Do Not Disturb the DEAD

534 11 1
                                    

         “Tapusin niyo na ‘yang mga charts ninyo, magra-rounds na ang mga doctor ng 3 am.” sabi ng Clinical Instructor nila.

Tiningnan ni Yassi ang relo sa kamay niya “2:30 am na pala” sabi niya.

“Kaya nga bilisan ninyo, kayo rin ang mahihirapan” sagot ng Clinical instructor.

Dali-dali silang lahat nagsulat habang naka-upo sa nurses station. Every Monday at Tuesday ang duty nila sa Jackson Angels Memorial Medical Center.

Pagkatapos mag sulat binigay nila lahat ng charts at isa-isa silang nagsalita tungkol sa mga sinulat. Pagkatapos niyang pirmahan, nagsimula nang magrounds ang mga doctor at naiwan sila sa nurses station. Wala masyadong tao sa hallway dahil madaling araw, tanging boses lang nila ang naririnig sa paligid.

“Ui girl! Ano na’ng gagawin natin?” tanong ni Regie kay Yassie.

“Matulog” sagot ni Yassie sabay humikab.

“Gaga! Bawal kaya matulog” sagot ni Regie.“Laro tayo ng hide and seek” dagdag niya.

“Bakla ka! Ano tayo mga bata?! Mamaya pagalitan pa tayo” sagot niya.

“That is so lame!” sabat ni Chelsea. “Guys come on. Sit here and circle around” utos niya sa lahat.

Umupo silang lahat sa malaking table na paikot.

“Alam niyo ba ang mga kwento sa hospital na ‘to?” tanong ni Chesea.

“Ano?” tanong ni Regie.

“Marami daw multo dito” sagot ni Chelsea.

“Obviously, hospital ‘to. People die here” sagot ni Sadie.

“Not that! Before ‘to naging hospital! Marami na daw namatay dito” sabi ni Chelsea.

Biglang humangin at lumamig ang paligid nila.

“I don’t want to talk about this!” sabi ni Shopie. Tumayo siya at umalis sa station.

“You Scaredy cat! Kakasimula pa lang natin takot ka na agad!” sigaw ni Chelsea.

“Ang ingay mo. Pabayaan mo na siya” sabi ni Yassie.

“Ituloy mo ‘yong story” sabi ni Wes.

"Wag na. Natatakot na si Sophie. Let's do something else" pigil ni Sadie.

One-Shot Horror and Mystery/Thriller Story Writing Contest ✍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon