Umaga na at heto ako naglalakad papasok sa pinag tatrabahuan ko. Sumasideline ako bilang cashier sa restaurant na pag mamay-ari nina Apple. Speaking of , Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa sinabi niya sa akin na plano niya.
*Flashback*
"Tulungan mo akong saktan si Jurvis". Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Gusto niyang saktan si Jurvis. Paano? In what way?......
"Paano?". Naguguluhan kong tanong sa kanya.
"By seducing him".walang pag-aalinlangan niyang sabi at marahang hinawakan ang kamay ko.
Agad akong tumayo . Hindi ko gusto ang plano niya. Bakit ko naman gagawin yun ?
"Sorry Apple but.. I can't do that" agad akong pumihit patalikod at napahawak ako sa ulo ko. Bahagyang kumirot ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niya.
Bigla siyang napatayo at nilapitan niya ako. " Please I'm begging you" She said .
Pumihit ako paharap sakaniya. Mataman ko siya tinignan." Apple hindi yun ganun ka dali. Kung ano man yang plano mo please tumigil ka na". Mahinahon kong sabi sakanya.
Napatigil siya sa sinabi ko at bakas sa mukha niya ang pagkadismaya. Agad siyang bumalik sa pagkakaupo niya. Ayaw kong saktan ang best friend ko pero hindi maganda ang naisip niya. Tumabi ulit ako sakanya.
"I thought you are my best friend" she asked melachonly.
"Yes I'am ". Walang pag-aalinlangan kong sabi.
"Then, tulungan mo ako".
"Pero.."
"Akala ko best friend kita Diane".Bakas sa kaniya ang pagtatampo.
Ayaw kong magtampo siya sa akin dahil siya ang nag-iisa at tunay na kaibigan na meron ako . Bigla siyang tumayo papalabas ng apartment at akmang sasaraduhin ang pinto ng may pahabol pa siyang sinabi.
"Pag-isipan mo muna Diane pero kung ayaw mo, hindi kita pipilitin". Yun lang at tuluyan na siyang umalis .
*End of Flashback*
Agad akong napabalik sa kasalukuyan ng may narinig akong nag beep ng sasakyan.
"Ano ka ba miss mag papakamatay ka ba?!" Bulyaw sa akin nung lalaki.
"Sorry po" at napa peace sign ako kay kuya.
Dali-dali akong umalis . Shit! muntik na akong masagasaan kanina kakaisip .
Ilang minuto lang ang lumipas at nandito na ako sa A's Cuisine. Ang pagmamay-ari ng pamilya nina Apple. Hindi ko alam kung kaya kong makita si Apple dahil sa nangyari kagabi.
Pagkapasok ko , nakita ko siya sa counter . Bigla siyang napatigil sa ginagawa niya ng makita niya ako at agad ding umalis. Napa-iling ako nagtatampo pa rin siya.
Dumiretso na ako sa banyo para isuot ang uniform ko. Pagkatapos kong isuot ang uniform ko ay dumiretso na ako sa counter at nakita ko si maxi sa kitchen. Hinaharot na naman niya ang cook na si Ford. Landi talaga ng baklang to.
"Maxi" tawag ko sakanya.
Agad naman siyang lumabas sa kitchen at tumabi sa akin.
"Good morning Bakla". At nagbeso kami. Bigla niya akong hinawakan sa balikat ko at tinitigan niya ang mukha ko.
"Bakla bat ganyan itsura mo, mukha kang zombie". Sabi niya at tinanggal ang pagkakahawak sa balikat ko.
"Ah ....wala hindi ako makatulog kagabi eh".
"Lovelife ba?"
"Sira hindi lovelife,.... basta huwag mo na lang intindihin" .
Kumuha ako ng basahan sa kitchen para malinisan ang counter at para hindi na din siya mag-usisa pa. Pero pagbalik ko, nandoon parin siya at abala sa pagtingin ng kuko niya. Napupunas na ako nang bigla ulit siyang nagsalita.
"Diane alam mo na ba ang balita? " Tanong niya .
Biglang napapintig ang tenga ko
"Ano yun?" Ako habang nagpupunas sa counter.
"Na break na pala si Mam Apple at si papa Jurvis? Hays sayang naman yung two years relationship nila at narinig ko si Mam Apple kanina na umiiyak sa office. Si papa Jurvis kasi eh ,manloloko pala ang Lolo niyo!" Saad niya na may halong panggigil.
Bigla akong napatigil sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya.Hindi ko kayang makita ang kaibigan ko na ganun ng dahil lang sa bwiset na lalaking yun. Gusto ko sana siyang kausapin pero nagtatampo parin siya sa akin.
Kinahapunan... Tapos na ang shift ko at nakapagpasya na ako . Kakausapin ko na si apple sa desisyon ko. Kanina ko pa siya gustong kausapin pero iniiwasan niya ako at ayaw ko na ganun kaming dalawa . Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa office niya.
Tok! Tok!
"Come in" narinig kong sambit niya at binuksan ko na ang pinto.
Nakita ko siyang nag titipa ng laptop niya . Madami ding papeles ang nasa lamesa ,ang iba ay nakakalat na lang sa sahig
"Apple" agaw pansin ko sakanya.
Hindi niya parin ako tinatapunan ng pansin kaya nag decide akong umupo na sa harap ng desk niya.
"Apple about doon sa plano na--"
"Okay lang kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin". Pigil niya sa sabihin ko. Napabuntong hininga ako.
"Apple ...... papayag na ako sa plano mo" usal ko.
Agad siyang napatigil sa pagta-type ng laptop niya at tinignan ako.
"Talaga?".
Napatango ako bilang tugon. Nakita ko siyang tumayo sa pagkakaupo niya ,lumapit siya akin at niyakap niya ako sa leeg.
"Oh my God! thank you bff " masaya niyang sabi. Napahawak ako sa kamay niyang nakapulupot sa leeg ko. Napangiti ako dahil okay na ang kaibigan ko. I will do everything to help her. Agad siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin .
"Thank you so much bff, you make my day wonderful!" .
" Hindi ka na nagtatampo sa akin?".
"Hindi naman ako nagtatampo, slight nga lang".
Nagtawanan kami dalawa. Tutulungan ko ang kaibigan ko para maging masaya siya but I'm just thinking if, Can I seduce the one and only Jurvis Fuentabella? the certified Playboy ?..
****************
A/N: In this times of pandemic , we shouldn't forget to pray to God for the safety of our family and humanity. Keep Safe ❤️
PS:please bear with my grammar. Nobody's perfect as long as you can express yourself ❤️❤️
Vote and Comment
BINABASA MO ANG
Operation:Seducing The Playboy
ChickLitJurvis Fuentabella one of the richest pioneer in business industry. Isa siya sa may- ari ng isang pinaka sikat na mall sa Pilipinas ang JF Mall . Hindi lang siya isang richest business man sa pilipinas , Isa din siyang sought bachelor sa industry ka...