LESLIE POV
Hanggang ngayon di ko maintindihan ang mararamdaman ko anong kasalanan ko kay Kristine para gawin saakin ang masalimuot na pambibitin na yun
Sobrang nakakapanghina ang nangyari kung iisipin andon kana sa climax mo tapos iiwanan ka nalang, napapaisip ako kaya nya kong bitinin sa ganun baka kung saan masaya na kami ay bigla nya akong iwan
Nasa loob na kami ng kwarto at maaga flight namin pa manila, nakaayos na lahat ng gamit namin tahimik lang ako kasi nababadtrip pa rin ako di man lang ako kausapin regarding sa pangbibitin nya
Nag CR nalang ako para makapag toothbrush na din, kung bastos na tao ako aalisan ko to at maghahanap ng iba para makaparaos pero mahal ko kasi kaya aantayin ko nalang sya magpaliwanag
Habang nag ba brush ako ng ngipin nagulat ako biglang yumakap saakin at naramdaman kong basa na ang damit ko ibig sabihin umiiyak to
Pinabayaan ko lang
Love, kausapin mo naman ako ohh bat ang tahimik tahimik mo, sorry sa ginawa ko ikaw kasi andaming pagkakataon na sasabihin mo sa akin na yung anak ni senator ang niligtas mo di mo man lang ginawa kung saan marami na syang pagkakataon na maglandi sayo nung nasa Island hopping tayo, sinasabi nya habang umiiyak
Hinarap ko na sya at di ko na natiis ayoko makikitang umiiyak sya
Love, kasi ayoko ko lang na during na andoon tayo ay masira ng mood mo, gusto ko mag enjoy ka tsaka napapansin ko nung time na yun na masaya ka ayokong sirain ang moment natin love kaya bago ko lang sinabi, pero love di naman tama na bitinin mo ako kung saan nasa climax na ako
Ang sama kaya sa pakiramdam, tsaka love kung di kapa ready naiintindihan ko naman sabi ko nga mag aantay ako hanggang sa makasal tayo ganun kita nirerespeto sana love pag di kapa ready wag ka naman mang seduce tapos di mo papanagutan si junjun ko tayong tayo love tapos iiwan mo ko ng ganun ganun nalang??
Paglalabas ko ng sama ng loob koLove, im Sorry
Iyak ng iyak sya, di ko na uulitin na gawin yun baka iwan moko dahil lang sa ang sama sama ko sorry love im so sorry, please wag kana magalit i will do anything para hindi kana magalit,
Sabi nyaOkay na love yung malaman natin ang both sides natin na mailabas natin ang nararamdaman nating hinanakit, para nextime alam na natin ang mga ayaw at gusto
For now matulog na tayo at maaga pa tayo love, sorry din love, i love you so much
sabi koAt natulog na kami nakayakap sya sa akin, nakaunan sya sa balikat ko hmm kasal nalang talaga ang kulang sa amin
Mahal na mahal kita Kristine kaya kahit anong kapilyahan mo tatanggapin ko yun
Ikaw yung babaeng pang habang buhay, sabay halik ko sa noo nya
Tulog na syaKINABUKASAN
Maaga akong nagising para maligo at sa airport nalang kami kakain ng breakfast sila mama at beshire at umuwi na sumabay na sa daddy at mommy ni Kristine
Kaming dalawa lang ang naiwan dito,
Natapos akong maligo at makapagbihis ginising ko na sya naku ang mga babae pa naman matagal kumilosLove, gising na baka maiwan tayo ng plane
Mahinang pagtapik ko sa kanyaHmm, ungol nya (tipikal na ungol pag ginigising, wag kayong green jan, hahaha)
Love, gising na nakikita ko na yung panty mo ohh?? Pagsisinungaling ko alam kong magagalit sya
Di nga ako nagkamali, nag bukas ang mga mata nya at tinignan ang panty nya, kahit naka kumot naman sya
Love ano ba yan, niloloko moko natutulog pa ako e
Baby talk nanaman sya, hihi ang cuteLove as much na gusto pa kitang titigan habang natutulog ay di na pwede maiiwan tayo ng eroplano
Okay po babangon na, hays nextime ayoko ng maagang flight
Sabi nya habang papasok ng banyoNapangiti nalang ako di talaga sya morning person di katulad sa akin na naka mind set na magigising ng maaga kasi may pasok pero nag iba ang buhay ko simula nung nakilala ko si Kristine, yung mga uniform ko di ko na nasusuot
Ang swerte ko yung ibang mga pulis nag susuffer sa LDR tapos ako eto kasama palagi ng mahal ko, well yun ang will ni God sa akinInayos ko na lahat pati mga papeles ng baril ko at mga ticket ID namin parang baliktad dapat si Kristine ang nag aayos ng mga to pero dahil naliligo palang sya ay ako nalang hmmm
Love, pa abot ng towel
pakisuyo nyaOkay wait love
Hmm love pati din pala underwear hihi,
Dagdag nyaLove nakakahalatana ako ha, dapat dinadala mo na yan pano pag wala ako sa tabi mo nasa operation ako?
Tanong ko sa kanyaLove wag kang assuming, kung magkaka operation ka regarding lang SA AKIN YUN, OKAY? paglilinaw nya
Okay love, nginitian ko nalang sya loko talaga sa aming dalawa talaga sya ang NAUGHTY, ako Good boy lang
Love, anjan na yung sasakyan natin sa labas tara na
Ilang saglit lang ay nasa airport na kami nagpaalam na din ako sa pamilya ko na babalik na ko ng Manila, mag iingat daw kami palagiLove mag check in na tayo, sabi ko
Love kagabi palang nakapag online check in na ako, sabi nya
Pano yung baril ko? Tanong ko
Edi magpa assist ka sa kanila pero sabihin mo na nakapag online check in kana, sagot nya
Nakalimutan kong abugado pala si misis haha
Okay wait ako nalang pupunta doon antayin moko jan
Umupo nalang sya sa upuan at pumunta na ako sa counter inasikaso naman ako pero yung nag aasikaso panay ang pacute sakin lah assuming ko naman baka ganyan lang talaga
Sir, hi ako nga pala si Kyla, pinaliit nya boses nya natatawa ako
Ngumiti lang ako sa kanya, buti di ko na pinasama si Kristine dito kundi beastmode nanaman yunLove, matagal paba yan? At nagulat ako nasa likod ko na pala sya at kung di ako nagkakamali narinig nya si Kyla, Patay singkit nanaman ang mata nya na parang namumula ang pisnge
Love, yung claim stub nalang inaantay sagot ko
Ahh akala ko may lumalandi sayo, gutom pa naman ako at nananampal din, malakas na pagkasabi nya
Wala naman love sige na patapos na to
Ahhh sir, ito na po enjoy your flight sir, ang sungit pong gf nyo
Pahabol nya paHaha di ko gf yun, asawa ko yun
Pag cocorrect koSwerte naman ni Maam, sagot nya
Mas swerte ako sa kanya sige salamat ha, pagpapaalam ko
Paglapit ko kay love ay nakasimangot nanaman sya
Love, kahit saan tayo pumunta may asungot no? Hindi ko maiwasan na hindi magselos kasi nga parang kung titigan ka ng mga walang hiya ay parang hinuhubaran kana nila, Sabi nya
Love kahit naman maraming magkagusto sakin ikaw parin ang mamahalin ko at papakasalan ko
Sus, nasasabi mo lang yan pano pag matanda na tayo at losyang na ako mahal mo pa rin ako? Pano pag mataba na ko di ko na ma maintain ang katawan ko kakaalaga sa mga anak natin?
Love kahit pa lahat ng what ifs mo magsama sama di ako magsasawa na mahalin ka
Kung ang dahilan ng pagkalosyang mo ang pag aalaga sa mga anak natin ay mas gusto ko at proud ako sayo love
Alam kong magiging mabuti kang mommy at asawa sa amin tandaan mo yan ha?
