It's already morning at ready na akong pumasok sa A's Cuisine . Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa akin si Apple at nasa likod niya si Maxi na nakangiti ng napakalaki. Napakunot naman ako. Ang aga naman nila nandito?
"Good Morning !!". Magiliw na bati sa akin nina apple at maxi. Napakunot na naman ako ng noo .
"Good morning din" bati ko din sakanila.
Biglang hinawakan ni apple ang pulsuhan ko.
"Bessy kailangan mong sumama sa amin ".
"Ha? Bakit?" naguguluhan kong tanong.
Bigla ako napatingin kay maxi ng siya naman ang nagsalita. "Basta bakla sumama ka na " .
Bigla nila akong hinila at sumakay na kami ng kotse. Naguguluhan talaga ako sa inaasta nila.
Ilang minuto na ang lumipas at huminto na ang sasakyan. Tumingin ako sa labas kung nasan kami.
"Teka bakit tayo nandidito?" Tukoy ko sa bahay ni apple
"Basta " aniya.
Lumabas na kaming tatlo sa kotse . Hinawakan nina apple at maxi ang pulsuhan ko at agad na kaming pumasok. Nagpatangay na lang ako sakanila papunta sa bahay.
Pagkapasok namin sa bahay , nakita namin sina Tito at Tita (Mommy and Daddy ni Apple) na nasa dining area at kumakain.
"Hi Mom and Dad". Bati ni Apple sa parents niya habang kami ni Maxi ay naka steady lang.
"Oh anak bat nandito ka? Akala ko nasa resto ka". Tanong ni tito kay apple. Biglang napatingin sa amin sina Tito at Tita. "Ohh nandiyan pala kayo Diane ,Maxi ... Nag- breakfast na ba kayo?". Tanong sa amin ni Tito Larson.
"Salamat po. Opo nag-agahan na po kami" sagot ko . Tumango naman si Maxi bilang pangsang-ayon.
"Mom ,Dad hindi muna kami papasok dahil may mahalaga kaming gagawin " sambit ni Apple.
"Eh anak sinong mag mamanage ng resto kung wala ka Doon?". Wika ni Tita Marilyn.
"Mom don't worry ,I'm sure kaya naman nila kahit wala ako doon at isa pa, ngayon lang naman ako absent .By the way ,we go upstairs na may gagawin pa kami eh". Pagpapaalam niya kina tito at tita at tango lang ang binigay nila . Nagpaalam din kami ni Maxi , nakakahiya kasi kina tito na bigla kaming dumating at isa pa,hindi kami pumasok sa resto ngayon.
Sinundan na namin si apple paakyat ng second floor. "Ang ganda pala ng bahay nina Mam Apple no". Bulong ni Maxi sa akin na manghang nililibot ang tingin sa bahay.
Oo,Malaki ang bahay nila. Hindi ito ang unang beses na punta ko dito sa bahay nila dahil nung college kami, dito namin ginawa ang research namin at minsan ,dito din kami tumatambay pag-maaga ang uwi namin. Puti ang pintura ng bahay at glass ang ibang parte ng bintana nila. Hindi maikakaila na may kaya talaga sila. Yung Resto nila , may branches na din sa iba't-ibang parte ng Manila at Cebu kaya mapapa "Sana all " ka na lang.
Pumasok na kami sa kuwarto niya at pinaupo nila ako sa kama. Nakita kong may kinukuha si Apple sa walk in closet niya.
"Ano bang gagawin natin?" Tanong ko kay Maxi na naka upo sa tabi ko.
"Basta" sabi niya at hindi na ako nang-usisa pa.
Lumapit sa amin si Apple parang may tinatago siya dahil nakatago ang left hand niya sa likod.
"Diane , sasabihin ko na ang reason bat tayo dito dumiretso at hindi sa resto".
Katahimikan ang namayani sa paligid. Agad niyang pinakita sa amin hawak niyang envelope at iniiabot niya sa akin.
"Here" aniya .
Agad ko naman kinuha sakanya. Kulay blue at may design na envelope. "Ano to?" Tanong ko sakanya.
"Open it".
"Dali na bakla buksan mo na". Maxi
Binuksan ko na ang envelope at may laman sa loob. Kinuha ko ang laman at binasa ko.
"You're invited to Jurvis Fuentabella birthday".
Nakalagay doon ang ang venue kung saan gaganapin at time na magsisimula........mamayang 6 pm !!. Grande ang celebration ng birthday niya.
"Ayy ! Birthday pala ni papa Jurvis ngayon". Malanding sabi ni maxi
"Saan mo to nakuha ?" Takang tanong ko kay Apple.
"Sabihin na nating may mata ako sa company niya". Makahulugan niyang sabi.
"Mam pwede bang sumama diyan sa party ? baka makita ko na si Mr. Right". Ani ni Maxi.
"Gaga hindi pwede". Sabi ni apple. Napalabi na lang si Maxi.
"So, bakit mo to binibigay sa akin?"tanong ko kay apple. Naguguluhan talaga ako.
"This is your first step para iseduce si Jurvis, ang pumunta diyan sa birthday party"
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
" Teka ngayon na? As in?" Di parin ako makapaniwala kasi hindi ako ready.
"Yes Ito ang first assignment mo sa ating operation, but you have only one rule to remember....."
"Ano Yun?"
Agad siyang umupo sa tabi ko at tinignan ako ng mataman.
"Don't fall inlove with Jurvis Fuentabella".
Itutuloy......
*VOTE AND COMMENT PA DIN...
BINABASA MO ANG
Operation:Seducing The Playboy
ChickLitJurvis Fuentabella one of the richest pioneer in business industry. Isa siya sa may- ari ng isang pinaka sikat na mall sa Pilipinas ang JF Mall . Hindi lang siya isang richest business man sa pilipinas , Isa din siyang sought bachelor sa industry ka...