Part 6

3.5K 93 5
                                    

Kristine POV

Andito na kami sa EK
oo as in enchanted kingdom haha may pag ka childish din pala tong aasawahin ko
Pero di na masama kasi first time ko dito sana di ako masuka
Nagpark pa kami at bumaba na may dala syang bag, ano kayang laman nun?
Leslie ano yang laman ng bag mo? Tanong ko
Basta secret, sagot nya masekreto talaga to, sumunod ako sa kanya at nagpila na bumili ng ticket teka bakit kaya naglabas to ng PNP ID nya? Nag observe lang ako ano gagawin nya aba ang loko libre pala ang mga Pulis? Tapos kaming di pulis 50% discount, tatawa tawang lumapit sa akin at nagkakamot ng batok

Hehe libre mga pulis nabalitaan ko sa classmate ko kaya sinubukan ko libre nga, tska alam kong first time mo to, sabi nya
Wala na akong nagawa pabor din naman at pumasok na kami inuna namin sakyan ang Free Fall ahhhhh!!!! Bwesit ka Leslie ganto pala dito parang humiwalay saglit ang kaluluwa ko, at alam nyo ba yung isa ang isinigaw???
Papakasalan kita Kristine!!! Sigaw nya habang pababa ayon bwesit kinikilig ako lakas makapakilig ang buang na to!

Pumila na kami sa space shuttle ito na talaga ang ikakamatay ko, so far sobrang enjoy ako kasi feeling ko pag kasama ko sya safe ako.
Ang sarap sa feeling na na overcome ko yung fear ko sa mga rides salamat kay Leslie
Tapos andito kami sa Rio Grande, at ang walang hiya basang basa kaming dalawa, pano to wala kaming extra damit hay dapat nakapagdala ako kasalanan nya to may pa secret secret pang nalalaman yan tuloy para kaming basang sisiw bigla nya akong hinila sa CR at may inabot sa aking paper bag na curious ako at binuksan ko aba pulis talaga ng kasama ko prepared ang lolo nyo
Paglabas ko nag aantay na pala sya, teka parang parehas kami ng damit
Dumadami na ang puntos ni Reyes ahh!

Kumain muna kami sobrang gutom na, at teka may isang babae sa katabing table tingin ng tingin kay Leslie
Sasabunutan ko to pag lumingon pa to, parang napansin nya naman na tahimik ako kaya nagtanong sya, Kristine okay ka lang? Kanina ka pa tahimik
Tumango lang ako at tinignan uli ang babae at panay ang ngisi sa kasama nya na babae din at titingin nanaman kay Leslie napataas na ang kilay ko ng biglang lumapit sa table namin at biglang hiningi yung number ni Leslie, pigilan nyo ko readers makakapatay ako tumayo ako bigla pero pinigilan ako ni Leslie at aba gustong gusto naman ng kupal na to! Galit na ako talagang galit na ako tapos bigla syang nagsalita, hmm Miss sorry di pwede magagalit asawa ko sa iba nalang buntis pa naman tong misis ko ayokong na ma stress sya dahil sa kalandian mo, sorry miss

Haha parang pumalakpak ang tenga ko teka buntis ako? Soon haha! Magaling din pala tong Reyes na to kung laging ganto wala kaming magiging problema. Sabay walk out ng higad na babae
Hay natapos na kami kumain pumunta kami sa mga stall at nag try si Leslie na kunin yung Teddy ang cute hmm biglang natamaan nya ang jackpot well ano pabang masasabi ko lagi nag fifiring to kaya magaling bumaril haha andaming naiinggit sa akin kasi ng laki ng Teddy namin

Pa gabi na ng hilahin nya ko para sumakay ng ferris wheel ang romantic talaga nito sobra, nakikita yung mga ilaw nung nasa ibabaw na kami at bigla syang lumuhod,

Kristine alam ko na ikaw na ang hinihintay ko para maging kabiyak ko sana bigyan moko ng pagkakataon na makilala kapa at hayaan mo akong mahalin kita, alam kong gagaling ka kasi magkaka anak pa tayo ng isang dosena, Kristine sana pumayag kana magpa opera para gumaling kana, sasamahan kita at di kita iiwanan kahit sa araw ng operasyon mo di na ako maligo ayos lang basta gumaling ka lang, Kristine please para sa atin at para kila Mommy at daddy mo please pumayag kana
Kasabay ng luhang bumagsak galing sa kanyang mga mata, ang Reyes ko umiiyak hay ano pa nga ba? Sabi ko
Oo na pumapayag na ako basta kaya mong buhayin ang isang dosenang anak!

Natawa sya, oo naman Opisyal kaya ako!, kayang kaya yan! Basta ipangako mong gagaling ka at di susuko! Kasama mo ako sa laban mo! MAHAL NA MAHAL KITA KRISTINE at nagdikit ang mga labi namin
Hay sana nga gumaling na ako para mabuhay na ako ng normal at walang takot na anytime kukunin na ako

At umuwi na kami ang tagal ng byahe traffic kasi, pumasok na kami sa bahay at nakita sila dad at mom na nag uusap at sinabi ni Leslie na pumayag na ako tuwang tuwa ang magulang ko! Pasalamat sila mahal na mahal ko sila, sana Lord maging successful ang operation ko.

Natulog na kami pagod na pagod, pero magkayakap pa rin syempre! MATIC yan sanay na ko na may katabi ako matulog kasi sa totoo lang natutulog akong walang damit ngayon nalang naka nighties ako kasi syempre nakakahiya kay Leslie baka sabihin nya inaakit ko sya parang ganun na nga at bakat na bakat ang nipple ko parang nakita ko na doon sya nakatingin, Mr Reyes eyes on me wag kung saan saan ka nakatingin sabi ko, at parang mali kasi nagkatitigan kami, hay Leslie ang pogi mo at maginoo

Hmm Kristine pwede ba ako umuwi muna sa Palawan? Biglang tanong nya at nawala ang antok ko!
Bakit? Sabi ko
Bibisita ako kila mama, kasi sumasama palagi pakiramdam nya walang ibang sasama sa kanya doon, napaisip ako at kawawa naman ang mama nya kaya pumayag na ako at magpapaalam daw sya kay daddy bukas
Gusto ko sumama pero di naman nya ako niyayaya di bale makatulog na nga

The Generals DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon