it again now."

"Why me?"

Fiddle is dumb to think that by threatening me they can kill Top. Top's a guy and so am I. Walang katotohanan ang sinabi niya sa akin noon.

I am not that important. Not in the way they think I am.

Naiintindihan kong pinoprotektahan ako ni Top nitong mga nagdaang araw pero ginawa niya yun dahil nasali ako sa kanyang gulo. He might think I'm his responsibility, na kargo niya ang mangyayari sakin.

The Dominant (BxB) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon