Best Friend Forever (NFI)

1K 14 1
                                    

“Kailan ba tayo matatapos sa pagaayos dito?” Inis na tanong ni Erica, nagkibit balikat nalang kaming apat.

Ako nga pala si Jaca, at ang mga kasama ko ngayon ay ang mga kaibigan ko simula pa nung highschool, si Ynna, Erica, Jaymee at Aubrey. Nagaayos kami dito sa bago naming apartment, magkakasama kaming umalis sa dati naming inuupahan dahil sa isang malagim na pangyayari, isa sa mga bestfriend namin ang namatay 5 years ago, si Joy, at Death Anniversary niya ngayon.

“Alam niyo, kapag naiisip ko parin ang nangyari sa kaibigan nating si Joy, nagsisitayuan ang mga balahibo ko.” Sabi ni Ynna habang tinatanggal ang balot na diaryo sa vase.

“Wag mo na ngang banggitin ang pangyayaring ‘yan. Tapos na, wala na tayong magagawa pa.” Sabi ko nalang, hangga’t sa maaari, ayoko nang maalala ang pangyayaring ‘yon.

“Oo nga naman, Ynna. Past is past.” Sabi naman ni Aubrey, tumango nalang si Ynna at hindi na nagsalita pa.

Lahat kami ay sobrang natakot sa pangyayaring iyon, lahat kami ay na-trauma pero hindi na kami nagpapaapekto, ngunit hindi parin naming maalis ang pangambang baka mangyari ulit ang pangyayaring ‘yon.

*Flashback*

“Ano nanaman bang ginagawa mo dyan sa harap ng laptop, Joy?” Tanong ni Jaymee, kanina pa kasi nasa harap ng laptop si Joy at type ng type.

“Sa tingin ko kasi’y nahanap ko na ang lalaking magpapahalaga sakin.” Kinikilig na sabi nito, nagtaka naman kami.

“Paano mo naman mahahanap? Eh ni hindi ka nga lumalabas ng bahay, aber.” Tanong ko, nakakapagtaka naman.

“Hay nako! Kayo talaga, ang ke-KJ niyo! Syempre, gumamit ako ng facebook. Ka-chat ko siya ngayon oh!” Sabi niya at iniharap pa samin ang laptop.

“Sino naman ‘yang Chrisian Dela Cruz na ‘yan?” Tanong ni Jaymee, ngumiti naman si Joy.

“Siya ang future ko.” Parang nagde-daydream na sabi nito.

“Future?!Kilala mo ba ‘yan sa personal?” Tanong naman ni Ynna, napatungo nalang si Joy.

“Hindi, pero ok lang sakin dahil ang bait niya.”Sagot nito.

“Hay nako, hindi ka na nadala, Joy! Baka nakakalimutan mo na sa FB Chat mo rin nakilala yung ex mong walang-hiya?” Sabi ko, inirapan niya lang ako.

“Iba si Christian at iba si Terrence, wag mo na ngang babanggitin ang pangalan na ‘yan!” Inis na sabi nito at pumasok sa kanyang kwarto dala-dala ang laptop, napailing nalang kaming lima.

**

Ilang araw ang lumipas at ganun padin, kachat parin ni Joy ang Christian Dela Cruz na ‘yon,pero habang tumatagal, nagiging balisa si Joy at parang lagi nalang tulala, lagi rin syiang umaalis tuwing gabi kaya nagaalala na kami. Hanggang sa isang gabi..

One-Shot Horror and Mystery/Thriller Story Writing Contest ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon