Chapter 8

1 0 0
                                    

"PO?!" 

Muntik nang mabuga ni Szach yung Milo na iniinom niya "Dad?!" Nagulat din yung kambal na si Hyuri at Hyouta. "Eh patapos na po yung 2nd semester ah? Pwede pa po kaya siyang i-transfer?" Oo nga. Saka iniisip ko pa lang natatakot na ako. Feel ko di ako belong dun. Saka nakakatakot yung mga studyante dun. "Ok na po ako sa school ko tito saka... Natatakot po ako sa mga studyante dun hahaha" Nginitian lang ako ni tito pero sure ako na di siya papayag. "Di pa na 'tin sure na safe ka sa school mo kasi walang nag babantay sa 'yo dun. Pag lumipat ka sa school na pinapasukan nila Szach, sila yung makakasama mo at mako-contact agad nila ako pag may nang yari sa 'yo." May point naman si tito pero kinakabahan pa 'rin ako.

"Okay ipapa asikaso na na 'tin kay mang Jovi yung mga kailangan mo kaya wala ka nang dapat alalahanin" Ngumiti nalang ako at nag thank you kasi di ko na alam sasabihin ko. Pagka tapos kumain, kinuwento ko na kay Hyuri kung bakit ako napadpad dito. Na gulat siya ng konti. Di ko masabi kung konti nga pero basta nagulat siya XD.

-Time skip-
(Monday)

Papasok na kami ni Szach sa School kaya kabadong kabado ako. "Hoy chill. Para namang kakainin ka ng mga tao sa school sa expression mo ngayon." Sabi sa akin ni Szach habang tinitingnan yung mga halaman na nadadaanan namin. "Madami bang maldita dun?" Tumingin siya sa a'kin at tumawa ng mahina. "Sa mga maldita takot ka pero kay Hyuri hindi" Hindi naman ganun ka sungit si Hyuri ah. Baka takot lang talaga siya. "Andito na po tayo. Have a wonderful day and take care!" bati sa amin ng driver. "Kayo din po!" Sagot ko naman. Pagka labas ko ay nakita ko si Hyuri sa Labas ng gate. Iba yung suot niyang Uniform sa suot ko at ng ibang  istudiyante. Pero siguro ganun lang yung style niya. Paldang itim na halos hanggang tuhod ang haba, White na button down na long sleeve, Black na necktie, at black and white na blazer. Sinabihan ako ni Szach na mag black shoes at long socks daw ako para maging maganda ang first impression ko sa mga teachers kasi yun ang proper school uniform para sa school nila. Yung kay Hyuri naman, ganun din pero Pinalitan niya ng black Varsity jacket yung blazer at naka black and white rubber shoes siya... Ang cool niya tingnan! "Hoy Rose!" Kaka admire ko sa ka-astigan ng suot niya, di ko namalayan na kanina pa niya ako tinatawag. "May Prublema ba?"

"Wala naman. Ang astig mo lang tingnan." Sabi ko sa kanya habang ina-admire pa 'rin yung porma niya ngayon. Nagsimula na kaming mag lakad papunta sa Class room namin tutal magka-klase kami. Napaka laki ng school may 3 building sa harap at sabi sa akin ay meron pa daw sa likod. bukod pa yung library at sports complex. Sa main building, Makikita mo yung 'Abyss: School of the Elites' O diba pangalan pa lang ang yaman na. Sa Main building yung class room namin kaya mabilis kaming naka dating. "Hyuri!" Bati sa kanya sabay akbay nung lalaking di ko pa kilala. Inalis niya yung kamay nung lalaki gamit yung 'Hyuri twist' na ginagamit niya simula pa lang nung bata pa kami. Hahawakan niya yung kamay nung lalaki, i aangat ito at saka pipihitin gamit ang isa lang niyang kamay. "A-a-aray! Tama na. Di ko na po uulitin!" Sabi nung lalaki. Eto ba yung dahilan kung bakit takot si Szach sa kanya? "Sino 'to?"Tanong naman nung isang lalakehabang naka turo sa akin. Kaibigan siguro siya nung binalian ng buto ni hyuri kanina. "Girlfriend ko" 

Girlfriend daw? GIRLFRIEND DAW?! "Kinilig ka naman HAHAHA" Asar sa akin ni Hyuri. "OK! Settle down!" Sigaw nung teacher habang pumapasok sa room. Umupo na ako sa tabi ni hyuri sa last row. "I have 2 big announcements to make" Nagsimula nang magbulungan yung mga babae sa bandang harapan. Tina-try hulan kung anong announcement ang ibibigay ng teacher nila. Syempre ako yung isang announcement. "First, may bago tayong transfer student. Ms. Rose, please come in front and introduce your self". Kailangan pa ba yun? Gusto ko nang lumubog nalang bigla. Pero siyemre sinunod ko naman. "Hello. My name is Rose Song. I am 16 years old. Please be good to me. Thank you."

"Thank you Ms. Song. I am Your homeroom and Calculus teacher. If you ever have trouble with the lessons and your new classmates please feel free to approach me. You can now take your seat". Mukha naman siyang mabait pero calculus ang tinuturo niya eh. Takot na ako sa mga teacher na Math-related subject ang tinuturo dahil puro lagapak na grades ang natatanggap ko mula sa kanila. Sana hindi siya mababa magbigay ng grades. Di ko alam kung bakit ako nag STEM kung gusto kong mag sundalo. Now I have to deal with a lot of stress...

I love you... EnemyWhere stories live. Discover now