Chapter 17

514 14 4
                                    

Sarah's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sarah's POV

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig sa kape ko na kahit 'di ko na hawakan ay alam kong malamig na. Anong oras na ba? Tapos na ba ang break time?

"Starting tomorrow, Ms. Aandy Reuland will take over my position. She will be your boss for the meantime"

"Sarah, bali-balita na mawawala daw si Sir Aiken ah. Totoo ba? Hanggang kailan?" Pasimpleng tanong ni Jade habang kunwaring nagtitimpla ng kape niya.

I let out a deep sighed before answering her, "Yes but he still doesn't know when will he come back. Depende daw sa sitwasyon"

"Oh~ kaya pala umagang umaga nakatulala ka" pang-aasar pa nito saakin, "Alam ko na, labas tayo mamaya pagkatapos ng work"

"Saan naman tayo pupunta?"

"Kung saan wala si sir Aiken"

....

After work, inaya niya ako sa peryahan malapit sa bayan. Sinubukan namin ang mga nakaka hilong rides, pumasok sa horror house at mag sugal

"Bwiset! Hinding hindi na talaga ako sasakay sa barkong yan! Sis, tanggal talaga kaluluwa mo!" Galit na galit na sabi ni Jade pagkatapos niyang mahilo at magsuka.

Tinawanan ko lang siya dahil siya lang naman ang naglakas loob na sumakay sa viking na yan.

"Kaya pa? Octopus naman" she instantly glared at me, "Joke lang. Nagugutom na ako, kain muna tayo"

Bumili lang kami ng tig-isang sizzling sisig dahil ubos na pera namin sa mga rides at sugal na isang mug at curls lang ang napanalunan namin.

"Sarah! Ayun oh, sunod natin" suggestion niya sabay turo sa isang tent na may karatulang 'See your Future'

"Ayoko, hindi ako naniniwala dyan"

"Sige na! Wala namang mawawala sayo"

Ayoko talaga. Hindi naman kasi totoo yung mga ganyan e. Yung huhulaan nila ang future mo gamit lang ang mga baraha at palad mo? Tsk! Mas maganda pang sumakay sa mga rides kaysa magpahula. At least doon, alam mong nag-enjoy ka.

Pero tignan mo nga naman, naka-upo ako ngayon habang hawak ng isang babae ang dalawang palad ko. Wala naman daw mawawala sabi ni Jade e.

"Malungkot ka, ija. Malungkot ka dahil takot kang sumugal" pag-uumpisa nito, "Sinasabi ko sayo, Ija. Kung mahal mo talaga siya wag kang matakot sumugal. Wag mong hayaang kainin ka ng takot mo. Bago pa mahuli ang lahat"

Love expert ata ang napasukan namin ni Jade. Akala ko ba huhulaan niya ang future ko, binigyan niya lang naman ako ng advice na sumugal.

Protecting The Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon