Twenty

15.9K 622 17
                                    

Cole

We just a shared a sweet passionate kiss a while ago and now he's holding my wrist and dragging me to somewhere! Matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon ay madali niya akong hinawakan at kinaladkad, iniwan si Gray doon ng nag-iisa at walang nagawa. Sobrang sakit na ng paa ko at ng pulsuhan ko dahil sa higpit ng hawak ni Top at bilis ng lakad nito.

"Top bitiwan mo'ko!," galit kong sigaw dito. Mabuti nalang ay kakaunti lang ang mga estudyanteng dumadaan sa parteng ito ng school. Imbes na makinig sakin ay patuloy lang ito sa paglalakad at hindi man lang ako pinansin.

"T-Top nasasaktan mo... na a-ako."

Biglang lumiko si Top at dinala ako sa likod ng school. Tahimik ang kapaligiran at tanging naririnig ko lang ay ang mabibigat na paghinga niya. Nagulat ako ng marahas niya akong itulak at winaksi ang kamay.

"Damn it!"

Nainis ako lalo ng marinig ko ang pagmumura nito at marahas na pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok.

"Ano bang problema mo?! At pwede ba," I walked near him and pushed him on his shoulder. "'Wag mo'kong itulak ng ganon tanginamo!"

Galit na galit ako sa kanya ngayon! I glared at him as I touched my wrist na sumasakit dahil sa paghawak niya.

"You don't talk to me like that Cole!," nagulat ako ng bigla niya din akong itulak.

"Ano ba?!," gumanti ako dito hindi alintana ang kaibahan ng katawan namin. Napapikit ako dahil sa sakit ng malakas akong tinulak ni Top kaya't nasalubong ng likuran ko ang pader. I opened my eyes and glared at him. I glared at his black dangerous orbs. Namumula na ito dahil sa galit at hindi ko man lang alam kung bakit!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ang nakakuyom na kamao ni Top na dadapo sa akin. Dahil sa takot ay napapikit na lang ako at hinintay na tamaan ng suntok niya.

"TANGINA! TANGINA! FUCK! GODDAMN IT!"

Sunod-sunod na tunog ng suntok mula sa pader ang narinig ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at inangat ang ulo, only to be welcomed by Top's chest rising and falling down violently. Napaigtad ako ng hawakan ni Top ang bewang ko at nilapit ako sa kanya. Kinulong niya ako sa mga braso niya at marahang hinaplos ang buhok ko. The side of my head is on his chest kaya't ramdam na ramdam ko ang mabibigat nitong hininga. I slowly lift my hands and hugged him back. Napapikit nalang ako dahil sa nangyari.

Tangina, naiiyak ako.

"Baby, I'm so s-sorry. I-I was---I was j-just---damn it! Cole I'm sorry, baby."

Tuluyan kong naramdaman ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. At hindi ko yun naitago kay Top dahil sa mahina kong pagsinghot. Bwisit.

Kumalas si Top sa yakap at hinawakan ang mukha ko.

"Fuck, baby I'm sorry. I-I...shit baby d-don't cry," paghingi nito ng tawad habang pinupunasan ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki. Hinawakan ko ang braso niya and turned my head away.

"Let's just...go home," ang tangi kong nasabi sa kanya. Hindi na ako naghintay sa isasagot ni Top at diretso ng tumalikod at naglakad paalis. Nilakad ko ang daan papuntang parking lot at tumayo sa gilid ng sasakyan ni Top. Narinig kong tumunog ito kaya't dali-dali akong pumasok sa loob. Top followed immediately at tahimik na pinaandar ang kotse.

Tahimik lang kami sa buong byahe ngunit minu-minuto ay naririnig ko ang mahinang pagmumura niya. I secretly glanced at him at nakita ko ang kamao niyang may sagot. His knuckles are dripping with blood ngunit parang balewala lang ito sa kanya.

The Dominant (BxB) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon