Bella's POV
NAKAHIGA na ako ngayon sa kwarto namin ni Annie pipikit na sana ako ng bigla sumigaw si Annie mula sa sala.
"Ahhhhhh!!" sigaw ni Annie.
Bumangon ako kaagad at kumaripas ng takbo papunta sa kanya.Nadatnan ko siya na hawak ang schedule namin para sa Lunes.
"Ano!? ano nangyari sayo!?" natatarantang tanong ko sa kanya.
"Look at the schedule they gave to us!" utos sakin ni Annie at dali dali ko naman tinignan iyon.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko lahat ng nakasulat doon.
"W-what the heck!?" tanong ko at bumaling kay Annie.
"Bakit may kissing class dito!?" sabat naman ni Annie na hindi na din mapakali sa kinauupuan niya.
I smirk at her when realization hits me.
"girl maganda din yun baka gwapo at malakas ang dating ang maging kaparehas natin dun!"impit na hiyaw ko at sabay yugyog kay Annie.
"Oh my god! oo nga noh! hindi ko naisip yun! HAHAHAH" sabi ni Annie at nagtawanan kami.
"Matulog na tayo, para makapagpahinga na tayo" saad ko at naglakad papunta sa kwarto namin.
"Okie Okiee" tugon ni Annie.
ALAS TRES na ng madaling araw at hindi pa din ako makatulog, ayun si Annie tulog at malakas pa ang hilik.
Ang dami kong iniisip kung bakit ba kami na punta dito sa lugar na to.Hindi ko namalayan na may luha na palang dumadaloy sa pisngi ko, pinahid ko agad yun dahil baka makita pa ni Annie yun.
Naiisip ko anak ba talaga nila ako, dahil kahit na sinong magulang ay hindi yun gagawin sa anak nila ang ginawa ng mga magulang ko samin.
Iniisip lang nila ang kompanya pero ako, hindi nila naiisip kung ano ang mararamdaman ko, nagdesisyon sila na hindi manlang hiningi ang opinyon ko.
Hindi ko napigilang mahikbi sa isiping iyon at sa ginawa ng mga magulang ko sakin at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakaiyak.
Annie's POV
NAGISING ako ng may marinig na humihikbi pero hindi ako gumalaw para hindi siya maistorbo at maya maya lang ay wala na akong marinig na ingay mula kay Bella kaya iminulat ko ang mata ko at bumaling kay Bella.
Hinaplos ko ang kanyang buhok at tinignan ko ang mukha niya, bakas sa mukha nito na galing ito sa iyak at pati sa pagtulog nito ay may luhang dumadaloy sa makinis na pisngi nito. Siguro sobrang lungkot nito at pati pagtulog ay naiyak.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa tanang buhay ko, masahayin si Bella yung tipong wala ka talagang makikitang lungkot sa mata niya kundi kasiyahan lang.
"Malalagpasan din natin to." saad ko kay Bella at para akong tanga dahil kinakausap ko ang tulog.
Pinagmasdan ko pa si Bella ng bago ko mapagdesisyunang matulog na ulit.
NAGISING ako ng maaga para ipagluto si Bella, well ako lang naman marunong magluto saming dalawa.
Naglalakad na ko papunta sa kusina nang may kumatok sa pinto namin, dali dali akong pumunta sa may pinto at binuksan iyon.
May babaeng nakatayo at nakangiti sa akin, mahaba ang kanyamg medyo kulot at blondeng buhok, nangangamoy din ang kanyang pabango na halos pinaligo na ata niya.
Naputol ang pagmumuni ko sa kanya ng magsalita ito.
"Hi!, Im Tanya Francisco welcome to Demon Hell Academy." pagbati niya saakin.
BINABASA MO ANG
Demon Hell Academy
Ngẫu nhiênMaganda ang buhay ni Bella ngunit nagbago ito nang pumasok siya sa isang paaralan. Paaralang hindi saklaw ng gobyerno at kapag nagkasala at nilabag mo ang batas nila kaparusahan ang aabutin mo. Kaparusahan na pagsisisihan mo na nagkasala ka pa at hi...