Nanay 's Day II

3.1K 62 6
                                    

Continuation..

"Aaargh ang tanga mo Vice, bat kasi ginawa mo 'yon?" pag sisi ni Vice sa kanyang sarili at nang may biglang tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

Lumabas ng banyo si Vice ng maga ang kanyang mga mata at agad namang nakita ito ng Nanay ni Ion kung kaya tinanong niya ito

"Anak, anong nangyare? Bat namamaga mata mo? Umiyak ka ba?" Pag-aalala ni Nanay Zeny sakanya ng sakto namang labas ni Ion sakanyang kwarto kung kaya dali-dali niyang pinuntahan ang dalaga

Nagtinginan lang sila sa mata walang gustong magsalita ng biglang iniwas ni Vice ang kanyang tingin

"Labas lang po ako saglit, excuse me po" pag papaalam ni Vice sa mga ito at agad na lumabas at doon umiyak

Habang umiiyak siya hindi niya naramdamang andoon na si Ion sa likod niya at nakayakap na ito

"Lab sorry, shh tahan na" pag-aalo ni Ion sa kasintahan

"Che, kasalanan mo ito pinapa-iyak mo ko, hindi mo na ko mahal" pag iinarte ni Vice habang humihikbi pa rin

"Ako talaga?" Pang-aasar ni Ion sakanya kung kaya agad naman itong nakatanggap ng hampas mula sa dalaga at pinaharap ito ni Ion

"Sorry, hindi ko na uulitin" pag hingi ng tawad ni Vice sa binata

"Shh wala yon, mamaya na natin pag-usapan kumain muna tayo sa loob diba may pupuntahan pa kayo nila Nanay Rosario oh, ba-biyahe ka pa, tara na kumain na tayo" sabi ni Ion at bilang sagot tinanguan nalang ito Vice at pumasok na sila sa loob

Masayang nairaos ng Pamilyang Perez ang Mother's day dahil na rin sa naitulong ni Vice sa kanila at napag-pasyahan naman na ni Vice na magpaalam

"Nanay Zeny, Happy Mother's Day po, as much as I want to be with you po kaso may Mother's Day celebration din po samin eh kaya kailangan ko na pong umuwi sa Manila kaya yung regalo ko po sa pag-uwi nalang po namin ni Ion galing concert ah?" sabi ni Vice sa Nanay ni Ion

"Huwag na anak sapat na itong mga 'to at yung pag punta dito tignan mo na surprise si Noi hahaha" sabi ni Nanay Zeny at tumawa

"I insist po Nay, baka asarin lang po ako ng bwisit nyong anak at sabihing wala akong regalo sainyo samantalang siya meron" giit ni Vice at tumingin kay Ion ng masama sabay irap

"Nay wala akong sinasabing ganon" pag dipensa ni Ion sa sarili na ikinatawa naman ng lahat ng tao sa bahay na iyon

"O paano po nay aalis na ko, si Ion po papaiwanan ko muna rito para makapag-celebrate pa po kayo, Happy Mother's Day po ulit" pagpapaalam ni Vice yinakap at hinalikan niya ito gayon din ang mga pamangkin at Kapatid na ito

"Nay, hatid ko muna 'tong maganda kong bebelabs" sabi ni Ion na ikinatawa naman ng lahat kung kaya nakatanggap si Ion ng kurot sa braso mula kay Vice

"Kuya, ang corny hindi bagay" sabi ng isa sa mga kapatid ni Ion at sinang-ayunan naman ni Vice sabay binelatan

Lumabas na ng bahay sila Vice at Ion, habang naglalakad sila papunta sa labas ng gate nito magkahawak sila ng kamay

"Andito na ko, pumasok ka na sa loob, aalis na ko" pag-papaalam ni Vice sa binata ngunit hindi pa rin nagbibitaw ang kanilang mga kamay

"Ayaw mo talagang sumabay na kong umuwi sayo? okay lang naman kila Nanay na umuwi na ko kasama ka" malungkot na pag tatanong ni Ion dito

"As much as I want too lab kaso Mother's day ngayon celebrate it with your mom tsaka napag-usapan na natin to diba? Naintindihan naman ni Nanay kung hindi ka makakasama samin mag-celebrate" pagpapaliwanag ni Vice sabay hawak sa magkabilang pisnge nito

"Mag-iingat ka sa biyahe okay? Tsaka yung kanina naintindihan ko naman na 'yon hindi na ko galit basta sa susunod huwag na okay? Baka sabihin ng iba, iba intensyon ko sayo pag nalaman 'yon. Mahal kita" sabi ni Ion at yinakap si Vice at tinugunan naman ng dalaga

"Uuwi na ko, mag ingat ka din sa biyahe mamaya pag uwi mo sa bahay okay? Papahatid nalang ako kay Kuya sa terminal dito tapos papa-sundo nalang ako sa helicopter para maibalik dito yung sasakyan okay?" Sabi ni Vice sa binata

"Ano ka ba huwag na, papahatid nalang ako sa asawa ni Eliza huwag mo ng tawagan yung sa helicopter nakaka-abala ka pa hahaha joke" pang aasar ni Ion dito

"Ah ganon benigno, kung huwag ka na kayang umuwi sa bahay no?" Giit na sabi ni Vice

"Sige ba, walang iyakan pag ginawa ko 'yon" pang aasar ni Ion ulit dito

"Charot lang ito naman, sige na uuwi na ko mag-ingat sa biyahe okay? I love you" pag-papaalam ni Vice sa binata sabay yakap at halik sa pisnge nito

"Mas mahal kita lab, ingat ka din magkita nalang tayo bukas tsaka pasabi din kay Nanay Rosario Happy Mother's Day yung regalo ko kamo pag uwi na natin galing ibang bansa" sabi ni Ion at hinalikan si Vice sa noo

Hinatid na ni Ion si Vice sa kotse nito at pinuntahan si Kuya Jeff at binulungan ito ng "Ingat mo yan kuya, papakasalan ko pa yan" na ikinangiti naman nito at bilang sumagot tumango nalang ito

Sinarado na ni Ion ang kotse at umalis na nga sila Vice ng Tarlac papuntang Manila

"Kuya, ano sinabi sayo ng mokong na 'yon?" Pagtatanong ni Vice kay Kuya Jeff

"Wala "yon, sinabi lang ingatan daw kita mahal na mahal ka daw niya" sagot ni Kuya Jeff at ngumiti nalang si Vice dahil dito

Nakarating sila Vice sa Manila ng bandang alas kwarto ng hapon dahil maaga palang nagpunta na siya kila Ion at sinalubong siya ng kanyang aso na si Chip In at nag-IG story ito

Bandang alas 7 ng gabi sinundo siya ni Ryan ang kanyang anak anakan upang mag-celebrate ng Mother's Day at isinama niya na rin ang kanyang buong Pamilya para isahang celebrate nalang dahil nag insist si Ryan na siya ang mang lilibre sa mga ito

Dinala siya ni Ryan sa isang mamahaling Hotel upang doon i-celebrate ang Mother's Day

Napuno ang kwarto ng asaran at tawanan dahil na rin kay Vice, Ryan at Wilbert ng matapos silang kumain agad na nag-aya si Vice na umuwi dahil nakatanggap siya ng text galing sa kasintahan na malapit na itong umuwi at nasa biyahe na

Nang makauwi sila sa bahay agad na nagtungo si Vice sa kwarto at kinuha ang regalo nanay

Gustuhin mang matulog na ni Vice ngunit hindi pwede dahil meron pa siyang bisita dahil andoon pa sila Ryan at Wilbert na kanyang anak anakan kung kaya napag pasiyahan na lang niyang makipag laro ng tong its sa mga ito (A/N: hindi ko alam kung yan yung spelling non basta laro siya na ginagamitan ng baraha)

Habang enjoy na enjoy sila sa paglalaro hindi na nila na malayan ang oras na mag aala-una na ng madaling araw kung kaya hindi na niya pinauwi ang dalawa at doon nalang matulog

Pumanik na siya sa kanyang kwarto at nagpalit ng damit pang tulog at nagtanggal ng make-up

Lumipas ang mga oras dinalaw na siya ng antok kung kaya hindi niya na napag-pasiyahang hintayin pa si Ion

                       T h e    E n d




Hi guys, ito na po yung part two ng Mother's day celebration ng dalawa and I hope you guys like it. Sorry kung lame hehe ✌



Vote and comment 🧡

Viceion One Shot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon