Bella's POV
MATAPOS kami bulyawan ng prof namin ay pinaupo na niya kami, nakatungo lang ako at hindi alintana ang sinasabi ng prof. Ewan ko ba kung malas ako sa araw na to o mamalasin na araw araw dahil katabi ko tong mokong na to. Pero ang gwapo niya talaga, iba yung dating niya kanina.
"Okay Class, magpapakilala kayo isa isa, tumayo lang at wag ng pupunta dito sa harapan." sabi ni Prof.
Yung mawawala ka sa sarili mo pagnakita mo siya, halos perpekto siya pero iba ang ugali niya.
"YOUUUU!" biglang sigaw ng Prof namin kaya halos mahulog ako sa inuupuan ko dahil sa lakas nito.
Nag angat ako ng tingin sa Prof namin at kita ang pagkainis dito ,akala mo ano mang oras ay sasabog na ito. And worst sakin siya nakatingin.
"His calling you three times at di ka parin tumatayo dyan." sabi ng katabi ko na ikanagulat ko.
Dali dali akong tumayo at inayos ang uniporme ko.
"Sorry Sir, I'm Bella Dela Cruz" at naupo na ko kaagad sa hiya na nararamdaman ko.
"Okay, next" sabi ng Prof na tumingin sa katabi ko.
"I'm Devon Axfel Anderson" saad nito at tumingin sakin saka naupo sa upuan niya.
"Hi! Nice to meet you" bati ko sa kanya at inabot ang kamay ko sa harapan niya.
"Yeah, me too" nababagot na saad niya sakin at tinignan lang ang kamay ko at bumaling sa harap.
"Bastos" bulong ko.
"Wag ka nga maingay dyan! " saway niya sa mismong mukha ko.
"Bulong na nga lang yun narinig mo pa?! Ibang klaseng tenga meron ka! " bulyaw ko sa kanya.
"Pano ba naman kasi ang ingay mo nga! Naririndi ako sayo! Kung ano ano sinasabi mo na hindi naman totoo! " bulyaw niya din sa akin.
"GET OUT THE TWO OF YOU! " Sigaw ng prof namin. At doon ko lang napansin na natigil pala siya sa pagdidiscuss at bumaling sa amin, pati na din ang mga kaklase namin.
"Psh" asik ni Devon, tumayo at nagtuloy tuloy palabas.
Sumunod na din ako sa kanya dahil ang sama ng tingin sakin ng Prof namin.
"Ang malas ko naman sa araw na to, First day na first day nakailang beses nila kong sinigawan. Nakakainis! " bulong ko at nagmamaktol na naglakad.
Nakakailang hakbang palang ako ng mauntog ako sa matigas na bagay. Napa atras ako at unti unting inangat ang ulo ko at paningin kona tumama sa hindi maipintang mukha ni Devon.
"Ano na naman ba yun ha?!" Pabulong na sigaw ko sa kanya.
"Dahil sayo kaya nasa labas ako ngayon! " sumbat niya sa akin.
Natigilan naman ako at napayuko sa sinabi niya.
"Sorry" saad ko na nakayuko parin at nilalaro ang mga darili ko.
"San tayo ngayon pupunta nito?First day napalabas na agad.Kung hindi ka lang --" Narinig kong sabi niya na pahina ng pahina kaya hindi ko na dinig ang sunod na sinabi niya.
"Edi hintayin nalang natin matapos si sir" sabi ko at nag angat ng tingin. Ngayon ay okay na ang mukha niya at kalmado na.
"What? Are you out of you fvcking mind? " biglang tanong niya na nakatingin deretso sa mata ko.
"Ano?! Hindi ahh, no choice naman tayo ee" pangungumbinsi ko sa kanya at may paawa effect pa.
"Two hours ang klase niya, ganon tayo katagal maghihintay dito sa labas?" Saad niya na sumandal pa sa pader.
"Ganon katagal?! Hell no"sabat ko.
"Hell yes, tsk" sabat niya naman.
"Let's go, let's have a breakfast." yaya niya na sakin na inilagay pa ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.
At sa ginawa niyang yun ay napakagwapo niyang tignan. Gusto kong tumanggi pero may parte din sa utak ko na gusto siyang makasama.
Getting to know each other HAHAHAHA."Okay" nasabi ko nalang.
Nauna na siyang naglakad sakin at nasa likod naman niya ko. Kapansin pansin na ang bigat ng bawat hakbang niya pero wala kang maririnig na kahit anong ingay ng apak ng paa niya sa sahig ng lobby.
Napabuntong hininga nalang ako at binaling sa dinadaan ko ang paningin ko.Hanggang sa huminto na siya kaya napahinto na din ako. Tumingin ako sa kanya at inilibot ang paningin ko kung na saan kami ngayon.
Isang restaurant, hindi ganon kalaki pero hindi din maliit."Let's go"yaya niya at inilahad ang kamay niya.
"Sure" sabi ko at inabot ito.
Naglakad kami papasok ng magkahawak ang kamay. Naiilang ako dahil ang ibang kumakain doon ay napapatingin sa amin at ang sama ng tingin sakin.
"Inaano ko ba sila?! " nasabi ko at napayuko ng tumingin sakin si Devon.
"Don't mind them. " saad nito.
"Good morning Sir Devon and ma'am? " bati sa amin ng waiter.
"It's Bella, table for two. " saad ni Devon sa waiter.
"Yes Sir Devon, this way ma'am and sir " sabi nito at ginaya kami kung saan ang mesa namin.
"This is French restaurant, hope you'll enjoy your eat ma'am and sir. "Sabi nito at iniabot ang menu saamin.
"One salmon mousse choux pastries and one Cheese Souffles and one americano." Saad ni Devon sa waiter.
"How about you ma'am? "Baling nito sa akin.
"Ahm ganon nalang din po. "Sabi ko sa waiter at napatingin naman ako kay Devon ng tumayo ito at lagyan ng panyo ang bandang dibdib ko.
"Para hindi madumihan yang uniform mo." Saad nito habang bumabalik sa pwesto nito.
"Ahh yeah thanks" nahihiyang sabi ko dito.
"Is that all ma'am, sir?"tanong sa amin ng waiter.
"Yeah"sabay na sabi namin ni Devon sa waiter. At umalis na ito.
Mga ilang minuto lang ang hinintay namin at sinerve na samin yun. Tahimik kaming kumakain, di ko maiwasan ma-amaze sa lasa ng pagkain, bago sa panlasa ko ito at kahit unang beses ko palang to matikman ay magiging paborito ko na to ngayon.
NAGLALAKAD na kami pabalik sa room namin at katulad kanina ay nasa likod parin niya ako. Nakayuko at nilalaro ang darili habang naglalakad habang siya ay walang emosyon ang mukha at parang makapangyarihan kong maglakad sa gitna ng lobby. Halos lahat ng students ay nagbibigay daan para sa kanya, hindi man tumutungo upang lantarang igalang siya pero ay pagbibigay daan naman ito senyales ng paggalang. At wala sino man sa kanila ang nakikita kong tumitingin ng deresto sa kanya.
"Sino ka ba? " tanong ko sa sarili ko. Habang nakatingin sa likod niya
Hanggang sa nasa harap na kami ng room namin ay nakatingin parin ako sa likod niya at nananatili naman siyang nakatalikod sakin.
Nang humarap ito ay tinignan ko ng deretso ang mga mata nito. Wala akong makitang emosyon dito.
"Thank you for joining me. "Saad nito.
"No problem, its my pleasure" sabi ko sa kanya.
Hinintay muna namin lumabas ang unang prof namin. Buti nalang at sakto lang ang dating namin. Nang makalabas ito ay pumasok na din kami.
BINABASA MO ANG
Demon Hell Academy
RandomMaganda ang buhay ni Bella ngunit nagbago ito nang pumasok siya sa isang paaralan. Paaralang hindi saklaw ng gobyerno at kapag nagkasala at nilabag mo ang batas nila kaparusahan ang aabutin mo. Kaparusahan na pagsisisihan mo na nagkasala ka pa at hi...