Chapter 5

7 0 0
                                    

"Oh bat umuwi ka pa? Ano? Peperahan mo nanaman kami?" Pagsusungit ni Szach na halatang galit na galit parin sa akin. "Ih! Bayaan mo na nga yang bano na yan. Wag kang makikinig jan. Nasisiran na ng ulo yan." Bulong sa'kin nung binata. "Oh anong binubulong bulong m diyan Miguel?" Sigaw naman ni Szach. "Wala po 'Young Master'. Tch" 

Binigyan ako nung binata ng twalya. "Madam. Ako nga po pala si Micko Miguel. Anak po ako ni mang Jovi. Pag pasensyahan niyo na po si 'Young Master kuno' ha..." Pagpapakilala niya sabay kamot ng ulo. Siya na ang nanghingi ng sorry para sa 'Master' niya. "Ay hindi okey lang! Saka wag ka nang hihingi ng sorry sa kasalanang di mo naman ginawa!" 

"Ay ganun po ba? Sige po!" Sabi niya with a cute smile.....
...Potek...
Umaatake yung karupokan ko :'>...

"Labas ka muna. Magbibihis lang ako :>" Di ko nalang pinahalatang naku-kyuan ako sa kanya. "Ayokong lumabas" Hah? "Ayokong lumabas. Kasi ang lamig dito sa kwarto mo" Panong ang lamig sa kwarto ko? eh naka aircon 'tong buong mansyon? "Ha? eh naka aircon naman 'tong buong bahay ni tito eh"  Ano ka ngayon? "A-ah oo nga pala. hehe sige bye bye muna!" Lokong yun. Cute sana eh kaso medyo gago din. 

Tapos na akong magpatuyo ng buhok at mag papalit na ako ng damit. 

"Hoi Kakain-- Oh Shit" 

"AAAAHHHHHHHHHHH" napasigaw ako ng may bumukas ng pinto. Bakit hindi ko ni-lock?!!! Buti nalang hindi ko pa TULUYANG natatanggal yung twalyang naka palupot sa'kin. "USO MAG LOCK NG PINTO!" Sigaw ni Szach. Yep, si Szach yung tarantadong hindi kumatok at nag bukas nalang bigla ng pinto. "USO KUMATOK!!!" Ako pa may mali! "At bakit naman ako kakatok sa SARILI KONG BAHAY?" Bahala nga siya sa buhay niya! Bahay niya kuno...

"EWWWWWW!!!" 

-Miguel's PoV-

Hays! Ang tanga Miguel. ANG TANGA! Alam ko naman kasing naka aircon yung buong mansyon ehhh. Nakaka hiya! Pumasok ako sa kwarto namin na malapit lang sa kwarto ni Rose at kinuha yung cellphone ko.
"AAAAAAAHHHHHHHHHH"
Hala si Rose!!!! Lumabas ako at tiningnan kung anong nangyari.

Nakita ko si Young Master (Kuno) na nakatayo sa harap ng pinto ni rose at nakatakip ng mukha at namumula. "USO MAG LOCK NG PINTO" sabi niya "USO KUMATOK" Sabi naman ni Rose. Eh diba nag bibihis si Rose???

"EWWWWWW!!!" Napasigaw ako habang nanlalaki yung mata ko sa gulat. AKALA KO PANAMAN MASUNGIT LANG SI YOUNG MASTER (kuno),PERO MAY TINATAGO DIN PALANG...OMGGGG

-END OF MIGUEL'S POV-

Lumabas ako pagkatpos kong magbihis at tiningnan kung sino yung sumigaw. Pagkalabas ko nakita ko si Miguel naka salampak sa sahig at nakatakip ang bibig. "Anong nangyare sayo???" Napatingin siya sakin, tumayo at itinago ako sa likod niya. "HOY YOUNG MASTER KUNO! HINDI DAHIL IKAW ANG MAY ARI NG BAHAY NA 'TO, PWEDE MO NANG PAGSAMANTALAHAN SI ROSE!" Hay~ my knight in shining armor "EW! AS IF! SAKA HINDI MO NAMAN ALAM YUNG BUONG PANGYAYAR AH?! ANO BA PRUBLEMA MO?!"

"Anong nangyayar dito?!" Tanong ni Tito habang naglalakad papunta sa amin. "Nako Sr. Nam eto po kasing anak niyo may ginawang kakaiba Kay Ms. Rose" pagsusumbong niya habang tinatago ako Kay Szach. "Ikaw, napaka galing mong gumawa ng kwento! Kasalanan ko bang Hindi marunong mag lock ng pinto yang señora niyo?!" Sabi ni Szach sabay irap. Ayoko ipagtanggol yung sarili ko kasi ako na nga lang 'tong nakiki tira sa kanila ako pa 'tong may ganang magreklamo. "Halika kumain na tayo. Mas lalong iintit ang ulo ninyo kapag gutom kayo. Sa baba na natin 'to pag usapan" pag aaya ni tito. 

"Ano bang nangyari?" Biglaang tanong ni tito bago isubo ang pagkain sa bibig niya. Walang makapag salita sa aming tatlo. "Miguel" Napa angat ng ulo si miguel at tumingin sa akin ng nag aalala. Tinanguan ko siya at nginitan para masuportahan siya sa 'pagsusumbong' na gagawin niya. "Master, naabutan po kasi si Ms. Rose ng ulan sa labas tapos po binigyan ko po siya ng twalya, tapos po hinatid ko po sa kwarto niya, tapos po sabi niya po mag bibihis lang daw po siya, tapos po pumunta po ako sa kwarto ko para po kunin yung cellphone ko, tapos po narinig ko pong sumgaw si Ms. Rose, tapos po nakita ko po si young master sa labas ng kwarto niya" Tuloy tuloy ang pagsasalita ni Miguel. Ewan kolang pero na ku-cute-an ako sa kanya. Napangiti si tito at tinawag ako "Rose, ikaw naman ang mag kwento" binaba ko ang kubyertos at nagsimulang mag salita "Tito tatawagin po sana ako ni Szach kaso po... nakalimutan ko pong isarado yung pinto..." Napa buntong hininga si tito at tiningnan si Szach. "Bat hindi ka man lang kumatok?" Tiningnan ni Szach si tito "Who? Me?" Tanong niya "Oo. Kanino ba ako  nakatingin? and why would I knock on my own house?" Napailing si tito at pinunasan ang tirang sauce sa bibig niya. "Rose, Szach pagka tapos niyong kumain pumunta kayo sa office" Tumayo na si tito at hinayaan kaming kumain. "Okey ka lang ba?" Bulong sa akin ni Miguel. "Ngumiti ako at tumango. Nginitian din naman niya ako. Hay... CUTE napaka CUTE. *rupok alert* Pag katapos naming kumain tinulungan ko na silang mag ligpit ng pinagkainan pero hindi na nila ako hinayaang tumulong sa pag huhugas ng pinggan. "Miguel..." lumingon siya at ngumiti. "Thank you ah".

"Nako wala yun!" Sabi niya sabay kamot sa ulo. Tatalikod na sana ako pero- "Rose? Hatid kita sa office?" Jusko. Salamat at nag alok siya. Nabawasan yung kaba ko kahit papaano. Pumayag ako siyempre. "Eto na yung office" Nagpasalamat ako siyempre sa paghatid sakin. Wish ko nga nasa kabilang banda pa ng mundo yung office ni tito eh para makapag kwentuhan pa kami. AS A FRIEND ha...  Nag good night na din siya at nagpa alam na na uuwi sa bahay na nilaan ni tito para sa kanila. Malamang sa malamang papagalitan siya ni Mang Jovi.

"Rose..."

"Hmm?"

"May sasabihin pala ako..."

I love you... EnemyWhere stories live. Discover now