Chapter 7

2 0 0
                                    

It's been a veeeeeeeeeeeeery long week and wala pa akong plano sa buhay ko. Syempre joke lang. Balak kong mag sundalo kasi tutal lumaki akong si mama lang ang kasama ko at wala akong naka lakihang tatay, pinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko si mama dahil siya lang ang meron ako. Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ko nung bata ako pero naalala kong sinabi ko pa sa sarili ko noon na yung mga walang tatay na katulad ko, ako yung magiging tatay nila. Ako yung poprotekta sa kanila. Gusto kong maramdaman nila na ligtas sila kahit saan sila pumunta. Di ko nga lang alam kung pano ko magagawa yun. Pero syempre kakayanin ko. 

*doorbell* 

Saktong nandito kami ni Miguel sa sala nanonood sa TV. Sa una nagpapakiramdaman pa kami kung sino magbubukas ng pinto pero siya na din naman yung nag bukas. "Hyuri! Namiss kitaaa. bat di ka dumalaw ng 2 weeks?" Bati ni Miguel sa bisita. Malalaman mong close silang dalawa dahil sa lakas ng boses ni Miguel. Para  silang hindi nagkita ng isang dekada. Pero teka... Hyuri? Hyuri?!

"Hyuri?!!!!" tumakbo ako papunta sa pinto tas nakita ko si 'K-HYURI-POT'. "Rosie?!!!". Hindi ko pa nasabi na dito na ako nakatira. Hay. Mahaba habang kwentuhan 'to mamaya. "Bakit nandito ka?!" tanong niya. "Mamaya ko na sasabihin. Teka, nagpagupit ka noh?!" 

"Hindi nagpa extensions ako..." Bakit naman kasi tinanong ko pa kung nag pa gupit siya. Eh obvious na obvious naman. Medyo nasasayangan nga lang ako sa maganda't mahabang bohok niya pero bumagay sa kaniya yung short hair niya ngayon. "Excuse me" Nakalimutan kong nandito pa pala si Miguel hehehe "Magkakilala kayo?" sabi niya habang naka turo sa aming dalawa. He looks cute when confused too :'> May binulong si Hyuri kay Miguel tapos may binulong din naman si Miguel kay Hyuri. So ako naman ang ma a-out of place ngayon? Naningkit ang mga mata ni Hyuri at nag martsa papunta sa kwarto ni Szachary. Basta nalang niyang binuksan yung pintuan. Inalis niya yung kumot na naka balot kay Szach. Ipinantaklob ulit ni Szach sa sarili niya yung kumot at hindi pinansin ang biglaan naming pag pasok sa kwarto niya. Inulit ni Hyuri ang ginawa niya kanina. "Why the actual heck are you here?".

Inilagay ni Hyuri yung parehas niyang kamay sa bewang niya. Imaginin mo nalang itsura ng nanay po pag di ka sumunod agad sa utos niya. "Anong ginawa mo kay Rose?". Hinawi niya yung part ng kumot na natatabunan yung mukha niya at tumingin kay Hyuri na parang gulat na gulat. Inangatan lang siya ng kilay ni Hyuri. "It's not true. Kung ano mang sinumbong sa 'yo ni Miguel" After some time ng katahimikan, bumangon na din siya. Sakto namang pumasok si Hyouta "Hoy tawag na tayo ni tito James. Ikaw Szach iniwan mo 'ko kahapon sa Arcade". So close din sila? Madami ba akong hindi alam? Baka mamaya mag jowa na pala si Miguel saka si Hyuri hindi ko pa alam. 

"Psst" Tawag sa akin ni Hyuri habang pababa kami ng hagdan. Ewan ko pero ganun na talaga siya tumawag sa akin simula nung bata pa kami. 'Psst' dito 'Psst' don. Minsang nga napag kamalan ko siyang stalker ko kasi ni-'Psst' niya ko nung palakad ako pa uwi galing trabaho. Gabing gabi na nun at maiyak iyak ako sa takot sa kaka 'Pssst' nung taong di ko alam na siya lang pala. "O?" sagot ko. "Bakit di ka manlang nag ku-kwento na dito ka na pala nakatira" Sabi niya sabay kotong sa'kin. "Mahabang kwento saka kahit magka lapit lang bahay na'tin di naman tayo madalas nagkikita. Pano ko sasabihin sa'yo? Buti nga di mo ko pinagpapalit sa mga rich kids sa school mo eh" She looked at me with disbelief in her eyes. Na iinis siya sa tuwing sasabihin ko yun. "Ayan ka nanaman sa "buti di mo ko pinagpapalit". Andaming beses ko nang sinasabi sa 'yo na hindi nila mapapalitan ung ti-".

"Time and memories ng pagkakaibigan na 'tin. Opo, opo" I am just really thankful na di siya nagsasawa sa akin. Nakakatuwa lang yung pag bali wala niya sa katayuan namin sa buhay. "Mag kukwento ka sa akin mamaya ah" Tumango nalang ako. "Pano pala kayo nagka-kilala ni Szach?" Tanong ko kasi nabigla ako sa reaction ni Szach kanina nung bigla nalang pumasok si Hyuri sa kwarto niya. Buti hindi siya na bugahan ng apoy ni Szach. "Sa school. Classmate ko siya" Napa-lingon ako bigla. Di ko alam na dun sin pala nag aaral si Szach. School of the elites siguro yung school nila. Iniisip ko pa lang natatakot na ako sa mga istudyante dun. "Mukhang close kayo. Kung ako yun tas bigla nalang akong papasok sa kwrto niya, di na siguro ako nakalabas sa kwarto na 'yon. Mapapatay niya ako".

"Gan'on lang talaga si Szach pag may bagong nilalang sa paligid niya. Yung transfer student nga ngayong year kawawa kay Szach eh. Pero ngayon tinantanan na niya". Napa "Ah ok..." nalang ako sa narinig ko. Pero kung titingnan niyo at oobserbahan niyo si Szach, mabait naman talaga siya. Intimidating lang talaga yung itsura at aura niya. 

"Good morning sweeties!". Bati sa 'min ng ever-so-blooming na si Mrs. Nam. Kung iba-base mo sa itsura niya, mukha lang siyang 25 years old. "Ako nag luto ng breakfast ngayon!" Mukhang masarap yung agahan na 'min. Feel ko tuloy kakain ako sa 5 star restaurant na nakikita ko sa mga commercial sa malalaking tv pag naglalakad ako papuntang schol. "Oh! Nandito pala ang future Doctor ng Park Family. So You decided to follow the foot steps of your mom's side of the family" Bati ni tito kay Hyeri. Mukhang kilalang kilala niya yung pamilya ni Hyeri. "And of course I would like to give my greetings to the successor of Hector Park". Naka ngiti lang sila parehas habang nakikinig sa 'rich talk' ni Sr. Nam.

"Stop the formalities, honey. You're making them feel awkward. Nako pag pasensyahan niyo na ang tito niyo. Sige na kumain na kayo!". Namiss ko bigla yung luto ni mama dahil sa mabangong amoy ng mga pagkain na nakahain. Mukhang masarap yung piniritong manok sa harapan ko kaya kumuha na ako ng isang piraso. Saka mas sanay akong kainin yun kesa sa ibang putaheng nasa lamesa. "Di ko alam na magkaibigan pala kayo ni Rose, Hyeri. Well, that's great because she will be studying with you starting next week!" 

"PO?!"

I love you... EnemyWhere stories live. Discover now