Chapter 4

10 0 0
                                    

*Ring Ring Ring*

Tumunog na yung magandang alarm clock dito sa bahay nila tito. Masarap pala matulog sa malambot na kama na may aircon pero namimiss ko yung banig ko saka yung electric fan na naka tutok pa sa paa ko hehehe. Lunes pala ngayon at strikto yung teacher namin sa first subject, kaya kailangan ko na gumayak :>

*Naligo kahit di alam gumamit ng shower*

*Nagbihis*

*Nag toothbrush* 

Pagka labas ko ng CR kumatok na si yaya linda. Pinabababa na daw ako ni tita, gustong gusto niya daw na matikman ko yung niluto niya para sa amin ni Szachary. Di ko alam kung bakit napaka bait nila sakin. Dahil nga siguro sa sabi ni tito at tita kahapon na gusto nilang magka anak ng babae. Hinding hindi ko sasamantalahin yung kabaitan nila. Tutulong parin ako sa abot ng makakaya ko.

Bumaba na ako at nagbatian kami ng 'good morning'. Habang kumakain ay naka tingin si Szachary sa akin. Yung INIS NA INIS NA INIS na tingin. "Szachary..." tawag ni tito sa anak niya na naka tingin sa akin. "Yes dad?" sagot naman ni Szach. "Mula ngayon ihahatid at susunduin mo na si Rose." 

"PO?!" sabay naming sabi "Nako, wag na po! Sobra sobra na po ang naitulong ninyo sa akin. Hindi naman na po siguro kailangan na pati hatid sundo sa akin ay aalalahanin niyo pa po." Pagkumbinsi ko kay tito. "Kaya nga dad! and besides pwede naman natin ipa hatid sundo si Rose kila mang edgar. Saka she's a waste of time" napangisi si tito at umiling "Kailangan mo kong sundin Szachary, it's for Rose's safety. Para na rin mabilis kayo magkasundo." Bumagsak ang balikat ni Szachary at sumandal sa upuan "Hays... alright then" hindi na nakatanggi si Szachary. "Bilisan mo jan. Hindi kita hihintayin" sabi niya sakin at pinagtabi na ang kutsara at tinidor. 

Kinuha ko na sa kwarto ang mga gamit ko at bumaba na. Baka kasi iwanan ako ni Szachary. Iinit nanaman ulo nun. "Can't you go any faster? We're late" Singhal niya habang papababa ako sa hagdan. "Sorry..." Sabi ko at binilisan ang paggalaw ko.

-Time skip- 
-Sa school-

'OMG?! Si Rose ba yun? Naka kotse siya?!"
'OMG ibang klase na talaga malalandi ngayon'
'May sugar daddy kaya siya? or bayaran ng isang millionario?'

Hays. bahala na sila wala na kong pake. Sanay naman na 'ko eh. Saka sino ba naman kasi mag aakala na sasakay ako sa isang Lamborghini Veneno??? Sus dati tricycle lang sapat na eh. Kaya naiintindihan ko naman sila kung bakit ganun ang asta nila. 

"Oh iiwan na kita ah... baka naman madapa ka pa?" pamimwisit niya "hindi ok lang pumasok ka na..." sabi ko habang naka yuko. Napansin naman niya na madaming nagbubulungan tungkol sa akin kaya hinila niya ako malapit sa pader ng isang building at hinarang ang dalawang kamay niya sa gilid ko. At siyempre mabibigla yung mga taong naka tingin sa amin. Mas lalo nila akong pag tsi-tsismisan. "This is to make everything worse." Bulong niya at ngumisi bago niya ako pakawalan. 

Sinimulan ko nang maglakad papunta sa room at habang nag lalakad ako, siyempre may mga hayop este tao na nagbubulungan sa likod ko. Sa room, pumunta nalang ako sa desk ko at nag basa ng notes. 

"Hulaan niyo kung sinong bayaran dito?" parinig ng isa sa mga kaklase ko na sinundan ng tawanan ng iba pa nilang kaklase. Gusto ko sana silang sagutin pero baka lumala pa ang sitwasyon. Hanggang sa nakakita ako ng patak ng luha sa notebook ko. Umiiyak na pala ako, hindi ko napansin. "Aww. Umiiyak na siya" Pang aasar niya sa akin. Bahala sa kung ano mang mangyare ngayong araw. Di ko na lang sila papansinin.

-Time skip-

Hindi din nag tagal at uwian na. Lumabas na ako at hinintay si Szach. Medyonag tagal din ako sa labas dahil mas maaga ang uwian namin kesa sa uwian ng school nila Szach. Sa mamahaling school nag aaral si Szach. Sa iskwelahan ng mga tagapagmana ng mga kompanya. Oh diba ang yaman nila? 

Ilang saglit nalang at dumating din si Szach. "Uhm... Szach?" Tawag ko sa kanya? "What?" Dapat pala hindi ko na siya tinawag. "May gusto sana akong puntahan eh. Pwede mo ba ako samahan? Ito na yung una at huli kong favor sayo. Please?" gusto ko sanang balikan yung bahay namin ni mama. "Tsk. Fine" Sabi niya sabay irap. 

"We're here" Bumaba na kami at pumasok sa loob "What do you even need here? Wala nang kagamit gamit oh. Plus ang pangit pa ng design" Reklamo niya sa itsura ng bahay namin ni mama. "Bahay namin 'to ni mama. Namiss ko lang siya bigla. Pasensya na kung medyo madumi at masikip." Di siguro siya sanay sa gantong kasikip na lugar. "Oh. S-sorry".... Hm... Mabait naman pala minsan. 

"Hoy Rose lumabas ka diyan!!!" narinig namin ang isang sigaw kasabay ng malakas na pag katok sa pinto. "DON'T YOU KNOW HOW TO KNOCK PROPERLY?!" sigaw ni Szachary kay Manong Roger. "Aba! nagdala ka pa ng inglisherong hilaw dito sa bahay mo ha? BAYARAN MO NA YUNG UTANG NIYO NG NANAY MO!" Matagal na kaming hindi nakakabayad sa utang namin. Wala kasi kaming pera eh. "OK here's my ATM card. It has 70k in it. The password is 12345678. All yours. So get the shit out of here." Sabi ni Szach na nagpa alis kay Manong Roger. "Sayang naman yung laman nun-" 

"Ano? Kuntento ka na ba? Kaya ka ba nagpasama dito kasi alam mong ngayon pupunta yung pinagkaka utangan niyo ng nanay mo?! Iba ka rin eh noh?!" Nagmadali siyang umalis at iniwan ako sa bahay. Medyo hapon na rin at mahirap nang makahanap ng jeep o bus na masasakyan. So no choice ako at naglakad pauwi.

At dahil isa akong napaka swerteng babae, inabutan ako ng ulan. Ano reh? Kdrama? parang gusto kong patugtugin yung OST ng Goblin ah hahaha. Hayss magpapalit nalang ako sa bahay. Mukha akong tangang umiiyak habang ngumingisi dito. Pano ba naman kase? Sino bang hindi matutuwa sa mga nangyare ngayon? Sinabihan akong bayaran, iniwan ako ni Szach pero... Nabayaran na namin yung utang namin ni mama. Di ko alam kung magiguilty ba ako na HINDI KO SINASADYANG pabayaran yung utang namin kay Szach o matutuwa ako kasi kahit papano nabayaran na namin yung utang namin. Pagka pinagpala talaga ako ni lord babayaran ko din yung mga utang na loob ko kila tito.

After an eternity na paglalakad, nakarating din ako sa bahay nila tito. "Master Nam! Nandito na po si Rose!" Nang nakapasok na ako  sumigaw na yung binata na ngayon ko lang nakita sa bahay nila tito. 

[A/N: Pasintabi lang po! Si Micko Miguel nga po pala ang anak ni Mang Jovi. Kaibigan siya ng kaibigan ni Rose. Kung sino ang tinutukoy kong 'kaibigan', malalaman niyo din yun! hehehe]

I love you... EnemyWhere stories live. Discover now