Kristine POV
Kinabukasan ay kahit wala pa akong tulog ay pumunta na ako sa Condo nila Leslie nagtanong ako sa guard at nagpakilalang anak ng Chief PNP buti naman at naniwala agad at hindi pa nakakabalik ang mag asawa medyo masakit sa tenga pero kaylangan tanggapinSo ang ginawa ko nag antay ako sa lobby para mabantayan ko ang pagdating nila mga 30 mins ang nakalipas ay nakita ko sila mag asawa at buhat ni Leslie ang bata at dala nya ang mga gamit at kasama si Nicole na parang kakapanganak lamang
So lumapit ako sa kanya at nagulat sya
Nicole pwede ko ba makausap si Leslie, tanong ko sa kanya
At bakit ? Parang guluhin kami kung saan pamilya na kaming matatawag? Pagtataray nya
Nicole wag kang papapwersa pakalma ni Leslie sa kanyang asawa (pweee)
Bakit andito ka Kristine maayos na buhay ko may pamilya na ako ano pang gusto mong pag usapan? Sabi ni Leslie
Leslie, kaylangan kita kaylangan ka ng anak ko kasabay ng pagtulo ng luha ko
Bakit ako? Ee asaan ang tatay nyang anak mo bakit ako ang kaylangan mo? Sabi nya
Kasi ikaw ang tatay nya kaylangan ka nya kaylangan ka ng anak mo nasa ospital sya ngayon may dengue at paubos na ang dugo na sinasalin sa kanya wala na akong ibang paraan para mailigtas ang anak ko lumapit na ako sa iba pero wala akong mahingian at ikaw ang naisip ko alam kong parehas kayo ng dugo ni clio
Please Leslie tulungan mo ang anak ko iligtas mo sya at tuloy tuloy ang iyak ko wala na akong pakialam basta para sa anak ko gagawin ko lahat kahit lunukin ko pa ang pride koTumingin sya kay Nicole na parang nagpapaalam tumango nalang si Nicole at nagpasalamat ako sa kanya umakyat na sya at yung kasambahay nila kasama ang cute na cute na baby
At naiwan kami ni Leslie at nagsalita sya
Tara na baka mawalan pa ako ng anak, seryoso nyang sabi
At hinila ako sa basement at sumakay sa sasakyan nya mabilis ang pagpapatakbo nya ng sasakyan
Bakit ngayon mo lang sinabi na anak ko pala ang dinadala mo dati kung hindi pa sya magkakasakit hindi ko pa alam na may anak papala ako buong akala ko yung lalaking kasama mo ang tatay ng dinadala mo nung nakita kita napaka unfair mo talaga Kristine
Naiinis ako sayo sobra ! Pagsigaw nya ramdam mo ang galit sa bawat binibitawan nyang salitaWala gustong lumabas sa bibig ko alam kong napakasama ko at nagawa kong saktan ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako at alagaan ako
Saang ospital ang anak ko? Sabi nya
Sa St Lukes room 45, sagot ko
Tahimik nalang sya buong byahe at mabilis kaming nakarating sa ospital namiss ko sya maging driver ko namiss ko yung sya pero mali ito may pamilya na sya at kakapanganak lang nang asawa nya
Shit! Naiwan ko ang phone ko, sabi nya
Pwede mong gamitin ang phone ko ,sabi ko
Sige pahiram tatawagan ko lang si Nicole kukumustahin ko sila ni Baby Almarc
At inabot ko ang phone ko, wow memorize ang number ng misis nakakabilib talaga tong si Leslie bihira lang ang asawang ganitoPagkatapos nya makipag usap ay binalik nya sa akin ang phone ko at pumunta na kami sa room kung saan i test ang dugo nya para ma sure kung okay sya for a donor
At nakahiga sya sa kama at kukuhanan na ng dugo alam kong takot sya sa karayom pero hindi nya ito pinahalata sa akin hindi na kami close tatay lang sya ng anak ko sabi ko sa isip ko dalawang bag ang binigay nya at nagpahinga konti at pupuntahan nya daw ang anak nya halos 8months ang tanda ni clio sa anak nyang si almarc at pagpasok nya sa room ng anak namin ay naiyak sya sino pa namang hindi kasi ang daming nakaturok sa baby ko at pinapatahan ng yaya agad syang lumapit at tinignan ang bata at tumawa sya kaunti hindi talagang maipagkakaila na ako ang tatay kamukhang kamukha ko, sabi nyaOonga wala man lang nakuha sa akin, sabi ko at kinuha nya ito at kinarga
