Part 29

3K 74 3
                                    

Leslie POV

Papunta palang ako sa bahay nila Kristine para sunduin si Clio kasi may mga client si Kristine na kailangan kitain

Malapit na ko sa bahay nila ng may mabilis na truck na parang ang bilis ng patakbo nya at nabigla ako na biglang sumalpok sa sasakyan ko at nawalan ako ng malay

Nicole POV

Habang nag aayos ako ng mga gamit namin kasi paalis kami at pupunta ng tagaytay hinihintay ko nalang si Leslie kasi sinundo nya si clio at pupunta na kami sa bestfriend ko at magbabakasyon muna kami ng tatlong araw nang bigla ako makaramdam ng kakaiba at nasagi ko ang wedding photo namin ni Leslie

Naibahan ako kasi may masamang mangyayari daw pag may ganyang biglang nababasag
Kinabahan na ko at hinanap ang cellphone ko at agad tumawag kay Leslie at nagring naman nakaramdam ako ng ginahawa
Sinagot naman kaagad ang tawag pero bakit ibang boses at parang magulo sa area nya ang alam ko ay susunduin nya si Clio pero bat magulo ang kabilang linya

Nagsalita na ulit ang babae
Hello po Maam, kayo po ba ang asawa ni ng biktima? Tanong nya
Opo ako bakit nasayo ang telepono ng asawa ko? Nanginginig akong sumagot sa kanya at parang alam ko na ang nagyare
Nagpakilala sya at sabing kasapi sya ng rescue team at ang asawa ko ay naaksidente walang malay at dinala na sa ospital,
Kusang tumulo ang luha ko, pinipilit kong kumalma pero nanginginig na ako ito na ang ayaw kong mangyare sinabi sa akin ang ospital at tinawagan ang mga magulang ko at magulang nya na na aksidente si Leslie

Iniwan ko muna si Almarc kila Mommy para sya na muna ang mag aalaga kailangan ako ng asawa ko ngayon mabilis akong nakarating sa ospital at dumiretso sa emergency room nakita kong ni rerevive ang asawa ko duguan hindi na makilala ang mukha nya may mga bubog sa na nagsanhi ng mga sugat sa mukha nya
Iyak lang ako ng iyak, wala akong magawa kundi tumawag sa taas na wag na muna kunin sa akin ang asawa ko hindi ko kaya mabuhay ng wala sya

"Panginoon, nagmamakaawa ako sayo iligtas nyo po ang asawa ko, hindi ko kaya na wala sya, alam ko pong hindi nyo kami papabayaan at pagsubok lang ang mga nangyayare sa amin ngayon bata pa si Almarc at Clio para maulila sa ama, please Lord nagmamakaawa ako sayo"
Tuloy ang dasal luha at sipon ko na tumutulo namamaga na ang mata ko

Stable na sya pero unconscious pa rin kasi epekto ng pagkauntog nya maaaring magdulot ng amnesia sabi ng doctor pero kahit magka amnesia sya mabuhay lang sya kayang kaya ko ibalik ang mga alaala nya pero hindi ko kaya ibalik pag namatay sya

Magdamag akong nasa tabi nya gusto ko pag gising nya ako ang makikita nya pasalamat nalang ako nandyan sila Mommy para kay almarc buti ay sa bote na sya dumedede kaya pala pinipilit ni Leslie na turuan si Almarc sa beberon kasi mangyayari pala ang lahat nang ito

At tungkol naman sa nakabanggang truck sa sasakyan ng asawa ko nakakulong na sya nalaman na nakainom pala ang driver at nung magkita kami sa presinto nakatikim ng mag asawang sampal sa akin ang driver sisiguraduhin kong makukulong yun si Daddy na bahala doon

Alam na din ni Kristine ang nangyari hindi ko maiwasan na sisihin sya sa nangyari kung hindi sana sya nakisuyo na puntahan si Clio kay Leslie ay hindi yun maaaksidente pero walang may gusto sa nangyare pumupunta din sya dito at nagpapalitan kami ng bantay kasi kailangan ko din magpahinga baka ako naman ang magkasakit

Sometimes maganda din pala ang dulot ng Kirida pero pag nagising si Leslie hindi nanaman kami Bati alam nya din yun na ayaw ko sa kanya nagpapakisamahan lang kami parehas para kay Leslie kung gising itong mokong na to malamang tuwang tuwa pa to kasi nakikita kaming nag uusap kahit papaano ni Kristine

Kelan kaya magigising ang asawa ko? Ang hirap mag isa, mag dadalawang  linggo na syang comatose magbibirthday na pa naman si Almarc hinahanap nya palagi ang papa nya "saan Papa?" Palaging ganun ang sinasabi naiiyak nalang ako pag ganun ang sinasabi ni Almarc

Nasa bahay ako ngayon si Inday muna ang naiwan kay Leslie kasi si Kristine ay may trabaho ngayon ako naman kakauwi ko lang iidlip muna ako namimiss ko na asawa ko nakita ko ang picture nya sa phone ko

"Asawa ko gumising kana namimiss na kita magaling na yung tahi ko ohh? Please naman gumising kana namimiss kana ng mga anak mo" para akong tanga na kinakausap ang picture nya halos araw araw akong umiiyak wala akong magawa kundi ang magdasal na magkahimala na sana mamaya gumising na sya kahit sa ospital kung hihilingin nyang sundan na si almarc ibibigay ko ganun ako ka willing na ibigay sa kanya ang pagkatao ko magising lang sya

Maraming doctor ang nag hahandle para gumising na sya pero walang pagbabago

Nakatulog na lang ako habang nag iisip kasabay ng pagtulo ng aking luha

Asawa ko?bosesna maririnig mo na parang nasakalayong lugar
Teka boses ni Leslie yun na parang naglalambing kasi asawa ko ang tawag nya
Asawa ko? Inulit nanamang pagtawag nakita ko sya na nakatayo lang bigla akong bumangon tumakbo palapit sa kanya niyakap sya ng mahigpit kasi nga sobrang miss ko na sya
Bakit ngayon ka lang gumising? Tanong ko sa kanya
Imbes sagutin ay ngumiti nalang sya maraming salamat sa lahat ng pagtyatyaga mo sa akin pati na rin sa anak natin, sabi nya
Normal lang yun trabaho ko yun, ano ba yang pinagsasabi mo Leslie! Di ko maiwasang mainis na parang nagpapaalam na sya
Magpakatatag ka alam kong matapang ka, hindi man ikaw ang unang minahal ko Nicole pero ikaw naman ang huling babaeng MAMAHALIN ko, si Almarc Palakihin mo syang mabait na bata, magkikita uli tayo Mahal na mahal ko kayo
Biglang kumalas sa yakap si Leslie, Lumakad papalayo sa akin kahit umiyak ako ng umiyak di na sya lumingon sigaw ako ng sigaw "akala ko ba mahal mo ako?" Paulit ulit kong sinisigaw sa kanya pero wala akong makuhang sagot hanggang sa nawal sya sa paningin ko, Leslie bakit mo ako iniwan sabi mo mahal mo ako paano na ako at si Almarc? Paulit ulit na sinasambit nalg aking bibig at biglang

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko panaginip lang pala ang pagpapakita nya ano kayang ibig sabihin nun? Tanong ko sa sarili ko
Nasa malalim akong pag iisip nang muling tumunog ang cellphone ko
Nakita kong si Inday ang nasa kabilang linya natatakot akong sagutin baka masamang balita iyon
Pero wala na din akong nagawa
Hello Maam? Tanong ni inday
Ohh Inday napatawag ka?
Maam okay lang po ba kayo jan? Bakit parang ang lalim ng boses nyo at hinang hina po kayo? Nakapagpahinga po ba kayo? Tuloy tuloy na tanong ni Inday
Oo okay lang ako, kumusta jan bat bigla kang tumawag, tanong ko
Maam relax lang po kayo jan, kayanin nyo po ang sasabhihin ko, sabi nya
Bigla akong kinabahan, ANO BA YUN WAG MO AKONG PAG ISIPIN INDAY SASAMAIN KA SAKIN! sabi ko

The Generals DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon