Chapter 15

527 11 1
                                    

Em's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Em's POV

4:53 am

Mag-aalas singko na pala pero gising na gising padin ang buong sistema ko. Alas tres na ako naka-uwi kanina pagkatapos kong maka-usap si Red. Ilang oras nadin pala akong nakahiga habang paulit-ulit na tinatapon pataas ang usb na binigay ni Tito Carlo na hanggang ngayon ay di' ko parin mabuksan.

Kailangan ko ng matulog, pupuntahan pa namin nina ate ang dati naming bahay. Siguradong bangag ako umagang-umaga.

Geez! Tutal anong oras naman na pwes hindi na ako matutulog! Bumangon na ako sa aking kama at nagtungo sa cr para maligo. Pagkatapos ay bumaba ako para magluto ng agahan namin.

7:15 am

"Oh, aga mo namang nagising o hindi ka natulog?" Inaantok pa na tanong ni ate habang kumukuha ng tubig

"The latter one" sagot ko, "Kain kana tapos maligo kana din. Maaga tayong aalis ngayon. Natawagan ko narin sina Hearon at malapit na daw sila"

"Geez! Ang usapan natin alas dyis. Inaantok pa ako" reklamo nito pero nagkibit balikat nalamang ako bilang sagot.

I went back to my room to wear on the shoulder holster then get my two M9 pistol from the cabinet and one dagger.

"Em?" Andito na sila.

"Come in" sabi ko pagkatapos kong isuot ang aking trench coat

"Himala atang hindi ikaw ang hihintayin namin ngayon ah" biro ni Allen. Tinignan ko lang siya ng masama bilang sagot, "Em, tanong ko lang, bakit hindi ka pumayag sa sinabi ni papa? Maingay ako, nakaka-irita, at sa totoo lang napaka walang--"

"Shut up!" I can't help but shout at him as I clenched my fist, "I don't want to hear any words about that anymore. Please don't make me angry this early"

"I'm s-sorry," he said in a quavering voice. Nangingilid narin ang kanyang mga luha sa kanyang mata.

Hindi na bago saakin ito dahil ilang beses ko na siyang nakitang umiyak dahil sa papa niya.

Ano ba talagang nasa isip ni Mr. George at gusto niyang palitan si Allen? O ang dapat ko bang itanong ay kung anak ba niya talaga si Allen?

"You are not what they say who you are. You are important more than anyone else, especially to our group" I said trying to lighten up his feelings but he cried even louder.

Napabuntong hininga nalamang ako at nilapitan siya para yakapin. Geez! Napaka-iyakin talaga.

-*-*-*-*-

Hearon's POV

"Ang tahimik mo ngayon ah, okay kalang?" Tanong ko kay Allen na kanina pa nakatitig sa labas ng bintana at ilang beses ko naring naririnig ang kanyang buntong hininga.

Protecting The Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon