Chapter 5

14 2 0
                                    

Nakalipas ang dalawang linggo na dorm at pagpasok sa school lang ang ginagawa namin. Walang pinagbago yun, wala parin kaming kaclose na kaklase. Feeling ko nga ay ayaw nila sa amin, psh if they know the feeling is mutual.

Nagpunta nga kami sa dorm ni Rio nung nakaraan. Nagnood lang naman kami dun. Malaki ang dorm niya iisipin kung bahay na yun kung hindi niya klinaro na dorm lang daw. Di na kami nagpakagabu dun at delikado daw sa daan kaya pagkatapos niya kami ihatid ay nagpahinga na kami ni Annie.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa lobby. Marami parin ang nagbubulungan at masama ang tingin sa amin. Di nalang naman pinapansin ni Annie yun wala naman kaming mapapala kung kukwestyunin pa namin sila.

"Oh! The bitches" sabi ng isang babae at nakaturo samin na ang hula ko ay kasing edad lang ata namin.

Lumapit siya sa amin at dun ko lang napansin na hindi siya nag iisa, may dalawang babae pa sa likod niya na kung paypayan siya ay kala mo siya ang Reyna sa mundo.

Napatingin ako sa paligid namin, nasa gilid na ng lobby ang mga ito at napansin ko na hindi sila makatingin ng deretso sa babaeng kaharap namin ngayon. Tulad ng kay Devon lang din.
Ano bang meron sa kanilang dalawa at ganito ang mga tao dito.

"Stop staring at me bitch!" singhal nito kay Annie. Napahawak ako sa braso niya nang bigla siyang sampalin nito.

Sinamaan ko ng tingin ang babaeng nasa harap namin na siya ding sumampal kay Annie.

"What the -"di ko na natuloy ang sasabihin ko ng ambahan niya ko ng sampal kaya napapikit ako at hinintay na dumapo ang kamay niya. Ilang segundo din akong nakapikit,  wala pa din palad na dumadapo sa pisnge ko. Kaya minulat ko na ang mga mata ko. Nagulat lang din ako nang dumapo ang piningin ko sa braso at unti unting nag angat ng tingin.

"King Devon" nanginginig na sabi ng babaeng sasampal sana sakin.

Nagulat ako ng marinig ang sinambit ng babae. King daw! Mukha bang kaharian to at tinawag pa talagang king si Devon.

"What do you think your doing Queen? " walang kasing lamig na sambit nito at binitawan ang kamay ng Queen daw.

"She's blocking my way King!" depensa nito at nakatingin lang sa balikat ni Devon.

"So what?" malamig paring tanong nito.

"Sinamaan niya din ako ng tingin, Alam mo ang rules and regulations ng school na ito. Bilang tayo ang mas nakakataas sa kanila ay dapat nila tayong igalang. " saad nito at tumingin ng masama sakin. Nagtataray.

"You slap her and you expecting me to smile on you?! Talagang sasamaan kita ng tingin kasi kaibigan ko yan! " biglang bulyaw ko sa kanilang dalawa at masamang nakipagtitigan sa Queen daw.

"Get her. " biglang may nagsalita sa likod ko.

Nang humarap ako dito ay may isang lalaking di nalalayo sa edad namin ang naroon, siguro ay nasa twenty na ito or above. Walang emosyong nakatingin sa amin. Di ko tuloy alam kung sino yung sinasabihan niya.

May biglang humawak sa magkabilang braso ko, nagpumiglas ako pero di parin sapat para makawala ko sa hawak nila.

"Bitawan niyo siya! Ano ba! " Saad ni Annie na humahabol na samin.

Ang bilis nila maglakad kaya halos kaladkarin na nila ko. Fucking Assholes. Palihim ko silang tinarayan.
Di ko na din nakita si Annie na sumunod samin. Maraming students na din ang nakatingin samin. Ang iba ay nagbubulungan, may natatakot, at higit sa lahat ay may nakangisi,  kasama na dun yung dalawang babaeng kasama ng Queen kanina.

Lumipas ang ilang minuto at tumigil na din kami sa paglalakad. Halos matumba ko dahil sa pagod. Kung hindi lang nila ko hawak sa braso ay sure akong babagsak ako sa simento. Nasa isang silid kami kung saan madilim at may spot light na nakatutok sa isang silya. 

Pinaupo ako sa silya at tinali ang kamay ko sa likuran ng upuan.  Kadiliman lang ang nakikita ko sa paligid ko. Dun ako kinabahan nang muling bumalik sa isipan ko ang nangyari noong bata pa ko. Tumulo ng tumulo ang pawis sa aking noo. Napapikit akong yumuko nang mula sa aking likuran ay may naramdaman akong tao dun. Nangilabot at nag taasan ang balahibo ko.

"W-what do y-you want?" nanginginig na tanong ko, pinipilit tignan ang kadiliman kung may makikita ba kong tao doon.

"Alam mo ba kung sino ang binabangga mo? " bulong ng kung sino man sa likuran ko dahilan upang mapatalon ako sa kinauupuan ko.

"Mapaparusahan ka dahil sa ginawa mo." dagdag nito at tuluyan na ngang nalaglag sa pisnge ko ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mommy help me pls.

Di ko napigilang manginig ng may humawak sa balikat ko. Sunod sunod na tumulo ang luha ko, sabay ng pag agos nito ay ang memoryang matagal ko ng binaon sa limot.

"No!  Please! " sigaw ko ng may maramdamang halik sa batok ko. Pilit kumakawala sa pagkakatali sa akin.

Someone's POV

Pinapanood ko kung paano nila paglaruan si Bella. Takot ang makikita mo sa mukha niya. Tikom ang bibig ng lahat ng nakakapanood sa kaniya. Kung hindi niya sana pinatulan ang Queen ay di na mangyayari ito, pero di ko din siya masisisi dahil kaibigan niya si Annie na sinampal naman ng Queen.

Apat nalang kaming naririto sa silid, ang iba ay umalis na dahil may klase na din.

Nakita ko kung pano kinuha ng lalaki sa likuran ni Bella ang kutsilyo nito.

"Aahhhh! "Hiyaw ni Bella ng sugatan ang leeg niya.

Di na ko nagulat nang biglang dumugo ang leeg nito.

"Poor Bella, ilang linggo palang siya dito ay nagkaroon na siya ng marka sa leeg." Napapailing na sambit ko bago binuksan ang ilaw. Dahilan upang magliwanag ang buong silid. Tumingin ako gilid ko ng bumuntong hininga ang katabi ko. Napailing nalang ako bago ako pumunta sa kinaroroonan ni Bella.

Bella's POV

Ramdam ko ang panginginig na kamay ko. Mula sa leeg ay tumutulo na ang dugo sa uniform na suot ko. Alam kong nasa two inches ang sugat nito at medyo malalim. Nandidilim na ang paningin ko bago ko maipikit ang mata ko ay tumama muna ito kay Devon na nakatayo ilang metro ang layo sakin. Walang paring emosyon ang mukha niya. Naramdaman ko nalang may bumuhat sakin bago ko naipikit ang mata ko.

Demon Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon