LESLIE POV
Sobrang saya ko ngayon kasi di ako nabigo sa proposal ko although mabilisan lang lahat at sa sobrang bilis malapit ko na maging asawa ang anak ng Chief PNP
Andito kami ngayon sa hotel sa Elnido mag Islang Hopping kami magkahiwalay kaming kwarto kasama ko sila mama sa kwarto at sya naman sila Sir at Maam
Halos ayokong mahiwalay sa kanya kanina yung nagpapaalamna para matulog, wala naman akong gagawin na kalokohan kung alam lang nila na mas naughty si Kristine nako naaabuso din kaya ang pagkalalaki ko haha
Pero di naman maiwasan kapag nasa puntong mainit na wala ka ng ibang gagawin kundi sundin ang bugso ng damdamin at yun ang iniiwasan ng mga magulang namin malapit naman na daw ang kasal so mag antay nalang daw
Kaya ko naman mag antay basta si Kristine ang aantayin
Di ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto magpapahangin since malapit lang ang hotel sa tabing dagatMag iisang bote nalang ako, baka tulog na si Kristine mabilis lang makatulog yun
Napag usapan namin kanina na bago kami magpakasal magpapa opera muna sya para naman wala na daw syang doubt sa sarili nya at magampanan ang pagiging wifey nyaMas okay naman yun kasi para maalagaan ko muna sya habang nagpapagaling sya next month na sya naka sched para sa treatment nya sana maging successful
Habang sa malalim na pag iisip may naaninag akong babae na parang lasing at papunta sa malalim na parte, siguro ay marunong naman lumangoy yun naka two piece lang sya
Saan kaya ang kasama nya at iniiwan syang mag isa at gabi na nakatingin lang ako sa babae baka kung anong mangyare di naman maaalis sa akin ang pagiging pulis
At di nga ako nagkamali at nakita ko na parang nalulunod na sya
Agad akong tumakbo at di alintana na lalamigin din ako at lumangoy papunta sa babaeng nalulunod at nahawakan ko na sya napayakap sya sa akin at dahan dahang lumangoy papunta sa mababaw na parte ng dagat at napansin kong wala na syang malay
Buti nalang na turuan kami sa mga gantong pagkakataon agad ko syang pinump sa may bandang dibdib nya wala na akong pakialam kung sabihin nyang minanyak ko sya ang importante mailigtas ko syaAt di nagtagal lumabas sa kanyang bibig ang tubig at nag ubo ubo, saka ko lang napansin na malaki pala ang hinaharap nya
Tinanong ko sya, Miss okay ka lang wag ka matakot isa akong pulis at sinagip kita mula sa pagkakalunod mo
Bigla nya akong sinampal "pakk"
"Miss bakit moko sinampal?" Tanong ko na may tinig ng pagkainis
"Enjoy na enjoy kang hawakan ang dede ko" pagtataray nya
"look miss ikaw na nga tong sinagip ikaw pa tong masungit" sabi ko
tumayo sya at di man lang nagpasalamat
Mga babae nga naman napakasungit naman talagaKung di lang ako pulis ay pinabayaan ko nalang sana syang mamatay sa lunod
Nilalamig akong bumalik sa kwarto, nakakabadtrip sana di ko na makita ang babaeng yun buti nalang di ganon ang mapapangasawa ko di hamak na sobrang bait pa wala ka nang hahanapin pa
Di ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising na lamang ako sa mahinang pagtapik ni mama
"anak gising na maaga tayong aalis galing dito si Kristine at tinanong kung gising kana, sabi ko e masarap tulog mo" sabi ng Mama
Di na ko kumibo at umupo saglit dumiretso sa banyo para maligo at mag brush ng ngipin
Saktong paglabas ko ng banyo ay syang pagkatok sa pinto at binuksan ko at masayang mukha ang sumalubong sakin
Yumakap agad,
![](https://img.wattpad.com/cover/187203807-288-k440876.jpg)