Anong pangalan nya? Tanong nya uli
Clio, maiksi lang para di sya mahirapan sagot ko
Baliktad sa kapatid nya Alexander Marcus naman yung kapatid nya, sagot nya habang hinahalikan si baby Clio
Pagaling kana baby andito na si daddy mo, iloveyou anak mahal ka ni daddy
Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita ko perfect family na sana kami pero hanggang sana nalang ako may pamilya na sya at kitang kita kong mahal na mahal nya si NicoleIlang oras pa syang nag stay dito pero nagpaalam din at sobrang pasasalamat ko at match na match ang dugo nya para kay Clio hinatid ko sya hanggang pinto nalang kasi di sya pumayag para makabalik ako agad sa anak nya at pinagalitan ako na nextime wag naman daw ako pabaya pagdating sa bata di ko naman ginusto yun at kahit malinis na ang bahay may mga lamok pa din
Sinabi ko na din sa Mommy at Daddy ang nangyare at nagpabook ng ticket pauwi para sa apo nila hindi ko sila masisisi at nag iisang apo si Clio lalo na ang Daddy mahal na mahal ang apo nyaLeslie POV
Lutang na lutang ang isip ko, ang dami na ngang problema sa mundo hindi ko alam kung papano ko hahatiin ang sarili ko hati din ang utak ko kakaisip para sa pamilya ko at ang anak kong may sakit
Ang hirap umalis na alam mong ang panganay mo may dengue at kung hindi ako nakapag donate ng dugo at pwedeng mamatay sa murang edad pa lamang napakaganda nya kahit bata pa sya siguro ay hihingi nalang ako kay Kristine ng oras para makasama ko naman ang anak koPauwi na ako sa condo at nag aalala din ako sa bagong panganak kong baby at sa asawa ko ayoko na mahirapan sya baka mabinat pa mahirap pag mabinat ang bagong panganak
Pagpasok ko ay tulog ang anak ko sa Crib at si Nicole ay kakalabas lang ng CR lumapit ako sa kanya at humalik
Hi, kumusta ka at si Almarc?
Okay lang pasalamat nalang ako behave yang anak mo, sabi nya
Syempre Mana sa tatay kung nagmana sayo yan naku hindi tayo makakapahinga, pagbibiro ko
Siraulo, kumusta ang lakad mo totoo bang anak mo yung sinasabi ng kirida mo? Sabi nya
Oo, kamukha ko kamukhang kamukha babae naman yun di ko alam na yung pinagbubuntis pala nya na nakita natin sa US ay ako din ang tatay, sabi ko
Sus ano nagsisisi ka? Sarcastic nyang tanong
Hindi wala akong pinagsisisihan, bratinella ka pero mahal na mahal kita Nicole, paglalambing ko
Ohh! Kumusta pala ang anak mo? Sabi nya
Nagdonate ako ng dugo nagka dengue muntik na sya mawala sa akin muntik ako mamatayan ng anak na di ko man lamang nayakap, sabi ko
Okay naman daw? Bisitahin mo nalang sya bukas uli ung bata ha! Wag mo na isama ang nanay sa purpose ng bisita! Naku Reyes malaman ko lang na nilalandi mo ang kirida mo baka ilayo ko sayo ang anak mo! Plus puputulin ko yang kaligayahan mo! Tapos ipapapatay nalang kita para walang makikinabang sayo!
Pagbabanta ba yan asawa ko? Tanong ko
Hindi kasi kaya kong gawin yan ! Kumain kana ba ? Paghahanda kita, pag iiba nya ng usapan
Hindi pa nga parang nabusog na ako sa mga sinabi mo Nicole, sabay tawa ko
Halika na , at para makapagpahinga na tayo ang pangit mo na sabi nya
Ako pangit hahah! Ang gaganda at gwapo ng lahi ko PANGIT PA AKO? pagmamalaki ko sa sarili ko
Matapos kumain ay naligo ako at humalik muna sa anak ko at tumabi na sa natutulog kong asawaI love you Nicole😘😘