Pag ibig Ng Kahapon

14 12 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakita kita,
Nakangiti at masaya
Ngunit ang iyong tingi'y di sakin nakadirekta,
Kundi sa kanya na lubos mong minamahal.

Lahat ng sakit at pagluluksa
Ay ramdam ng katawan
Nawalan na ng pag asa
Ang dati nating samahan.

Ang dating magkadaop na palad
Ay unti-unting naghiwalay
Lumipat sa iba
Na mas higit mong minahal.

Ngayo'y mag isa't
Nakaupo sa sulok
Hawak ang kwadernong
Nakasaksi sa lahat ng lungkot.

Mahal kita
Pero tama na
Hindi ko na kayang makita
Ang pag ibig mo sa iba...

------------------------------------------------------

------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


A/N: Ang pag ibig ay parang pagtaya sa isang sugal. Sinubukan... Naadik... Nalulong.

Hindi ito nalalayo sa konsepto ng pag ibig.

Susubukan nating umibig, habang tumatagal ay lalong naaadik, ngunit kapag nawala ay makararanas ng matinding sakit.

Sa Pag ibig nagsisimula ang lahat. Mahirap pumasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan.

Mas maganda kung mahalin muna natin ang ating sarili dahil kung hindi ka marunong magmahal ng iyong sarili ay madali ka lamang matatalo sa laro ng puso.


Echoes Of The UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon