Thirteen

17.5K 634 23
                                    

Cole

"Jairus Quizon, the representative of nursing department is not as easy as you think. He may not be a part of the swimming team but I tell you...he is very good."

Alas dies pa lang ng umaga ay nandito na kaming dalawa ni Top. Ngayon ang simula ng training na gagawin namin para sa paghahanda sa sport fest. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon dahil ang iba ay inaasikaso ang magiging takbo ng event.

Tumango ako sa sinabi niya.

Binibigyan niya ako ng background sa sinasabi nilang "the best that they never had" na si Jairus Quizon. Kung magaling naman pala siya bakit hindi nila pinasali sa Aquas?

"Siya ang nagkampyon dati," dagdag nito habang nakatayo sa harapan ko at ako naman ay nakaupo sa bench sa gilid ng pool.

"Wala pa bang nakakatalo sa kanya?," tanong ko. Sandaling tumitig si Top sakin bago umiwas at tumingin sa ibang direksyon.

"Meron na."

"Sino?," kyuryus kong tanong. Kung may nakatalo na pala sa kanya edi pwedeng siya nalang ang sumali ngayon at hindi na ako. Iniisip ko pa lang ang training tinatamad na ako.

"Okay let's start," sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay diretso itong tumalikod at naglakad palapit sa pool. Kumunot ang noo ko sa inasta niya at nakatingin lamang dito.

Lumingon ito sakin at tumaas ang isang kilay. "Do you want me to carry you here?," sinamaan ko siya ng tingin ngunit kinatawa niya lang ito ng mahina.

Tumayo na ako at pumwesto sa starting block na hinanda ni Top kanina. My one foot is in front of the block while the other one is in the back.

"Make your hips higher than you shoulders. Bend more Cole it will give you a good start," Top ordered which I immediately followed. Mas yumuko ako, enough to make my hips elevated from my shoulders. Flexibility is also important in track start.

"So that is the Blue Immaculate's ass."

Marahas kong tiningnan si Top na nakangisi sakin. Nararamdaman kong uminit ang pisngi ko sa komento niya. Nakaramdam din ako ng pagkailang at naging conscious sa posisyon ko. Damn!

Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya at humarap nalang sa pool. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil may nararamdaman akong kakaiba sa aking tiyan na hindi ko maipaliwanag.

"Relax...," isang marahang pagdampi ng mga kamay ang naramdaman ko sa aking bewang. "Your legs are shaking, Cole. Your shoulders are tense."

Idiot that's because of you!

"Am I affecting you these much?"

I almost fell out of balance when he slide his hand on my back. Napaayos ako ng tayo at sinamaan siya ng tingin.

"Are you training me or flirting with me?!"

Ngumisi si Top sa akin bago sumagot.

"I'm doing both Cole."

And with that my heart beats fast and out of control.

Potangina.

*****

Kasalukuyan akong nasa cafeteria ngayon at mag-isang kumakain. Hindi ko alam kung kumakain pa ba ako dahil hindi ko naman ginagalaw ang binili kong pagkain.

Kanina pa ako wala sa sarili. Matapos ang sinabi ni Top kanina ay mabilis akong umalis sa pool area at pumuntang locker room. Pagkalabas ko para pumunta sa klase ay hindi ko na siya naabutan pa. Ipinagpasalamat ko din naman iyon dahil ayoko ang pakiramdam kapag nasa malapit siya.

The Dominant (BxB) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon