“Takbo!” Sigaw niya kasabay ng kanyang nakakakilabot na halakak. Lalo akong nanginig sa takot
ng marinig ko iyon.
Napaiyak na ako sa sobrang takot. Hindi ako maka sigaw sa takot dahil malalaman niya kung
nasaang parte na ako ng bahay at nag sumiksik ako sa tagong cabinet sa kwarto ko.
“Wwaaggg!!!!!” Natutop ko ang bibig ko ng makilala ko kung sino ang sumigaw. Si keisha!
“Haha! Walang lalabas ng bahay!” Nag tilian ang mga kaibigan ko at naka rinig ako ng mga
kalabog. Sumilip ako samay awang ng cabinet na pinagtataguaan ko, kaharap lang iyon ng bukas
na pinto kaya kitang kita ko ang nag kalat na dugo sa labas ng kwarto ko.
Hindi ko alam kung bakit nangyari 'to, masaya kaming nag seselebreyt para sa nakuhang premyo
ng klase namin pero bigla nalang may dumating na kung sino at nag kagulo na kaming lahat.
Walang nakakarinig samin na kapitbahay dahil ang layo ng pagitan ng bahay namin sa kanila.
Kaya mas nakakapanlumo.
'Mommy, ddaddy. Ttulungan niyo ako.' Lalo napaiyak ng maalala ko sila. Narinig kong may
tumatakbo papalapit samay kwarto ko kaya sumilip ako samay uwang.
Si jake! Takot na takot siya, at pawisan na din saka ang daming dugo sa katawan. Papasok sana
siya sa kwarto ko ng bigla siyang nadapa at biglang tumihaya para tignan ang humahabol sa kanya.
Tatawagin ko sana siya ngunit lumitaw ang isang lalaki at naka maskara ng kulay puti, At tanging
ang mata lang niya ang makikita.
“Wwag! Pparang awa mo na!” Pagmamaka awa ni Jake habang pilit na umaatras. Tumawa
lang ang lalaki.
“Awa? Hahaha! Hindi dapat awa ang hinihiling mo! Kundi himala!” Sigaw nito.
“ssino ka ba!?”Jake.
“Ako? Ako si...” Umupo ito sa tabi ni Jake at nilapit ang mukha niya dito. “Kamatayan!” At saka
sinaksak niya ng kutsilyo ang palad ni Jake kaya napahiyaw ito sa sakit. Nanlaki ang mata ko sa
gulat at panghihilakbot sa nakita ko at pinilit na walang lumabas na kahit anong tunog mula sa