Bessy101

95 3 0
                                    

Leah's P.O.V

Bakit lagi na lang ako ganito? Kailan ba ang magiging masaya? Gusto ko na sumuko pero hindi ko kaya parang may pumipigil sa akin na wag ko syang iwan. Pero may nagsasabi na dapat matagal ko na syang iniwan. Hanggang kailan ko kayang magtiis? Wala eh, mahal ko sya di nyo ako masisisi kung bakit di ko sya maiwan iwan.

Andito ako ngayon sa supermarket, may binibili ako. May negosyo nmn ako kahit may asawa na ako ayaw kong umasa sa kanya.

"Bessy?!" Sino kaya yun? Palingon lingon ako hinahanap ko kung sino yung tumawag sa akin.

"Pst.! Bessy andito ako!" Walanjo sino ga yun? Tsk. Makaalis na nga bahala sya sa buhay niya lakas man-trip.

"Huyy!!"

"Ayy Asong Kalabaw" nagulat ako.

"Asus ikaw lang naman pala pa pst pst ka pa ehh kung lumapit ka na sa akin kanina, akala ko kung sino kaya di ko na pinansin" sabi ko sa likaret kong besfriend. Sandy ang name nya magbestfriend kami since elementary, hindi na ako nagsawa diba? Hahahah

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Naliligo?" Hahaha nainis na agad sa akin.

"Tsk! Ano nga? Wag mo ako daanin dyan sa mga salita mo. Mababatukan kita kahit buntis ka" aba ang taray ng lola mo. Hahaha

"Oo na po, nabili po ako kasi po may nag-order sa akin ng cupcakes ehh wala na akong ingredients kaya po ako narito po."

"Wag mo ako ma-po po dyan di pa ako matanda" hahahaha asar na talaga sya

"Bessy, kamusta na kayo ng asawa mo?"

"Tara na sabay na ako sayong magbayad" di ko na sinagot kasi pagagalitan nanaman nya ako bakit daw di ko pa hiwalayan marami naman dyang iba na mamahalin ako at aalagaan.

"Bessy, wag ibagin ang usapan."

"Ganun parin naman eh walang pagbabago. Kaya iniiba ko ang usapan kasi pagagalitan mo nanaman ako sawa na ga ako sa mga sermon mo daig mo pa ang mommy ko"

"Bessy, concern naman kasi ako sayo, kapag nasasaktan ka nasasaktan din ako kasi mahalaga ka sa akin mahal kita ayaw kong nasasaktan ka. Kaya wag kang mahihiya na magsabi ng mga problema mo andito lang ako." Awww ang sweet ng bessy ko.

"Opo nanay magsasabi po ako sa inyo"

"Hayst. Tara na nga anak!" Hahaha ganito talaga kami.

"Bessy gusto mo bang magsosyo tayo sa negosyo? Magkaroon ng coffee shop or bake shop? Diba tapos naman tayo ng HRM diba? Ano payag ka na? Hahaha"

Hmm. Maganda ang naisip nya idea pwede nga din, para naman di ako ma-bored sa bahay.

"Sige payag na ako, kaso wala tayong place na pagtatayuan may alam ka ba?"

"Sus ako pa? Marami akong alam. Hahaha. Wag kang mag-alala ako na ang bahala dun"

Pagkatapos naming mag-kwentuhan nagpasya na akong umuwi, masyado kasi akong napagod sa kakalakad sa Mall.

Nadatnat ko ang sasakyan ni Nick. Himala at ang agang nyang unuwi. Nakakapanibago.

"San ka galing!!??!" Wow naman yan agad ang bungad nya sa akin. Diba pwedeng Hi? Tsk. Wag na kasi umasa.

"Sa Mall" cold kong sabi sa kanya

"Sa Mall?!??!!! O baka naman nanlalaki ka?!??!!" Aba below the belt na ahhh sumosobra na sya.

"AKO PA TALAGA ANG SINASABIHAN MO NYAN!? NICK NGAYON LANG AKO LUMABAS NG BAHAY, LAGI NA AKONG NAKAKULONG DITO DAIG KO PA ANG MGA PRESO SA KULUNGAN. KAPAG AKO BAWAL MANLALAKI?!?!? TAPOA IKAW PWEDENG MAMBABAE??!! WOW JUST WOW NICK!! ANG GALING MO ANG GALING GALING MO.!!! WAG MONG INTAYIN NA MAPUNO NA AKO SA GALIT AT BAKA ISANG ARAW GUMISING AKO HINDI NA KITA MAHAL. TANDAAN MO YAN." Hindi ko na sya pinatapos magsalita umakyat na ako kasi bumagsak nanaman ang luha ako. Nakakapagod na din. Pagod na pagod na ako.

Nick's P.O.V

"Sh*t ano bang kalse kang secretary bakit di mo sinabi na wala pala akong meeting ngayong hapon?!?"

"S-Sir, sorry po kakanina ko lang din po nalaman eh tumawag po kasi yung secretarya ng kabilang company"

"Hays. Sige labas!!" Makauwi na lang at makapagpahinga kakasira ng ulo dito sa opisina.

Bakit wala ata si Leah dito sa bahay? San nanaman yun pumunta? Nako Leah kapag nanlalaki ka humanda ka sa akin.!

Narinig kong may bumukas ng gate. Baka si Leah na yan.

"San ka galing!!??!" Sigaw ko sa kanya.

"Sa mall" cold nyang sabi sa akin. Aba!! Nako malilintikan ka sa akin!!

"Sa Mall?!??!!! O baka naman nanlalaki ka?!??!!" Nagulat sya sa sinabi ko.

"AKO PA TALAGA ANG SINASABIHAN MO NYAN!? NICK NGAYON LANG AKO LUMABAS NG BAHAY, LAGI NA AKONG NAKAKULONG DITO DAIG KO PA ANG MGA PRESO SA KULUNGAN. KAPAG AKO BAWAL MANLALAKI?!?!? TAPOA IKAW PWEDENG MAMBABAE??!! WOW JUST WOW NICK!! ANG GALING MO ANG GALING GALING MO.!!! WAG MONG INTAYIN NA MAPUNO NA AKO SA GALIT AT BAKA ISANG ARAW GUMISING AKO HINDI NA KITA MAHAL. TANDAAN MO YAN." Laglag ang panga ko nung sinabi nya yun. Ni hindi ako nakagalaw. Tinamaan ako dun sa sinabi nya lalo na yung pahuli

"ISANG ARAW GUMISING AKO HINDI NA KITA MAHAL. TANDAAN MO YAN."

"ISANG ARAW GUMISING AKO HINDI NA KITA MAHAL. TANDAAN MO YAN."

"ISANG ARAW GUMISING AKO HINDI NA KITA MAHAL. TANDAAN MO YAN."

Parang parang hindi ko kayang iwan nya ako. Hindi ko kaya. Parang may kirot sa puso ko nung sinabi nya yun.

Please Leah. Di ko kaya. Di ko kaya

Wag kang mapagod please..

--------------------

Sorry sa super duper late na update naging busy talaga ako nung nakaraang buwan. Kaya eto na yung update medyo mahaba na sya. Hahahaha

Please vote ang comment! :)

Where's my Happiness?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon