Chapter 43

1.6K 11 0
                                    

(Rain's Point Of View..)

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magising ako at nakalabas sa hospital. Kasama ko ang mga kaibigan ko na ngayon Dahil birthday ngayon ni Jennifer kailangan I celebrate HAHAHA.

Okay naman na kaming lahat.. past is past at Di na dapat iyon balikan para hindi ka masaktan. Anyway nasa tagaytay kami hehe..

Gusto niya kasing dito i-celebrate ang birthday niya. Dapat ay sa resort namin gaganapin Pero dahil sa matigas ulo ni Jennifer dito na lang. Well May hotel rin naman sila dito Kaya Wala rin namang problema.

Mamaya pang gabi gaganapin ang kaarawan niya at eto ako ngayon pinagmamasdan ang papasikat na araw. Napangiti ako ng makita kong napakaganda ng sunrise.

Sa lahat nang ginawa ko Wala akong pinagsisihan dahil ginawa ko lang kung anong dapat at isa na dun ang pagpaparaya ko kay Jet para kay Jennifer.

Dahil kung hindi ko iyon ginawa siguro Di ko malalaman na masakit pala magmahal at dapat gawin mo lahat ng makakaya mo para sa LOVE..

Kung hindi ko yon ginawa siguro Di ko makikilala si Clyde na nagsilbing kaibigan ko rin nung nag panahon na malungkot ako sa paghihiwalay namin ni Jett.. siguro kung hindi ko yon ginawa, di ko malalaman na maswerte ako dahil marami akong kaibigan na susuportahan ako kahit anong mangyari..

Ang swerte ko talaga sa mag kaibigan ko.

"Sobrang swerte ko.." nakangiting saad ko habang nakatingin pa rin sa sunrise.

"Saan? Saakin? Well kung ganun, swerte ka talaga HAHA.." biglang tumabi saakin si Jett at inakbayan ako.

Well, maswerte rin naman ako sakanya dahil kahit anong nangyari mahal niya pa rin ako. And his love always strengthens me.

"Hahaha Sige oo na.. maswerte talaga ako sayo at sa mga kaibigan natin na palaging nasa tabi natin pag kailangan natin sila...sobrang saya ko dahil nakilala natin sila naging kaibigan. Sobrang saya ko dahil nakahanap ako ng mga totoong kaibigan tulad nila." Saad ko at tinignan siya. "At maswerte ako dahil nakilala kita at naging karamay ko sa lahat ng bagay, ang saya ko dahil dumating ka sa buhay ko at pinasaya mo ko.. nagpapasalamat ako dahil naging isa kang matalik na kaibigan saakin at minahal mo ako kahit alam mong maaring mawala ang friendship na binuo natin." Napatingin naman siya saakin at nginitian ako.

"Alam mo? Nagpapasalamat talaga ako kay God dahil binigay niya saakin ang isang napakagandang babae na minahal ako ng sobra at pinaglaban ako. Napakasaya ko dahil minahal mo ko ng sobra at hindi pinabayaan kahit May hindrance saating dalawa.." saad niya. Niyakap ko naman siya at sabay kaming bumalik sa loob ng hotel at nakita roon ang mga kaibigan namin.

"Oh? Kayong dalawa! Tara na at kumain ng breakfast!" Aya nila saamin. Sabay naman kaming pumunta sa lamesa at binati si Jennifer..

"HAPPY BIRTHDAY!" niyakap ko siya at nginitian. Her face softened and hugged me back.

"Thank you guys!" Nginitian niya kami at nagsimula ng kumain.

"Sorry guys.." sabi ni Jennifer.

"For what?"

"Kasi kung hindi dahil saakin hindi magkakagulo.." malungkot na sabi niya pa. Natawa kaming lahat.

"What? Actually I want to say thank to you.." kunot noo naman siyang tinignan ako.

"What? For what?" She asked.

"Cause kung hindi dahil sayo hindi ko malalaman na kailangan pala mag sacrifice sa Love. Wala na yun okay? Past is past at dapat hindi na alungkatin..." sabi ko. Napangiti naman sa at tumango.

The One I Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now